ดาวน์โหลดแอป
46.53% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 342: Spirit Armband

บท 342: Spirit Armband

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

 Kasunod ng pagtawang ito, biglang nawala ang lahat ng mga salamin.

Nabuo ang mukha ng isang payaso!

May nakakatakot na tingin ang payaso at may masamang ngiti.

"Nahanap niyo ang lihim kong pinagtataguan."

"Nasurpresa niyo si Max…"

Natatawa ang boses ng payaso habang nagsasalita kaya naman bahagyang kinilabutan ang dalawa.

Pero hindi naman nababahala si Marvin!

Ang mga payaso ay mga nakakatawang tao mula sa karnibal. Maraming tawang maihahatid ang ganitong nilalang pero lahat ito ay dahil sa pamamahiya. Ang mga payaso ay mga masasamang awra, kaya naman hindi na nakakagulat na maging bahagi ito ng katawan ng isang Theater Spirit.

Ang mas ikinagulat ni Marvin ay ang mga Evil Spirit Envoy na ito ay ginawang salamin ang payaso na ito.

Isa itong bagay na mahirap gawin.

Kahit na ang pinto ng silid ay nahaharangan ng dalawang tao, ang teatro mismo ay minamanipula ng Spirit. Hindi magtatagal bago makapasok ang mga Evil Spirit.

Mas mahihirapan sina Marvin kapag nangyari iyon.

"Anong gagawin natin?" Sumimangot si Gwyn. "Napakaraming mga salamin, alin sa kanila ang tunay?"

Sinulyapan ni Marvin ang pinto, na inaatake ng mga Evil Spirit, at saka desididong sinabi na, "Mahiwalay tayo at hanapin!"

Pumili siya ng isang salami at pinasok ito!

Ang mundo sa salamin na ito ay isang pagsasalamin sa McKenzie Theater. Ang napakalaking tetro ay walang laman at tanging pag-iyak lang ang maririnig sa napakadilim na lugar na ito.

Ngumisi si Marvin, ginamit niya ang Listen para masiyasat ang kahit ano mang pagbabago sa paligid.

Sinundan niya ang boses at hindi nagtagal ay nahanap ang isang payasong sugatan sa ilalim ng entablado!

Mayroon itong kutsilyo na nakasaksak sa katawan nito, at sa ilalim ng gulagulanit nitong damit ay mga sariwang sugat.

Nakayuko ito habang umiiyak.

Kinuha ni Marvin ang kanyang mga dagger at tinanong ito, "Bakit ka umiiyak?"

Tumingala ang payaso at galit na tumingin sa kanya. "Bakit niyo ko sinesante?"

"Masipag naman ako, bakit niyo ko sinesante?"

"Dahil ba hindi ako naging maingat at nalaman ko ang tungkol sa kalaguyo mong si Siya?"

Tumakbo ito papalapit kay Marvin habang sumisigaw.

Ang dila nito ay napakahaba at tila isang ahas.

Madaling naiwasan ito ni Marvin, pero biglang bumukas ang ulo ng payaso! Ang dila at mga ngipin nito ay biglang lumpiad papunta sa leeg ni Marvin!

Ang katawan naman nito ay sinubukang butasin ang baywang ni Marvin gamit ang mga kuko nito!

Bago siya tamaan, gumamit si Marvin ng Shadow Escape at lumitaw sa likuran ng clown.

Makikita ang awa sa kanyang mga mata. "Pasensya na, hindi ako 'yon."

"Bang!"

Umalingawngaw ang isang putok ng baril kasabay ng pagsabog nng ulo ng payaso!

"Plang!"

Nabasag ang salamin.

'Hindi ito.' Malungkot ang reaksyon ni Marvin. Hindi niya nakita si Gwyn sa paligid kaya baka nasa loob pa ito ng ibang salamin.

Mayroong tatlupu't dalawang salamin sa silid, at wala silang magagawa kundi tinginan ito isa-isa!

Dahil hindi pa nakakapasok ang mga Evil Spirit, hindi na siya nagtagal at pumasok sa isa pang salamin!

Sa labas ng Desilate Ancient Altar.

Sa harap ng isang Projection na kakatapos lang mabuo, makikita ang pag-iisip sa mukha ni Pal Hand.

