ดาวน์โหลดแอป
33.69% King of Gods (Tagalog) / Chapter 534: Pagbabalik sa Purple Saint Ruins (2)

บท 534: Pagbabalik sa Purple Saint Ruins (2)

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Pagkatapos lagpasan ang pagkabaluktot ng espasyo, ang katawan ni Zhao Feng ay nagpakita sa isang mabahong bana."Tama nga, ito ang lugar."

Malalim ang impresyon ni Zhao Feng sa Purple Saint Ruins. Pagkatapos ng lahat, nanatili siya rito sa loob ng ilang buwan.

Ang Heaven Earth Yuan Qi sa mga normal pa lamang na bahagi ng ruins ay sampung beses na mas maayos kaysa sa Canopy Great Country.

Gamit ang mental energy level na mayroln si Zhao Feng, kaya niyang magpatawag ng makapal at nalipon na Yuan Qi patungo sa kanya sa isang pitik lamang.

Mas mabuting dito siya magcultivate kaysa sa Azure Flower Continent.

Subalit, bago pa maayos ni Zhao Feng ang kanyang tinatapakan, nakaramdam siya ng isang malakas na kapangyarihan mula sa ibaba na siyang nagpayanig sa lupa.

Whoosh!

Mga itim na galamay ang lumabas mula sa bana na naglalabas ng nakapangwawasak na aura na kayang pumatay agad ng mga normal na hayop.

Shua!

Isang arko ng kidlat ang gumuhit at hindi naasinta ng mga itim na galamay ang dapat nilang tutudlain.

Sa susunodnna bigla, ilang dosenang yarda na ang layo ni Zhao Feng sa ere, at nakakita siya ng isang malaking halimaw na kalahating milya ang laki.

"Mag-ingat ka, iyan ang Black Swamp Watwer Beast at ang kapangyarihan niyan ay nasa Half-Step Origin Core Realm."

Isang mahinang boses na puno ng pagmamadali ang maririnig sa isip ni Zhao Feng.

Black Swamp Water Beast?

Hindi naman nataranta si Zhao Feng at lalong hindi na rin siya nasorpresansa boses na nasa ulo niya.

Weng~~

Isang alon ng tubig ang pumalibot kay Zhao Feng upang protektahan siya.

Ang aura ng Black Swamp Water Beast ay talagang nagbigay kay Zhao Feng ng pangamba, lalo na berdeng usok nito at nakapapanirang aura na napakadumi.

"Kapatid na Zhao Feng, umalis ka na agad mula sa teritoryo nkyan. Ang Water Beast ay malaki at kayang patayin kahit ang mga normal na True Lord Ranks gamit lamang ang lason nito. Bukod pa roon, ang battle-power at lifeforce nito ay malapit sa Towering Tree Yao."

Umalingawngaw ang boses ni Zhao Yufei.

Maraming makakapangyarihanh halimaw sa Purple Saint Ruins.

Noong unang beses na pumunta rito si Zhao Feng, napakamaingat niya at ginamit niya ang kanyang God's Spiritual Eye para suriin ang kapaligiran.

Kahit ngayon, may mga makapangyarihang pag-iral pa rin na pwede siyang pagbantaan. Ang pinakamalakas na nilalang roon ay katulad ng isang Sovereign.

Ang lakas ng Black Swamp Water Beast ay hindi pa umaabot sa lebel ng isang Sovereign, pero isang mataas na uri pa rin ito ng pag-iral na nalalapit sa Towering Tree Yao.

Whoosh! Whoosh~~~~~

Ikinumpas ng Water Beast ang mga galamay nito at nagbuga ng mga berde at itim na liwanag na siyang sumasabog sa ere.

Peng!

Bawat bola ng berde at itim na liwanag ay nakakarating ng 20-30 na yarda ang kung saan ang lahat ng mahawakan nito ay namamatay.

Kayang patumbahin ng Black Swamp Water Beast ang ilang daang kalaban sa iisang tira lamang dahil sa lakas nitom

"Ang tarantadong ito ay hindi gaanong palakaibigan."

Agad na kumaripas si Zhao Feng habang nababalutan siya ng kidlat pero sa kabila nito, dose-dosenang berde at itim na bola ng liwanag pa rin ang nakahabol sa kanya sa ere.Boi~~

Ang alon ng tubig na nakapalibot kay Zhao Feng ang siyang sumalag sa atake.

Nakaalis na rin si Zhao Feng sa mapanganib na teritoryo nito, pero hindi pa rin siya agad na lumisan.

