Sa madilim na seabed na pinupuno ng hindi mabilang na halimaw sa dagat, ang bawat isa sa mga ito ay gumagalang nakatingin sa malayong swallowing beast, kasalukuyang nakapikit ang mga mata nito na para bang natutulog.
Pero isang walang hugis na lakas mula sa isang pressure ang sumira sa kapayapaan ng lugar na ito.
Habang isinasara ang kanyang mata ay naramdaman ni Luo Feng ang sarili niyang pagkalunod sa mga alaala, misteryoso at naglalakasang special techniques, mga techniques na babagay sa katawan at kakayahan ng golden horned beast, napakarami at napakalawak ng mga ito. Nagpatuloy sa pagbaha ang mga alaalang puno ng mga malilinaw na larawan na para bang pelikula, whoosh, isang bulto ng napakaraming detalyadong impormasyon ang pumasok sa kanyang isipan.
Napakalawak at walang katapusan ang mga ito!
Nakaramdam si Luo Feng ng pananakit ng ulo, malinaw na narating na ng mga alaalang ito ang limit sa pagtanggap ng mga alaala ng kanyang kaluluwa.