"Mayroon ngang kasabihan sa Earth na maaari ngang maging maganda ang isang bulaklak na nasa loob ng isang greenhouse pero hindi pa rin nito magagawang salagin ang ulan at hangin," mahinang sinabi ni Luo Feng. "Masyado itong marupok at maselan."
"Tama."
Sabi ng maliit na demonyo, "Nangangailangan tayo ng isang daang taon para magawang maging bakal, nagagawa na ng mga tao sa Earth na mabuhay sa gitna ng napakaraming sakit dahil sa mga bakunang ibinibigay sa kanila, iisa lang ang teoryang ginamit sa dalawang ito Luo Feng. Gaya ng halimbawang iyon na hindi dapat maging masyadong ambisyoso ang isang nilalang sa simula. Magsimula kang sumubok sa mga mas madaling bagay at unti-unting tumaas."