Ano kaya ang magiging resulta ng palitan na ito?
Walang kahit na sino ang may kakayahang hulaan ang sagot sa katanungan ito, o kung mayroon man ay wala silang sapat na oras para gumawa ng mga panghuhula. Ito ay dahil sa kadalasang nagtatagal lang naman kasi ng hindi lalagpas sa dalawampung segundo ang ganitong klase ng labanan.
Ito ay dahil sa ginagamit kasi nilang lahat ang pinakamabilis, at epektibong paraan para makapaglapat ng pinsala sa kanilang mga kalaban. Walang kwenta ang mga mababagal, at malalakas na skill sa puntong ito ng labanan.
Bumabagsak ng walang-humpay ang kanilang mga Health Bar, dahil sa palitan na ito pero makikita mo naman na kahit na nagpapaunahan silang lahat na patayin ang isa't-isa ay malinaw pa rin naman ang kanilang isipan tungkol sa kung sino sa kanilang mga kalaban, ang kanilang uunahin.