Bilang Librarian ng aklatan ng mga Chromatic Dragon, kontrolado ni Fati ang bawat bahagi ng isla na ito.
Pero sinabi ng Dragon Soul kay Marvin na may isang lugar na hindi kontrolado ni Fati!
At iyon ang Sea of Nothiness sa labas ng isla,
Mukhang karagatan ang Sea of Nothingness, pero isa itong espasyo na naghihiwalay ng aklatan mula sa external plane.
Ang lugar na ito ay katulad ng Shadow Plane.
Nasisilbi itong panakip at depensa, para hindi makapasok ang ibang nilalang sa aklatan. Magagawang makatakas ni Marvin mula sa atensyon ni Fati doon.
Ang problema lang ay hindi niya alam kung ano ang mga nilalang na maaaring naninirahan sa Sea of Nothingness.
Isa pa, ang Dragon Library ay katumbas ng isang Demi-Plane, at ang hangganan ng mga plane ay mayroong iba't ibang uri ng mga bagay, at ang iba rito ay maaaring mapanganib.
Pero lyamado si Fati sa ngayon, kaya walang magagwa si Marvin kundi sumugal.
At naging matagumpay naman siya.
Nang lumusong siya sa Sea of Nothingness, nararamadaman niya na nawala na ang Throwing Knives Formation na kanina pa siya sinusundan.
Nawala na kay Fati ang bakas ni Marvin.
Dahil hindi tunay na dagat ang Sea of Nothingness, tila ba ang pagkilos dito ay tulad ng pagkilos sa kalawakan. Napakahirap nito.
Gamit ang kanyang lakas, dahan-dahang kumilos si Marvin.
Kaya naman, hindi na siya lumayo pa, at sa halip ay piniling manatili na lang sa gilid!
Bumabalik-balik siya sa lupa at agad namang babalik sa Sea of Nothingness sa oras na matunton muli siya ni Fati.
…
Nairita naman ng husto ang Draconic Sorcerer dahil dito.
Sumigaw ito, "Sa tingin mo napakahusay mo, pero pinapatagal mo lang ang paghihirap mo."
"Pag nagkataon, ipira-pirasuhin ka lang ng isang Space Storm!"
Habang umaalingawngaw ang boses niya sa isla, lumulubog at lumilitaw naman ang Throwing Knives Formation.
Malinaw na mahusay ito sa pagtatago ng kanyang sarili.
Dahil sa yaman nito sa karanasan, nahulaan na ni Fati ang istilo ni Marvin sa pakikipaglaban kaya naman pinanatili nitong nakatago ang sarili.
Mayroong namang makapangyarihang innate skill ang Draconic Sorcerer para dito, binibigyan siyang kakayahan nito na mag-cast ng spell habang nagpapalipat-lipat o habang nakatago. Isa itong natural na lamang ng Dragon Magic.
Pero mahusay rin si Marvin. Hindi niya tinuturing na isang banta si Fati.
Kung mapanganib talaga si Fati, bakit naman nito bibigyang babala si Marvin?
Ang mga Space Storm at iba pang mga Arcane Interference ay mga nakakatakot na kaganapan na lumilitaw sa mga lugar kung saan nagtatagpo ang mga plane. Pero siguradong hindi lilitaw ang ganito sa Dragon Library. Kung hindi, matagal na sanang nawala ang lugar na ito. Nang buuin ni Dragon God Hartson ang isla, ginawa niya ito sa pamamaraan na hindi ito basta-basta masisira. Siguradong ligtas ang hangganan ng Demi-Plane na ito.
Pero hindi nangahas si Fati na magtungo sa Sea of Nothingness.
Ibig sabihin, mayroon itong kinatatakutan dito.
Kasing bilis ng kidlat ang pagkilos ni Marvin, at nagpapaikot-ikot siya sa dalampasigan, labas-masok siya rito at nagtatago. Bukod sa nahihirapan si Fati na matunton siya, makakatulong rin ito sa pag-atake nang palihim kay Fati.
Ginamit na ni Marvin ang kanyang Earth Percepton, sinusubukang niyang hanapin ang kinalalagyan ni Fati para subukan itong patayin. Pero tuso rin ang Draconic Sorcerer dahil hindi ito nag-iiwan ng kahit anong bakas.
Maraming nang karanasan si Marvin sa pakikipaglaban sa ganitong uri ng Caster.
Kailangan niya lang ipagpatuloy ang pagkilos at linlangin ang kanyang kalaban na ibunyag ang lokasyon nito!
Hindi lang basta-basta ang pagkilos ni Marvin, sa katunayan, sinasadya niyang painin ang Throwing Knives Formation at iba pang mga spell nito.
