Parang kidlat na nagliwanag ang mga mata ni Luo Feng. Tumingala siya sa dambuhalang estatwa ng diyos na halimaw na nasa kanyang harapan. Habang pinagaaralan ito ay kasalukuyan namang pinagaaralan ng golden horned beast niyang katawan ang maliit na estatwa para maipagkumpara.
"Hm?"
Naglakad si Luo Feng sa paligid ng estatwa, lumabo ang kanyang imahe sa bilis ng kanyang paglalakad, nagawa niyang marating ang ilang km na layo sa bawat hakbang na kanyang ginagawa.
"Kamahalan?" Nagtatakang tanong ni Dylan.
"Ano ang ginagawa ni Kamahalang Luo Fneg, Dylan?" nagtataka ring napatanong si Si Fan Qi "Gusto ba talaga niyang inspeksyunin ang bawat sulok ng estatwa na ito? Pero paulit ulit na itong ginawa ng hindi mabilang na tao pero walang ni isa sa kanila ang nakakita ng kahit anong espesyal sa estatwa."
"Hindi ko rin alam." Iling ni Dylan sa kanyang ulo.