Dalawang buwan na ang nakalilipas, matapos niyang kunin ang Star Tower, pinaghiwahiwalay ni Luo Feng ang mga undying niyang katawan. Ang orihinal niyang katawang lupa ay nagpunta sa Redbud Island kasama ng tagaMosha niyang katawan para kunin ang atensyon ng ibang lahi. Nagsanay siya sa harap ng publiko at nagawa ring lumipad papunta sa Lupain ng Pamana imbes na iteleport ang kanyang sarili sa bawat sandaling magpupunta siya roon para malaman ng mga tagaibang lahi kung nasaan siya ngayon.
Para naman sa Golden Horned Beast niyang katawan, nakarating ito sa isang malayong teritoryo sa kalawakan gamit ang god country at lumipad papunta sa kanyang destinasyon, sa Sinaunang Chin Secret Region, sa pamamagitan ng spaceship.