Walang tigil na ginagamit ni Fati ang Throwing Knives Formation, isang spell na hindi man ipapakita ang mismng lokasyon niya, pero limitado naman ang distansyang maaari niyang manipulahin ang spell na ito.
Kailangan lang ma-tantya ni Marvin kung nasaan ito bago niya gamitan ang lugar na iyon ng [Earth Perception].
Dahil sa pamamaraan na ito, nagawa niyang pumatay ng napakaraming Legend Wizard sa PK.
Hindi siya naniniwalang mas malaki ang karanasan ni Fati pagdating sa ganito!
Habang maingat na kumikilos si Marvin, mayroon siyang napansin na kkaiba sa sea of Nothingness.
Masyadong tahimik ito.
Kahit na gawa ito sa kawalan, dapat ay mayroon pa ring maliliit na nilalang dito, pero wala pa rin nakikita si Marvin.
Mayroon lang makakapal na kadenang markado ng mga kakaibang rune ang nagpapalutang-lutang dito.
Halo-halong uri ng rune ang nandito. Mayroong mga Draconic rune, Old Elvish rune, at Ancient Common rune.
Ito lang ang nakilala ni Marvin gamit ang kanyang kaalaman.
Lalo pa at ang malaking bahagi ng kanyang enerhiya ay nakatuon kay Fati.
Anong klaseng mga nilalang ang nakagapos sa dulo ng mga kadenang ito?
Kung mayroong nilalang na kinakatakutan si Librarian Fati, bakit ito nakagapos dito?
Ang Dragon Library ay tinuturing na magandang lugar, ung saan tinitipon ang mga kaalaman para maipasa sa susunod na henerasyon. Kahit na karamihan ng kaalaman ng mga Draon ay naipapasa sa kailang mga bloodline, hindi pa rin sapat ito. Kailangan pa rin nila ang aklatan.
Habang hinaharap ni Marvin ang magic ni Fati at nililibot ang paligid ng isla, mayroon na siyang nakitang malaking halimaw!
Sa dulo ng kadena, isang nilalang na mas malaki pa kesa sa Mechanical Titan ang nakapikit, nakahimlay lang sa kadiliman.
May itim na lumot na nakapulupot sa katawan nito, habang ang mukha nito ay puno ng mga sugat. Ang matatalas na ngipin nito ay nakalabas mula sa dulo ng labi nito.
Kahit na nakapikit ito, nakakatakot pa rin ito.
'Ano 'to?!'
Nabahala si Marvin.
Magmula nang tumaas ang kanyang willpower dahil sa Witch's Tear, bihira na siyang makaramdam ng takot.
Nagagawa nga rin niyang labanan kahit ang pananakot ng Archdevil.
Pero kinilabutan siya sa takot dahil sa nakakatakot na nilalang na ito na natutulog sa Sea of Nothingness.
Ang mga kadenang ito ay makapal, pero kumpara sa napakalaking katawan nito, tila mga sinulid lang ito.
'Kaya naman pala takot si Fati sa Sea of Nothingness. Kung magising ang nilalang na 'to…'
Ayaw nang isipin pa ito ni Marvin.
Habang lumalakas ang isang tao, mas lumalakas ang kutob nila sa panganib.
Sa lakas niya ngayon, kahit na wala siyang spell o skill para malaman kung gaano kalakas ang nilalang na ito, nararamdaman pa rin niyang napakalakas nito.
Mayroong itong awra ng Destruction.
'Bahala na, kailangan ko nang makabalik sa isla, hindi maganda kapag masyadong maraming panggugulo.'
Ilang beses pang tiningnan ni Marvin ang nilalang bago ito lumayo.
Dito sa Sea of Nothiness niya unang naramdaman ang takot na ganito.
Kasabay nito, natantya na rin niya kung nasaan si Fati!
Oras na para kumilos!
…
Sa kagubatan.
Mabilis na kumikilos ang si Fati.
Ginamit niya ang kanyang Dragon Race Shapeshifting skill para maging isang jumping squirrel, at pagkatapos nito ay gumawa siya ng pekeng Magic Mirror Image.
Dahil dito maipagpapatuloy niya ang paggamit sa Throwing Knives Formation.
Naniniwala siyang malilinlang niya si Marvin gamit ito.
At tulad ng inaasahan, nang lumabas ito mula sa Sea of Nothingness, agad itong nagtungo papunta sa Magic Mirror Image.
Ngumisi si Fati nang makita niya ang namumutlang si Marvin.
