Gumewang ang kursur ni Lower Your Head sa ulo ni Listened Promise. Mukhang ang character niya ay paulit ulit na nakatutok sa kanya. Kung pipindot siya, kahit ang immortal ay hindi maiiwasan ang ganitong distansya. Bibigyan ko na lang siya ng panakot! Laro lang naman ito, kaya hindi naman sa mamamatay siya sa isang putok sa ulo.
Sumangayon si Lower your Head sa pagtapos muna sa Excellent Era ng magkasama. Hindi siya mababaw na tao na babalik sa kanyang sinabi. Ngunit sa sandaling ito talaga may kakatwa siyang mga iniisip. Hindi nilingon ni Listened Promise ang kanyang ulo, pero ang boses niya ay maririnig: "Huwag ka ng magulo. Malapit na tayo."
"Paano mo nalaman?" Nagulat si Lower your Head.
"Base sa pagsusuri ko sa knailang ruta, oras na para dumating sila." Sabi ni Ye xiu.
"Tinatanong ko kung paano mo nalaman na… ginagawa ko iyon…" Tanong ni Lower Your Head.
"Hm? Ginagawa mo ang alin?" Lumingon ang character ni Listened Promise.