"Anong importanteng aspeto?" nababagabag na sinabi ni Luo Feng.
"Alam na ng lahat ang unang gamit nito, para magawang mamili ng kahit anong uri at dami ng gusto mong kalabanin sa isang lugar. Pero mas importante pa rito ang ikalawa nitong aspeto." Nagpakita ang maliit na mukha ni Babata ng isang nagmamalaking ngiti. "Nakita mo sa librong gawa sa metal kanina na may kakayahan kang gumawa ng sarili mong kalaban hindi ba?"
"Tama," tango ni Luo Feng.
"Ang ikalawa nitong aspeto ay maaari mong icustomize ang basic na katangian, spirit reader level, diwa, techniques, sandata etc. para maging kapareho mo! Ang pagkakaiba lang nito ay…ang hindi maikukumparang mas pinalawak at mas maraming karanasan ng iyong kalaban," sabi ni Babata. "Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?"
Nagulat ng husto si Luo Feng, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at agad na nasabik ng husto!
Tama!