Tumingin si Luo Feng at ang iba pang mga tagapagmanang miyembro ng Hong Alliance kay Bark Mirror kasama ang mga tagapagmanang mula sa iba't ibang grupo. Iniisip ng mga ito kung ano ang gagawin ni Bark Mirror Emperor.
Heng! Heng!
Ngumiti si Bark Mirror Empero at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa grupo ng Hong Alliance kahit na pinagtitinginan siya ng iba pang mga tagapagmana. Nang makarating siya sa lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga tagapagmanang kabilang sa Hong Alliance.
Isang knight na nagmula sa Hong Alliance ang tumayo "Bark Mirror Emperor, anong ginagawa mo rito?"
"Narito ako…para kay Blade River Emperor."
"Blade River Emperor?"
Napatayo sa sobrang pagasa ang ibang mga tagapagmana na nakarinig nito. Narinig nila na hinuhuli ni Bark Mirror Emperor noon si Blade River Emperor, pero wala itong nagawa kundi magtago sa Nine Remoteness Whirlpool para makatakas. At ngayong nagbalik si Bark Mirror Emperor para kay Blade River Emperor.