Talagang masama na ngayon ang loob ng mga taong sinusuportahan ang Happy. Iyan ay dahil sa simula sa Group Arena ng araw na ito. Paulit-ulit nang nawawala sa mga kamay ng Happy ang kalamangang dapat na sa kanila.
Pero sa huli ay nagawa pa rin naman nilang magpakitang-gilas sa punto na maaari nila iyong ipagmayabang. Pero papaano naman ang Team Competition sa araw na ito? Muli na naman nilang hinahabol ang Samsara para makakuha ng kalamangan.
Ang paulit-ulit na paghahabol sa mga kalaban ay talaga nga namang nakakainis para sa mga tagahanga ng Happy.
Ang ganitong klase ng pakiramdam, hanggang kailan kaya ito magtatagal?
Hindi maganda ang pakiramdam ng mga tagahanga ng Happy, at hindi rin maganda ang pakiramdam ng mga tagahanga ng Samsara.