'Siguradong nakita niya ang nakakatakot na nilalang sa Sea of Nothingness.'
Ang isang nakakatakot na Destroyes ay hindi isang bagay na kayang labanan ng isang pangkaraniwang Legend. Mabuti na lang, mabilis mag-isip ang batang ito at hindi niya ito nagising, kung hindi, nakakatakot ang maaaring kalabasan nito.
Habang iniiisp ito, mas lalong nagalit si Fati.
'Nangahas talagang pasukin ng nakakapandiri at sakim na taong ito ang ipinagbabawal na lugar ng mga Dragon Race. Kailangan siyang parusahan!'
Habang iniisip niya ito, mabilis naman na papalapit si Marvin sa Magic Mirror Image.
Nakikita rin nito na binubunot n ani Marvin ang mga dagger nito. At tila handa na itong pugutan ng ulo!
'Ngayon na!'
Natuwa naman si Fati sa kanyang sarili. Naghanda na siya ng isang makapangyarihang transfiguration spell at ika-cast na sana niya ito.
Pero biglang dumilim ang kalangitan. Sa katunayan, hindi lang ang kalangitan, ang buong kapaligiran niya ay nabalot ng kadiliman!
Isang malamig na boses ang umalingawnga sa kanyang tenga, "Kahit na naging swuirrel ka pa, hindi mo maitatago ang baho mo…"
Pagkatapos ay naramdaman na nito na kumakalat ang sakit sa kanyang katawan.
Pumalya ang kanyang transfiguration spell at naipako siya sa isang puno gamit ang isang spear!
…
Bago bumalik sa isla si Marvin, napansin na nito ang Magic Mirror Image.
Kung isang batang Assassin ito, siguradong malilinlang ito.
Pero ang isang tulad ni Marvin na mayaman sa karanasan, ay makakahanap ng mga bakas para matunton ang pangunahing katawan nito.
Ang mga pamamaraan na ito ay isa sa mga pangunahing taktika sa pakikipaglaban na ginagamit ng mga Legend Wizard, at hindi basta-basta nito malilinlang si Marvin.
Ang nakita ni Fati na patungo sa Magic Mirror Image ay isang Shadow Doppelganger ni Marvin.
Lumakas ang mga skill ni Marvin matapos siyang mag-advance sa Ruler of the Night, halimbawa na rito ang Shadow Doppelganger at Eternal Night na ginamit niya!
Maaaring gamitin ang Shadow Doppelganger nang mas madalas at ang mga kakayahan nito ay hindi rin nalalayo sa tunay na Marvin.
Para naman sa makapangyarihang control-type skill na Eternal Night, mas lumawak pa ang nasasakop ng epekto nito!
Kahit pa gaano kahinahon ang sino man, sa oras na biglang mabalot ang paligid nito sa Eternal Night, siguradong magkakamali ang taong iyon, at magkakaroon ng pagbabago sa kanyang pag-iisip.
Tinantya lang ni Marvin ang laki ng lugar, pero nang umepekto na ang Eternal Night niya, naramdaman na ng Earth Perception ni Marvin ang pagbabago kay Fati.
Ang sumunod dito ay simpleng pagpatay na lang.
Dahil sa Night Boundary, nagagawang kumilos ni Marvin nang mabilis sa dilim.
At ang sandatang ginamit niya ay hindi ang Azure Leaf, kundi ang Weeping Sky!
Ang Dragon Slaying Spear na ito ay ang dahilan kung bakit nangahas si Marvin na kalabanin ang Draconic Sorcerer na ito.
Noong una, hindi niya gustong makaharap si Fati dahil nga mahirap kalabanin ang isang Legend Caster Divine Servant.
Walang nakakaalam kung ilang beses ito maaaring mabuhay muli. Kaya hindi mangangahas ang isang ordinaryong tao na kalabanin ito.
Pero nang lumitaw si Fati sa kanyang harapan, kinailangan niyang kumilos. Lalo pa at mula sa Dragon Race ang babaeng ito!
Natural na manahin ng mga Draconic Sorcerer ang kalamangan ng mga Dragon, pero makukuha rin nito ang mga kahinaan.
Nahigop na ng Weeping Sky ang dugo ng hindi mabilang na mga Dragon at pupunteryahin nito ang kahit anong mayroong dugo ng Dragon.
Ang Spear na ito ay ipinako si Fati sa isang malaking puno at nakakagulat na bumigay ang Divine Source nito!
Agad niyang napatay ito!
Napakaraming log naman ang lumitaw sa harap ni Marvin.
Hindi niya na pinansin ang tungkol sa exp. Mas interesado siya sa dalwang puntos ng Comprehension!
