Nanatili lang si Luo Feng sa kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya mula noong makauwi ito dahil hindi magtatagal ay aalis na siya ng China at pupunta sa world headquarters ng Dojo of Limits sa katapusan ng buwan. Malungkot din ang tatay nitong si Luo Hong Guo, ang nanay niyang si Gong Xin Lan at ang kapatid niyang si Luo Hua pero kinakailangan nila itong tanggapin para sa kinabukasan ni Luo Feng.
Nakipagkita si Luo Feng sa mga miyembro ng Fire Hammer Squad noong March 12. Ang unang bagay na ginawa nila ay ibenta ang mga materials ng mga halimaw na nahuli nila noong nakaraan. At dahil ito na ang huling beses na magbebenta ang Fire Hammer Squad ng mga materials, sinuggest ni Luo Feng na pantay pantay nilang hatiin ang kabuohang kikitain sa mga materials. Ang mga materials na naibenta nila ay umabot sa 800 million.
Dahil si Luo Feng ang gumawa ng karamihan sa mga ito, siya dapat ang makakakuha ng pinakamalaking parte ng kita na umaabot sa 300 million.