Matapos ang kanilang pag-uusap ni Wula. Matapos ang 12 oras ay narating nila ang Bai Lan Star.
Makikita ang maputing snow na bumabalot sa mga lupain ng planetang ito kasabay ng napakababa nitong temperatura.
Lumapag ang spaceship sa loob ng warehouse base, sa harap ng isang palasyo.
"Master." Gumagalang na naghintay ang mga aliping bantay ni Luo Feng sa harap ng warehouse base.
"Oo." Mabilis na lumabas si Luo Feng sa hatch ng kanyang spaceship, sumunod namang lumabas sa kanyang likod sina Hong at Thunder God.
"Dumating na po ang mga metals na inorder mo master, nakalagay na po ang lahat ng iyon sa loob ng warehouse," gumagalang na sinabi ng captain ng mga aliping bantay ni Luo Feng sa Bai Lan Star. "Dumating na rin po ang spaceship ng nilalang na nagtitinda ng mga alipin at nagdeliver ng tatlong alipin."
"Sige." Tango ni Luo Feng.