"Ikalimang kapatid."
"Ikalimang kapatid!!!"
"Captain!" nagsisigaw ang malalayong universe level na sundalong nakakakita sa eksena dahil sa sobrang sakit at pagdadalamhati sa kanilang nakita. Naging isang mabuting kasamahan si Nuo Lan Shan sa kanila nitong nakalipas na maraming taon.
"Hayop."
"Mga demonyong nilalang, mamatay na kayo." Mas naging matindi ang ginawang pagatake ng mga naghihinanakit sa mga sundalo ng Qiu Shi. Ang inisip ng mga ito ay napatay si Nuo Lan Shan ng isang enerhiyang nagmula sa laban ng mga undying, pangkaraniwang hindi napapatay ng mga enerhiyang ito ang isang sector lord. Pero siguradong mamamatay maging ang isang nilalang na nasa tuktok ng sector lord sa oras na matamaan ang mga ito ng paghiwa mula sa mga blade ng undying, paano pa kaya ang sector lord level 3 na si Nuo Lan Shan.
"Mamatay na kayo." Sumugod ang mga taong sundalo sa kanilang mga kalaban. Ganito rin ang ginawa ng kanilang mga kalaban.
Isa itong digmaan!