"Sige na." Sabi ng boses.
Buong galang na yumuko si Luo Feng at nawala.
"Ilang libong taon pa lang ang nakalilipas pero nagawa na ni Luo Feng na makapatay ng isang official. Kahit nagawa pa niya ito sa pamamagitan ng golden horned beast at Sha Wu wings, hindi na ito masama. Kung magpapatuloy pa ito, siguradong makakahabol na rin siya sa senior niyang si Ke Di." Umupo ang city leader sa sahig ng kanyang shrine, umikot ang enerhiya sa kanyang paligid na nakapagpalabo sa kanyang imahe.
"Kung…"
"Kung binigyan ko lang si Ke Di ng kayamanan noon, maaaring buhay pa sana siya ngayon." Buntong hininga ng city leader.