"Purple Doku knight!" Naiinis pa rin si Luo Feng sa naging kakulangan ng kaniyang plano. Dahil agad siyang napasok sa isang malaking problema sa sandaling ito.
Bahagya siyang yumuko para magpakita ng paggalang "Pagbati sa iyo Purple Doku knight!"
"Kahanga hanga ka talaga maliit na bata." Tumingin sa kaniya ang knight at malabong ngumiti kay Luo Feng "Nagawa mo talagang lokohin ang isa pang knight at sayangin ang kaniyang oras."
"Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin magagawang makatakas mula sa iyo." Iling ni Luo Feng sa kaniyang ulo, matapos nito ay nagtataka siyang lumingon sa knight "Iniisip ko ngayon kung paano mo ako nagawang hanapin matapos kong makatakas mula sa berdeng knight?"