Gayunpaman, mas sensitibo si Mo Ting kaysa sa manager ni Qin Yu. Sa sandaling nalaman niya na nakapirma na si Tangning ng kanyang kontrata, inutos niya sa kanyang PR department na magpalabas ng isang artikulo na bumabati kay Tangning sa pagiging bagong spokesperson ng Excalibur Q.
Kaya, masasani na talo na si Qin Yu!
Mabilis na nakipag – ugnayan ang Artist Director ng Star King kay Qin Yu, tinatong niya ito kung ano ang nangyari. Masyadong malaki ang ginugol na pera ng kumpanya at binigyan siya ng masyadong malaking backing, gayon pa man ang endorsement ay nakuha lamang ni Tangning.
Walang masabi si Qin Yu. Tungkol naman sa kanyang manager, punong – puno ito ng galit. Ang mga kilos ng Hai Rui ay mabilis at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na maimbestigahan ang manager ni Tangning!