Sa bukang-liwayway, habang nagigising ang mundo at ang unang sinag ng araw ay sumilaw sa kalupaan. Isang malaking karo na hinihila ng limang malalaking mga kabayo ang umalis mula sa Raining Valley Town, tinutuloy ang paglalakbay nito sa daan patungo sa Imperial City ng Crimson Sky Kingdom matapos ang isang gabi...
Splash!
Sa loob ng karwahe, nang hawakan ni Duan Ling Tian ang salansan ng silver sa kaniyang kamay, isang maliwanag na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha. "Hindi ko inaasahan na walang kahirap-hirap na darating ang pera!"
Sa kasalukuyan, ang silver na mayroon siya ay lumalagpas na sa 10,000,000!
"Tian, saan mo nakuha ang lahat ng silver na ito?" Kumunot ang noo ni Li Rou at may nagtatanong na ekspresyon. Nakita lamang niya si Xiong Quan na ipinapasa ang lahat ng silver na ito kay Duan Ling Tian ngunit hindi alam kung ano ang nangyari o kung saan nanggaling ang lahat ng silver na ito...