Dumaloy ang tubig sa Nine Tiger River sa kalangitan at agad na kinulong ang tatlong mga overlord. Mabilis na bumagal ang tatlong ito sa paglipad.
"Ano na ang dapat nating gawin? Mayroon siyang domain na uri ng tunay na kayamanan at hindi rin natin magawang makalapit sa kaniya." Nababagabag na sinabi ni Ce Tian Kngiht.
Pero sumimangot dito si Demon Blade Knight "Feather Dark Horde Leader, magagawa mo ba siyang atakihin gamit ang iyong mga ilusyon para mapabagal sa paglipad?"
"Hindi, hindi ko kaya!" sagot ni Feather Dark Horde Leader gamit ang walang magawa nitong boses. "Masyado nang malakas ang kaniyang willpower at isipan—naaapektuhan ko lang siya nang kaunti pero nagagawa pa rin niyang lumipad at umilag nang perpekto."
Sa ilalim ng soul illusion, maaaring hindi magawa nang perpekto ang ilang mga nangungunang technique ng isang fighter na nasa ilalim ng ilusyon. Pero magiging madali pa rin dito ang paglipad.