Natahimik si Luo Feng.
Nakaramdam siya ng gulat sa kanyang loob habang tinitingnan ang napakalaking mundo na lumulutang sa space na nasa kanyang harapan! Ang tanging kanyang naiisip ay…nasira ng mga knight doyen mula sa lahi ng gold horn ang lahat ng mga debris sa paligid nito para magbukas ng space na mayroong sapat na lawak. Nagsipagtayuan din ang hindi mabilang na undying ng mga kontinente sa kanikanilang god world at nagawa ng mas maraming sector lord na itayo ang mundong ito, nagsama sama silang nagtrabaho na nagresulta sa pagkabuo ng napakalaking kontinente na ito.
Anong level na ba ito ng spirit?
"Gaano ba kalaki ang Laos World, Elder Si Fan Qi?" tanong ni Luo Feng.
"Ang lupa rito ay mayroong 300 billion km na kapal at ang diameter ng mundong ito ay umaabot sa 2.1 light years." Buong pagmamalaking sinabi ng elder.
"Bakit naman hindi naghiwahiwalay ang mundong ito?" Tanong ni Luo Feng.