Bahagyang naging komplikado ang ekspresyo ni Luo Hao. Lalo na pagkatapos niyang masaksihan ang pagkatalo ni Yang Jing. mayroon siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang puso. Kaya, nang buksan niya ang kanyang bibig walang salita ang lumabas mula roon. Pagkatapos na maging kalmado ni Yang Jing, naitanong din niya sa wakas, "Saan mo gustong pumunta? Ihahatid kita."
"Hindi na kailangan…" umiling si Yang Jing. "Luo Hao, kahit maraming masasabang bagay akong ginawa sa iyo na hindi mo nalalaman nitong mga nakalipas na taon, ang lahat ng iyon ay ginawa ko lamang dahil sa pinalaglag mo sa akin ang ating anak. Kaya, hindi ko kailanman naramdaman na mayroon akong pagkaka – utang sa iyo."
Pagkatapos magsalita, itinulak niya pabukas ang pinto ng sasakyan at umalis. Si Luo Hao naman ay naiwan sa loob nito – ang kanyang isipan ay gulong – gulo.