ดาวน์โหลดแอป
94.96% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 698: Fall Out!

บท 698: Fall Out!

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Hindi inasahan ng iba na magiging ganito katapang si Ivan para suportahan si Marvin!

Isang mahaba at masayang ingay ay inilabas ng Elven Sword na kanyang hawak.

Walang pag-aalinlangan rin inilabas ng Sea Elven Queen ang Artifact-level na Sea-Emperor's Scepter. Kakaiba ang relasyon nilang dalawa ni Ivan, pero kahit man lang sa pangalan, si Ivan ang katuwang niya.

Kung sino mang gusto preotektahan ni Ivan ay gusto niya rin protektahan.

Ganoon lang kasimple ang rason.

Wala naman gustong sabihin si Jessica sa salawahang grupo na ito.

Hindi kailan man nagpadala ang babaeng may hawak ng Power Ability ng Fate Sorceress sa kagustuhan ng iba.

Mahigpit niyang hinawakan ang Devil Magic Egg, at mahinahong ginamit ang kanyang Fate Power para tingnan ang kondisyon ni Marvin.

Natuwa naman siya nang malaman na hindi na kasing lubha ang lagay ni Marvin ngayon kumpara noong una.

Noong una niyang makuha ang Magic Egg, muntik niyang akalain na namatay na ito dahil sa atake ng Azure Snake!

Dahil tuluyan nang nawala ang awra nito.

Pero dahil sa napakaraming Chaos Power na nagmumula sa kapaligiran, nakasiguro siyang buhay pa si Marvin.

At mas mabuti na ang kalagayan niya ngayon.

Nararamdaman niyang umaapaw sa buhay ang ang Devil Magic Egg.

Tila ba mayroon itong pinangangalagaang panibagong buhay.

Dahil sa reaksyon sa pagitan ng kanilag mga Fate Imprint, nararamadaman niyang malalampasan ni Marvin ang bingit ng kamatayan, at maaari pang umabot sa panibagong level ang lakas nito.

Ang kanyang lakas ay umabot na level ng isang Half-Plane Guardian. Kung magpatuloy pa siya sa paglakas, ano pa kaya ang posibleng mangyari?

Ano pa kaya ang maaaring maabot ng binatang Legend na ito?

Si Jessica, na noon pa man ay malaki na ang kumpiyansa sa sarilin nitong talento at lakas, ay nasasabik na masaksihan ito.

Kaya naman, hindi niya hahayaan na mamatay si Marvin dito.

Wala naman siyan interes na magbanta tulad ng ginawa ni Ivan.

Hinawakan niya lang si Marvin at taas noong tumayo doon.

Sa isang iglap, isang nakakatakot na Fate Power ang sumambulat sa harap ni Connor!

"Grambol!"

Isang dumadagundong na kidlat ang humati sa kalangitan at humampas sa bulwagan!

Kahit na maraming kaalaman at karanasan si Connor sa pakikipaglaban, natakot siya sa mabagsik at harapang pag-atake ni Jessica.

At kung hindi siya agad naka-iwas dito, maaaring nasunod na siya ng kidlat na ito!

Kahit pa gamitin niya ang kanyang Legend Domain para patibayin ang kanyang katawan, hindi niya ito makakayanan. Kahit na hindi siya mamatay, siguradong isang matinding pinsala ang matatamo nito!

Nanlamig ang pawis na tumutulo sa kanyang likuran.

Matinding kilabot naman ang nadama ng iba pang mga nag-alsang mga powerhouse na mula sa Feinan

Dahil sa pagiging mapusok ni Jessica ay napa-atras sa takot ang ilan sa mga ito!

Kahit ang mga Divine Servants ay namutla.

Ang biglang pag-atake nang ganoon lang… Hindi ba sila nag-aalala na sasamantalahin ng iba ang kaguluhan sa pagitan ng mga powerhouse ng Feinan?

Sa kasamaang palad, hindi nila alam na wala sa bokabularyo ni Jessica ang salitang "Pag-atras"!

Dahil sa Fate Power ay mayroon siyang lakas na magpatuloy sa kahit ano mang naisin nito.

Lagi niyang ginagamit ang kapangyarihang ito para dispatyahin ang ano mang bagay na labag sa kanyang kagustuhan.

Sa katunayan, hindi pa niya binuhos ang kanyang buong kakayahan sa pagpapalabas ng kidlat na iyon.

Kung hindi lang ito nag-alala na ang labis na paggamit ng Fate Power ay magkakaroon ng epekto sa katawan ni Marvin na makakapagpalala ng pinsala nito, malamang ay direkta na nitong pinatay si Connor!

Kahit pa ganoon, ang ganitong hindi pagpapatinag ang gumulat sa lahat.

Elven War Saint, Sea Elven Queen, Fate Sorceress.

At mayroong pang malaki at tahimik na Dragon na nasa Half-Plane Guardian level!

Ang sino mang Legend na maglalakas loob na umalma ay maaaring masunog nang buhay.