Nakakuha siya ng dalawang puntos mula sa Draconic Sorcerer, maganda na ito kung tutuusin. Katumbas na ito ng kanyang makukuha kapag nakapatay siya ng isang Advanced Divine Servant.
Basta makakuha siya ng sampung puntos, mapapataas na niya sa level 2 ang kanyang Ruler of the Night.
Ang pagtaas ng isang level sa isang Legend Class ay isang malaking pagtaas sa kapangyarihan.
Lalo na sa mga makapangyarihang class gaya ng Ruler of the Night. Sa karanasan ni Marvin, sa oras na umabot siya sa level 3, maipapamalas na niya ang kanyang pinakamalakas na katangian.
At kapag umabot naman siya ng level 5, magagawa na niyang pumatay ng isang common God sa isang harapang laban.
Kung tutuusin, kung makakaabot siya sa level 9, masasabing nasa level na siya ng isang Plane Guardian at magagawa na niyang lumaban sa isang High God.
Sadyang mahirap nga lang ang proseso para maabot ito.
Dati nga ay hindi naabot ni Marvin ito at pumili na siya ng ibang landas, ang Ascension.
Nagbago ang kanyang mga attribute at kahit ang kanyang class ay nag-iba na rin ng landas
Kaya naman, nagsisisi siya dahil hindi na niya nalaman ang tungkol sa matataas na level ng Ruler of the Night.
Kaya siguradong mangangapa siya sa bagong landas niyang tatahakin.
Wala na siyang oras para gawin ito.
Kaya naman mas naramdaman niyang kailangan niyang magmadali.
…
'Kailangan kong mahanap agad ang Chapter of Wisdom. Hindi ka na rin alam kung anon a ang nangyayari sa panig ng mga Chromatic Dragon. Hindi pa rin naman nabubuksan ang Nightmare Boundary.'
'At ang Black Dragon naman… Ang lakas ng loob niyang traydorin ako.'
Makikita ang bagsik sa mga mat ani Marvin.
Pero inaamin ni Marvin na mas tuso si Ikarina kesa sa asawa nito.
Naisip nitong gamitin si Fati para patayin siya, at kahit na pumalya ito, wala na siguro itong pakialam sa nangyari.
At si tungkol naman sa asawa niyang si Izaka naman, naisip siguro ni Ikarina na hindi ito mapapatay ni Marvin dahil pumirma sila ng kontrata.
Isa pa, hindi naman talaga papatayin ni Marvin si Izaka. Malaki ang pakinabang ni Marvin sa isang Black Dragon.
Kaya naman, naramdaman nito na walang mawawala kahit na traydorin niya si Marvin.
Kaso nga lang, masyadong minaliit nito at ni Fati ang lakas ni Marvin.
Kung makaharap uli ni Marvin ito sa underground temple, hindi niya ito basta-basta pakakawalan. Ni hindi ito bibigyan ni Marvin ng pagkakataon para magsalita.
…
Nang mamatay si Fati, agad na nahulog ang mga ari-arian nito at naabo.
Wala namang nagawa ditto si Marvin.
Kadalasan, mayayaman ang mga Dragonic Sorcerer, pero sadyang madamot ang matandang babaeng iyon. Kaya tinali nito ang kanyang mga ari-arian sa kanyang sariling buhay.
Kapag namatay siya, ang lahat ng nasa kanyang storage item ay maaabo.
Ito ang naisip niya para walang makuha mula sa kanya ang sino mang pumatay sa kanya.
Sa katunayan, maraming Legend Wizard ang gumagawa nito.
Kaya naman isa rin ito sa mga rason kung bakit ayaw ni Marvin na kumakalaban ng mga Legend Wizard.
Mayaman ang mga ito, pero wala siyang makukuha sa pagpatay sa kanila. Mga mandaraya rin ang mga ito!
…
Nang suriin pang mabuti ni Marvin ang bangkay ni Fati, tulad ng inaasahan, wala pa rin siyang nakuha rito. Pagkatapos nito ay agad naman tumakbo si Marvin sa kagubatan at nagtungo sa lawa.
Kung hindi siya nagkakamali, doon nakatago ang Wisdom Chapter.
Ang Book of Nalu ay isang makapangyarihang bagay, at nararamdaman ni Marvin na kaya niyang ipunin ang mga pahina nito at buoin muli ito balang araw.
Pero hindi naman siya arogante para isipin na mas malakas siya kesa sa Berserk Lord.
Kahit ang isang God ay nabaliw at sumabog nang basahin ito, kaya naman kailangan ni Marvin ng isang bagay na makakapigil ditto.
