Natigilan ng sandali si Director Liu habang hinihimas niya ang kanyang baba at maingat na nag – iisip, "Nag – insayo si Tangning kanina at ang kanyang pag – arte ay magaling na sa simula pa lang. Kung President Mo naman ang pag – uusapan, hindi ko napansin ang kanyang eakspresyon. Kung sila man ay magkasintahan, ito ay pribadong buhay na nila. Kung gusto mong manatili sa Beijing ng matagal na panahon, kung gayon iminumungkahi ko sa iyo na huwag kanyang maging masyadong mausisa."
Marahang tumawa ang representative ng LM habang walang magawa niyang hinihimas ang kanyang ulo, "Pakiramdam ko nagpapakita sila ng isang matibay na pagsasama ng mag – asawa."
"Ito ay magandang bagay para sa LM."
Mabilis na natapos ang unang eksena ng komersyal, kaya naman mabilis na nagtipon muli ang photography team sa sunod na lokasyon.