"Gusto mong maglaban?" Napatawa si Jiang Botao: "Gusto mong manalo kaharap kaming tatlo nang mag-isa ka lang? Masyadong mahirap iyan!"
"Sige ba! Tara, sugurin niyo ako!" Pasigaw na sabi ni Steamed Bun.
"Vice-Captain, gusto lang niyang magsayang ng oras!" Matapos makita na parang sumasabay yata si Jiang Botao sa mga sinasabi ni Steamed Bun ay kaagad siyang nagbigay ng babala.
"Hindi naman kasi nakakatuwa ang ganitong klase ng labanan. Bakit kayo nag-aalala? Maglaro na lang tayo kasama siya! Sa tingin mo ba ay kaya niya tayong talunin tatlo nang mag-isa?" Tinanong naman ni Jiang Botao si Du Ming.
"Syempre naman, hindi!" Biglang ginanahan si Du Ming.
"Sige, tara!" Pasigaw na sabi ni Wu Qi. Sumugod naman ang kaniyang Cruel Silence.
"Paparating na kami!" Sabi ni Jiang Botao.