"Ngunit, pumirma tayo ng kontrata…" babala ng manager ni Ling Feng, kumunot ang noo nito habang sumusunod sa likod ni Ling Feng.
"Sabihin mo sa kanila na hindi maganda ang pakiramdam ko at sabihin mo sa doctor na gawan ang ng sulat… huwag mong sabihin sa akin na kahit ito ay hindi mo alam na gawin?" nagpakita si Ling Feng ng isang ngiti na nakakatakot. Hanggang sa puntong ito, ang kanyang career ay naging maayos; walang sinuman ang naglakas ng loob na hindi siya siputin ng ganito. Gayunman, naglakas ng loob ang isang laos na modelo na gawin ito sa kanya.
"Nauunawaan ko," ibinalot ng manager ang sarili niya ng mahigpit gamit ang kanyang coat at sumunod sa likod si Ling Feng.