Kahit sa pamamagitan ng ganitong paliwanag ay nababagabag pa rin ng husto si Luo Feng na umalis.
Noong gabi ring iyon ay agad niyang sinabihan ang kanyang pamilya tungkol sa muli niyang pag-alis.
Kinaumagahan ng December 3, 2061.
Matapos mag-almusal ang Luo Family ng sabay-sabay ay umalis si Xu Xin at nagdrive papunta sa kanyang office, sinabihan naman ni Luo Feng ang kanyang pamilya, "Pa, Ma, may pupuntahan po ako hanggang mamayang hapon, babalik po ako mamayang gabi para sa hapunan. Ping Ping, Little Hai, pakinggan niyo ang lolo at lola niyo ha…" Yumuko siya para mag goodbye kiss sa dalawa niyang anak bago umalis ng bahay. Ang kanyang kamay ay mabilis na lumabo sa kanilang bakuran bago nawala ng tuluyan.
Sa mataas na bahagi ng kalangitan.
Mabilis na lumipad si Luo Feng sa ere sa likod ng mga ulap habang nagpapatuloy sa paglipad pataas, ang araw na nasa ibabaw ng ulap ay mas nagiging kasilaw-silaw.