Parang walang naging katapusan ang gilid ng bundok na nasa gitna ng Thunder Island. 12 lang ang mga tagasunod na nasa mga palasyo ni Luo Feng at ang mga ito ay mga sector lord na maingat niyang pinili. Noong nakalipas na 80,000 taon kung saan nagawa niyang buohin ang ultimate technique na star map, naging isang tunay nang superfamily ang pamilya ni Luo Feng nang dahil sa dami ng mga resources na hawak nito. Isa na itong nangungunang pamilya sa lahat ng aspeto—mga miyembro, Sistema sa pagsasanay, at dami ng mga naglalakasang nilalang… Mayroon na rin itong isang malaking grupo ng mga sector lord!
Normal lang na magsanay ng isang nilalang para maging isang sector lord, at mas mapapadali rin ito ng paggamit sa sapat na resources, naging confident noon si "Babata" na masasanay niya si Luo Feng para maging isang sector lord, walang wala na ang mga resources na mayroon siya noon kaysa sa mga resources na ginagamit ng kaniyang Luo Family ngayon.