At nabanggit ng Dragon Soul na kaya itong gawin ng Wisdom Chapter.
May kaunting nalalaman si Marvin tungkol sa item na iyon. Tila isa itong kayamanan na iniwan ng Ancient God of Wisdom.
Ang kaalaman ng mga ninuno ay nakasulat dito pati na ang ilang bahagi ng kaalaman tungkol sa batas ng mundo.
Pagkatapos itong gawing data, magiging isang item ito na magbibigay ng hindi bababa sa [Willpower +5].
Kaya hindi pakakawalan ni Marvin ang pagkakataon na makuha ang ganoong klase ng item.
Pero habang nagmamadali siyang tumatakbo, nagsimulang yumanig ang buong isla!
Gulat na tiningnan ni Marvin ang Sea of Nothiness.
Dahil ang pagyanig ay nagumumula sa hangganan ng isla.
Biglang namutla si Marvin.
Nagsimulang masunog ang karagatan, habang hindi mabilang ang mga kadenang nasira at lumipad sa kalangitan!
'Anong nangyayari?!'
Nanuod lang si Marvin habang isang malaking halimaw ang dahan-dahang bumangon mula sa Sea of Nothingness.
Nahulog ang mga lumot mula sa katawan nito, na tila isang mummy na natatanggal ang mga benda sa katawan nito!
'Ang tungkulin ko ay Destruction!'
Isang mala-kulog na boses ang umalingawngaw sa kalangitan.
Isang malaking halimaw ang nagmulat ng kanyang mata.
Ang mga mata ay tila walang buhay, at mukhang mata ng isang patay na tao.
Pero may iba dito. Tila puno lang ito ng kagustuhang mangwasak.
Noong mga oras na iyon, biglang nag-init ang Book of Nalu na nasa bulsa ni Marvin!
Noong mga nakaraan ay mas tila nabubuhayan ito. Sumimangot si Marvin habang nagtataka, 'Hindi kaya mas lumakas ito dahil sa isang puntos ng Divinity na nakuha nito?'
Agad na binuksan ni Marvin ang libro, pero bago pa man siya makapagtanong, may mga letra nang lumitaw sa libro:
–Hahahaha...–
Hindi na pinansin ni Marvin ang unang linya na tungkol sa pagsasaya ng Book of Nalu sa kanyang kamalasan.
– Nararamadaman ko ang awra ng Destroyer, nasa malaking panganib ka, Bata –
– Sinasabing ang mga Destroyer ay ang mga hindi pa nakikitang anak ng God of Destruction –
– Ikinulong ang mga ito ng mga Ancient God bilang mga Domain Guardian –
– Kadalasan, sa kapag namatay lang ang isang Domain Guardian, saka lang magigising ang isang Destroyer –
– Wawasakin nito ang lahat ng nakikita nito! –
…
Agad naman naunawaan ni Marvin.
Kahit na mayrong masamang intensyon ang Book of Nalu, kung hindi dahil dito, hindi nito malalaman ang tungkol sa Destroyer.
Pinatay niya si Fati, kaya naman nagising ang Destroyer na natutulog sa Sea of Nothingness.
Malinaw ang pagkakapaliwanag nito. Kapag namatay ang guardian, siguradong dahil ito sa isang kalaban, kaya pababagsakin nila ito gamit ang Destroyer.
Mabilsi na nag-isip si Marvin. Siguradong mayroong iniisip ang Book of Nalu kaya ito kusang lumabas mag-isa.
Dahil kaya gusto nito ng Divine Source?
Sa pagkakataong ito, hindi na ito basta-basta bibigyan ni Marvin ng Divine Source. Kahit na hindi siya natatakot na sasakupin ng Book of Nalu ang kayang katawan, nararamdaman niyang mas nagiging aktibo na ito. At hindi ito maganda.
Mukhang kailangan niya ito pigilan.
Pero sa sumunod na sandali, biglang nag-alok ito ng isang kasunduan na bahagyang nagdalawang-isip si Marvin bago niya ito tinanggap.
Simple lang ang kasunduan.
Nararamdaman ng Book of Nalu na mayroon pang isa pahina sa Dragon Library at gusto niyang hanapin ito ni Marvin.
Gusto nitong lamunin ang isa pang pahina.
At bilang kapalit, lilituhin nito ang Destroyer nang tatlong minuto!
Pumayag si Marvin sa kasunduan.
Dahil nang humakbang ang Destroyer, kalahati ng baybayin ang nawasak!
Kapag nagpatuloy pa ito, hindi magtatagal, mawawasak nito ang Demi-Plane.