Marahil kung pagtutulungan nila ito, maaaring magkaroon sila ng pagkakataon na matangay si Marvin na walang kalaban-laban sa ngayon.

Pero siguradong ang ilan sa kanila ay mamamatay!

Mas lalong malakas ang tao, mas lalo silang takot mamatay.

Ganoon ang takbo ng isipan ng mga Divine Servant pati na ng mga powerhouse ng Feinan.

Agad na natahimik ang lahat.

Walang may gustong umatras, pero unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Marvin. Hindi ito maganda para sa karamihan sa kanila.

Kumirot ang kanilang mga puso.

Aatake ba sila o aatras?

Nagkatinginan silang lahat, ang bawat isa ay sinusubukan umastang tuso at tila walang pakialam. Naghihintayan ang lahat na kumilos ang isa't isa.

Sinasabihan nilang taksil ang iba, habang hindi nila napapansin na ganoon din ang kanilang ginagawa.

Nang makita ni Jessica ang kalokohang ito, napangiti ito. "Mga duwag."

"Malinaw na naglalaway kayo paa sa Fate Tablet pero walang may lakas ng loob na sumubok lumaban."

Nagalit ang karamihan dahil sa panunuya ni Jessica.

Pero hindi siya nagkakamali.

Talagang walang nangangahas.

Ang mga Astral Sea powerhouse ay nagkaroon na ng pagkakataon na magpakitang gilas sa laban na ito sa Sky Tower.

Pero hindi sila kasing lakas tulad ng kanilang inaakala.

Sa halip, naturuan pa sila ng leksyon ng mga tagapagtanggol ng Feinan!

Lalo n ani Marvin.

Walang hirap niyang napatay ang isang maliit na hukbong binuo ng mga God kahit na mag-isa lang si ito, pagkatapos ay nagawa pa nitong patayin ang Avatar ng Molten Achedevil…

Ang lahat ng ito ay sapat na para makabuo ng isang maalamat na kwento.

Lalo na para sa mga isipan ng mga mahihinang taunan na naroon.

Ang isang taong inakala nilang isa lang langgam na madaling durugin ay isa palang mabagsik na tigre na paulit-ulit silang tinatapakan. Kaya naman matinding takot na ang nadarama ng mga ito.

At para malampasan ang takot na ito….

Para malampasan ang kanilang takot kailangan nilang ipaubaya ang lahat sa kanilang pananampalataya.

Pero hindi naman sila direktang pinalalakas ng kanilang pananampalataya.

Duwag silang lahat.

Kaya walang kaso kung tawagin man silang duwag ni Jessica.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa bulwagan ng Sky Tower, tanging ang paghinga lang ng mga nagnanasa sa Fate Tablet ang maririnig.

Nang biglang isa na namang pagbabago ang nagpakita sa lagusan ng Ethereal Plane.

Makikita sa kabilang dako ng selyo ang anino ng dalawang mabagsik na Twin Snakes.

Nahulog ang puso ng mga nakakakita nito dahil sa laki ng mga katawan ng Twin Snakes

Mayroong progreso ang mga ito sa pag-atake nila sa selyo ng Ethereal Plane!

Kahit na maraming nagagawa ang Truth Scale Imprint pati na ang purong Dvine Power, sa huli, hindi pa rin ito ang tunay na Truth Scale!

Walang nakakaalam kung gaano pa sila mapipigilan nito.

Kung masira ng World Ending Twin Snakes ang selyo, ang lahat ng naroon ay haharap sa isang matinding sitwasyon.

Ang ilan sa mga ito ay nagsisimula nang umatras.

Basta't gustuhin nila, maaari naman islang makalabas ng Sky Tower ano mang oras.

Isa-isang nawala ang ang mga anino.

Tanging ang mga ayaw pakawalan ang Fate Tablet ang naiwan.

Tiningnan ni Connor ang katawan ni Marvin na mayroong matinding pagnanasa, pero kinuyom nito ang kanyang ngipin at nagdesisyong umalis.

Pero noong mga oras na iyon, isang maliit na pigura ang lumitaw sa harap ng lahat.

Makikita ang matinding reaksyon sa mukha nina Ivan at ni Professor.

Sa likod ng babaeng iyon ay tatlong Holy Sword.

Ang kanyang tingin ay nakatuon kay Marvin, at mararamdaman sa buong lugar na iyon ang kagustuhan nitong pumatay.

"Wuuuu!" Maririnig ang tatlong Holy Sword

Kailangan mag-ingat sa inheritance ng Valkyrie na ito.

Isa pa, hindi ito nag-iisa.

Sa likod nito ay isang lalaking tila isang tagapaglingkod. Ngumiti ito kasabat ng pagtingin sa grupong nakapalibot kay Marvin. "Sinabi niya sa akin na basta tulungan ko siyang dispatyahin si Marvin, palalayain niya ako. Kaya pasensya na kayo."

Galit na sumigaw si Jessica, "Eve! Anong ginagawa mo?!"


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C698
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