"Zhao Feng, iminumungkahi kong umalis ka na agad dyan hangga't posibke pa. Ang Black Swamp Water Beast ay kayang umalis sa lupa kung gugustuhin nito, at marami pang mga kawan ng halimaw aa malapit, pati na rin isang natutulog na Sovereign beast."

Ang anyo ng Purple Saint Partial Spirit ay sumilay sa isip ni Zhao Feng.

Binigyan niya na ng mapa si Zhao Feng ng Purple Saint Ruins, hangga't mag-iingat siya, magiging ligtas naman si Zhao Feng.

"Master, ang Black Swamp Water Beast na ito ay isang magandang materyales para gumawa ng ghost-corpses at ang lason nito ay napakamabisa."

Maririnig mula sa Ten Thousan Ghost Pearl ang boses ng Skeletal Division Leader.

__

Hmm?

"Gaya nga ng iniisip ko."

Nakikita rin naman ni Zhao Feng na ang Black Swamp Water Beast ay may magandang katawan na pwedeng maging suplay ng maraming resources para sa kanyang Hundred Corpses Plan.

Wind Lightning Strike!

Hiniwa ni Zhao Feng ang ere gamit ang kanyang kamay, at nakabuo siya ng isang malaking patalim na gawa sa hangin at kidlat na may lilang ningning.

Whoosh!

Ang blade of wind and lightning ay nagbuga ng isang nakapapanirang aura, at bago pa man dumating ang atake, hindi na mapakali ang Black Swamp Water Beast at nagsimula na itong ilubog ang kanyang sarili sa bana.

Para pataasin ang lakas ng Wind Lightning Strikw, naglagay si Zhao Feng ng Purple Destruction Lightning sa dulo ng patalim upang lalo pa itong tumalas.

Shuuu!

Ang blade of wind and lightning ay agad na hiniwa ang Black Swam Water Beast bago pa man ito makakilos.

Napaungol ang Black Swamp Water Beast sa galit at sakit. Ang hiwa na ibinigay ni Zhao Feng ay nakasisinsdak at napakaeksakto.

Kung isang normal na True Lord Rank o kaya Half-Step Origin Core Realm ang nasa lugar ng halimaw, agad na silang mamamatay, pero dahil nakamamangha ang lifeforce ng Black Swamp Water Beast, patuloy lamang itong lalaban.

"Master, mas maganda kung buo ang bangkay nito. Sa ganitong paraan, magagamit natin ang potensyal nito sa pinakasukdulan…."

Umaasang sabi ng Skeletal Division Leader. Hindi naman siya nagdududa na baka hindi mapapatay ni Zhao Feng ang halimaw.

"En, sisiguraduhin kong buo ang bangkay."

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

Nang marinig ito, bahagyang nagulat ang Purple Saint Partial Spirit ganoon na rin si Zhao Yufei.

Sa loob lamang ng dalawa at kalahating taon, gaano na ba kalaki ang paglagong naganap kay Zhao Feng? Para pa ngang wala lang sa kanya ang Black Swamp Water Beast.

Eye of Ice Soul!

Naglabas ng isang matingkad na ilaw ang kaliwang mata ni Zhao Feng na siyang tumagos sa katawan ng Black Swamp Water Beast.

Siii!

Nanigas na ang katawan ng Black Swamp Water Beast at hindi na ito nanlaban pa.

Hindi nagtagal, ang buong bana ay nanigas na, at ang kaluluwa ng Black Swamp Water Beast ay nahimbing na sa pagtulog. Ang lifeforce nito ay napakababa na hindi na halos maramdaman ang buhay rito.

Ang ganitong klaseng estado ay hindi na naiiba sa isang patay na tao.

Kung babalikan, ganoong paraan rin tinapos ni Zhao Feng si Li Hong gamit ang Eye of Heaven.

"En, mabuti at sariwa pa."

Ngumiti si Zhao Feng at tinawag niya ang Skeletal Division Leader para tulungan siyang iligpit ang katawan.

Kakaiba ang ekspresyon ng Skeletal Division Leader at napakislot ang mukha nito. Mula sa mga kilala niyang nasa ibaba ng Origin Core Realm, si Zhao Feng lamang ang may abilidad na ikulong sa yelo ang isang halimaw na nasa Half-Step Origin Core Realm.

Parehong nagulat sina Zhao Yufei at Purple Saint Partial Spirit.

"Ang potensyal at paglago ni Zhao Feng ay parehong nakagugulantang."

