"Brolin?" Mahigpit na isinara ni Luo Feng ang kanyang kamao hanggang sa namutla ang mga ito kasabay ng tunog galing sa pagkacrack ng mga buto nito. Napuno ang kanyang mata ng intensiyong pumatay, napuno ng galit ang kanyang dibdib.
"Ok ka lang ba, Luo Feng?" tanong ng gulat na si Hong sa kanya.
Huminga siya ng malalim at pinigilan ang kanyang galit.
"Walang problema," iling ni Luo Feng sa kanyang ulo.
Walang sinuman ang nakakaalam nito pero napakalinaw para kay Luo Feng na pagkatapos maging isang Golden Horned Beast ay mabilis siyang naapektuhan ng mga katangian nito! Nakaramdam siya noon ng matinding kaginhawahan matapos gumawa ng ilang beses na massacre sa Killing Fields. Pero matapos makaramdam ng kaginhawahan ay mas lalo lang tumindi ang intensiyong pumatay na nanunuot sa kanyang buto.