ดาวน์โหลดแอป
96.6% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1509: Idilat mo ang Iyong mga Mata at Manood (2)

บท 1509: Idilat mo ang Iyong mga Mata at Manood (2)

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

"Ang pinakasimple? Ibig mo bang sabihin...mahigit pa sa dalawa ang klase ng Spirit Reinforcement?" Mas lalo pang nagulat si Ye Gu sa kaniyang narinig.

Tumango naman si Ye Sha.

"Iyong mga nasaksihan ko lang noon ay halos mahigit na sa isandaan."

Napasinghap si Ye Gu.

Sa Innate Gift Competition, ang kaninang maingay na venue ay naging tahimik na ngayon. Mas dumami pa ang nanonood sa pusang naglalakad sa ere at nagliliyab ang mga paa. Maging ang iba pang mga kabataang nagtatanghal sa ibang entablado ay natigil para tumitig sa pusa.

Napuno ng katahimikan ang lahat. 

Matapos ng ilan pang segundo, unti-unting bumaba ang pusa. Marahan itong naglakad pababa sa sahig at umupo sa tabi ni Jun Wu Xie.

Naging ebidensya ang katahimikan sa pagkamangha sa ginawa ni Jun Wu Xie. Nagningning ang tuwa sa kaniyang mga mata.

Ito...

ang eksaktong bagay na gusto niyang mangyari.

Ang bagay na hindi gugustuhing makaligtaan ng mga taga-Twelve Palaces at Nine Temples. Ang bagay na gugustuhin nilang matutunan, ang Spirit Reinforcement!

Sa gitna ng katahimikang iyon, kinarga ni Jun Wu Xie ang pusa at humarap sa mga hurado sa dulo ng entablado.

"Kumusta?" Marahang tanong ni Jun Wu Xie.

Bumasag sa katahimikan ang malamig na boses ni Jun Wu Xie.

Tila naman natauhan ang hurado nang magsalita si Jun Wu Xie, ngunit ang gulat ay mababakas pa rin sa mga mata nito. Ibinuka nito ang kaniyang bibig ngunit hindi niya malaman kung ano ang kaniyang sasabihin. Bago kay Jun Wu Xie, bago pa man matapos ang isang kalahok sa kaniyang pagtatanghal, matatanggap na agad niya ang desisyon kung dapat ba itong makapasok sa susunod na round. Ngunit ngayon, natapos na lang si Jun Wu Xie ay wala pa siyang natatanggap.

"Ma...Maaari ka bang maghintay ng ilang sandali?" Ang huradong magaspang ang ugali ay nanginginig sa mga oras na iyon. Sa mga kabataan kanina ay harap-harapan nitong ipinapakita ang kaniyang pagtanggi. Para maging isang hurado sa Battle of Deities Grand Meet, kailangan ay mayroon ka ring malakas na kapangyarihan.

Ngunit ang pag-akyat ni Jun Wu Xie sa entabladong iyon ay labis na nagpabago ng sitwasyon.

Kahit ang mga hurado na maraming alam sa mundo ay labis na namangha sa ipinakita ni Jun Wu Xie. Agad niyang naintindihan na ang batang nasa kanilang harapa ay hindi basta-basta. Gayong hindi niya alam kung saan nito nakuha ang kaniyang talento, isa lang ang nasisiguro niya, siguradong pag-aagawaan siya ng Twelve Palaces!

Sa pribadong silid, ang tatlong kalalakihang mula sa Palace of Flame Demons ay ngayon lang nanumbalik ang ulirat. Napaupo sila sa upuang nasa kanilang likod.

"Diyos ko! Ano iyong napanood ko? Pwede kang maglagay ng kapangyarihan sa spirit bodies?" Saad ng isa sa mga lalaki habang sapo ang kaniyang ulo. Kung hindi niya nakitang pare-pareho sila ng reaksyon sa silid na iyon, iisipin niyang hindi totoo ang kaniyang nakita.

"Ang batang iyon! Siguraduhin niyong makukuha natin siya sa Palace of Flame Demons!" Sagot naman ng isa pa.

Pambihira ang katangiang taglay ng batang iyon! Ngayon lang sila nakakita ng bagay na ginawa ni Jun Wu Xie.

"Kaso, nakita rin ng iba taga-ibang palasyo ang ginawa ng bata at sigurado akong pare-pareho tayo ng iniisip sa mga oras na ito." Dahil sa ipinakita ni Jun Wu Xie paniguradong lilikha iyon ng ingay sa buong Middle Realm. Ang mga taga-ibang palasyo ay hindi tanga para palagpasin ang isang katulad ni Jun Wu Xie!

"Ha! Kung gayon, tignan natin kung paano sila mananalo sa Palace of Flame Demons!"

"Ibabalita ko ito sa ating Elder, kayo magbantay kayo dito! Kung lalabas ang batang iyon sa lugar na 'to, sguraduhin niyong bubuntutan niyo siya!" Mabilis na utos ng lalaki. Tila ba'y wala itong oras na dapat sayangin!


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C1509
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