Napabuntong hininga ang Purple Saint Partial Spirit. Kahit kasama na siya ni Zhao Yufei, nasa huling yugto pa lamang ito ng True Lord Rank, hindi aabot sa lakas na mayroon si Zhao Feng.

Dapat lamang malaman na ang bloodline ni Zhao Yufei ang pinakamalapit sa kalikasan at ang kanyang cultivation speed ang pinakamabilis sa buong panlabas na mundo.

Bukod pa roon, ang kapaligiran na mayroon siya ay ilang beses na mas maganda kaysa sa Azure Flower Continent.

Halos kalahating araw ang nakalipas, natapos na ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader na katayin ang Black Swamp Water Beast.

Sa loob ng panahong ito, marami pang ibang halimaw ang nagsilapit, pero agad naman itong inaksyunan nila Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader.

"Hindi na rin masama, nagdala pa nga si Zhao Feng ng isang alipin na nasa Origin Core Realm."

Masayang sabi ng Purple Saint Partial Spirit. Sa lebel na mayroon siya at sa espesyal niyang ugnayan sa Purple Saint Ruins, hindi naman mahirap para sa kanya na makita ang relasyon na mayroon si Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader.

"Talaga bang naging alipin ng Kapatid na Zhao Feng ang isang Sovereign?"

Napanganga si Zhao Yufei at halos lumuwa ang kanyang mata.

Gusto nilang bumalik si Zhao Feng upang matulungan sila.

Pagkatapos ng lahat, kailangang gugulin ni Zhao Yufei ang kanyang oras sa pagrerepina ng crystal key na nasa gitna ng ruins.

Isang oras ang makalipas, pumasok si Zhao Feng sa isang misteryosong kanyon at pinaslang ang lahat ng mga halimaw sa kanyang daan.

Kaya niya pa ngang lumakad nang diretso sa mga kawan ng halimaw, at ang kakaibang hangin na nakapalibot sa misteryosong kanyon ay hindi na siya naaapektuhan.

Sa kalaliman ng kanyon, muling nakita ni Zhao Feng ang Towering Tree Yao.

Ang mga pinsala ng Towering Tree Yao ay halos magaling na, at may mga bagong sanga na tumutubo mula sa mga sugat nito.

"Mortal, nagbalik ka!"

Nasiyahan ang Towering Tree Yao nang lumapag si Zhao Feng sa kanyang mga sanga.

Sa pagkakataong iyon, hindi na natatakot si Zhao Feng na labanan ang Towering Tree Yao nang direktahan.

Hindi nagtagal.

Weng~~

Isang mala-panaginip na dagim ang bumaba mula sa langit. Halata namang ito ang Purple Saint Treasured Palace.

Ang Purple Saint Treasured Palace ay isang kakaibang pag-iral. Madalas itong nananatili sa core ng ruins at hindi nito kayang magtagal sa labas.

Bukod pa roon, sa tuwing bumaba ito, ginagamit nito ang kapangyarihan ng Purple Saint Partial Spirit.

Shua!

Pumasok na si Zhao Feng sa Purple Saing Treasured Palace.

Sa loob ng isang kwarto sa ikatlong palapag, muli na namang nakita ni Zhao Feng sina Zhao Yufei at ang Purple Saint Partial Spirit.

Nakapirmi lamang si Zhao Yufei habang isang crystal key ang nakalutang sa kanyang harap. Mayroong Flame of True Spirit na nakakonekta sa kanya at sa key habang nirerepina niya ito.

Nakalutang lamang ang Purple Saint Partial Spirit sa gitna ng ere, at pareho sila ni Zhao Yufei na nakangiti habang tinitignan si Zhao Feng.

"Kapatid na Zhao Feng!"

Ang mga mata ni Zhao Yufei ay puno ng ligaya, at halos maiyak ito nang yakapin si Zhao Feng.

Bahagyang nagulat si Zhao Feng. Iti ang unang beses na nakayakapnsiya ng isang babae bukod pa kay Liu Qinxin, pero si Yufei ay isang kapitbahay lang naman at hindi naman siya nagalit. Sa totoo nga, mayroon siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Dalawang taon at siyam na buwan… Hindi kita nakita nang napakatagal."

Ang ngiti ng Purple Saint Partial Spirit ang siyang nakapagpamula kay Zhao Yufei.

Dalawang taon at siyam na buwan?

Hindi naisip ni Zhao Feng na napakabilis ng oras. Dalawampung taong gulang na pala siya.


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C534
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