"Tidomas, mukhang naging aktibo ka pagkatapos mamatay ni Diggles…"

"Hindi kaya naniniwala ka talaga sa propesiyang iyon?"

Ang malaking ulo ng Dragon ay tumingin paibaba kay Sky, ang mala-kulog ang boses nito, "Vampire, kahit na nasa Legend realm ka at isa lang itong Preojection, hindi moa ko matatalo sa altar na ito."

"Umalis ka na, o ipagkakait ko sayo ang kaluluwa mo at mga pagsisisi mo!"

Ang malaking ulo ng Dragon na ito ay Projection ni Tidomas, ang Overlord ng [Evil Dragon Cemetery] sub-plane.

Sinasabing si Tidomas mismo ay isang Dragon na pinili bilang isang [Dragon Cemetery Watchman].

Sa paglipas ng panahon, naging sakim si Tidomas, naakit siya sa kapangyarihan, naakit ng Evil Spirit Sea. Naapektuhan siya ng mga hinanakit ng mga kaluluwa ng Dragon na nasa Dragon Cemetery, at dahil sa mga masasamang impluwensya, naging mabagsik at makapangyarihan ito.

Ginamit niya ang kapangyarihan ng mga hinanakit ng mga Dragon para itatag ang Evil Dragon Cemetry. Kahit na ang Ancient Dragon God ay ninakaw pabalik ang mga bangkay ng mga Dragon, ang Evil Dragon Cemetery na itinatag niya ay ang naging pinakamalapit na sub-plane ng Negative Energy Plane sa Feinan, kasunod ng Decaying Plateau!

Sa labing siyam na Evil Spirit Overlord, si Tidomas ang isa sa mga pinakamakapangyarihan. Mas malakas pa kesa kay Diggles na mayroong malaking potensyal!

Isang paglitaw ng projection ng isan Evil Spirit Overlord sa Saruha ay higit pa sa kanyang inakalang kakaharapin.

Anong sikreto ba ang mayroon sa Desolate Ancient Altar para patuloy na mag-chant ang dalawang Evil Spirit Envoy sa tuwing malalagay sila sa panganib?!

'Anong ginagawa nila?'

Nagtataka si Sky tungkol sa mga ito, at sa sulok ng kanyang pangingin, napansin niya ang isang maliit ng bola ng ilaw sa pagitan ng dalawa.

Isang eksena ang makikita sa bolang iyon, pero nasa likuran ito ng Evil Spirir Barrier kaya hindi niya makita ito nang mabuti.

Tumawa si Sky. "Tidomas, wala naman talaga akong pakialam sayo, pero ang dalawang tagasunod mo ay matagal nang naninirahan dito sa Saruha. Marami siguro silang nalalaman sa lugar na ito.

"Umaasa akong matutulungan nila akong hanapin ang hinahanap ko."

"Pagkatapos noon, aalis na ako agad-agad, ano sa tingin mo?"

Para kay Pale Hande, makatwiran naman ang lahat ng kanyang sinabi.

Lalo pa at isa siyang Legend powerhouse, at si Tidomas ay isa ring powerhouse. Kung hindi lang siyang nababahala sa kapangyarihang naipon sa Desolate Ancient Altar sa hinahaba-haba ng panahon, dinispatya na sana agad niya ang projection ni Tidomas!

Basta tulungan siya ng dalawang Evil Spirit Envoy para hanapin si Gwyn, handa siyang umatras.

Pero nagulat siya sa pagmamatigas na reaksyon ni Tidomas. "Lumayas ka!"

Binuka ng Dragon ang kanyang bunganga at isang nakakalasong kulay berdeng hamog ang lumabas.

Nagbago ang pagmumukha ni Sky.

Lason ito ng isang Evil Spirit Overlord. Kung maapektuhan siya nito, hindi magiging madali ang pagtatanggal nito!

Kasabay nito, ikinagalit niya rin ang ugali ni Tidomas.

Sa isang iglap, nawala si Pale Hand!

Isang liwanag ang kumisap sa paligid ng altar!

"Maduming Evil Spirit, nagpaubaya na nga ako eh! At dahil ayaw mo pa rin, wag mo kong sisisihin sa pagiging arogante mo!"

Noong oras na iyon, apat na pigura ang lumabas mula sa Shadow Plane, at direkatang lumusot sa barikada ng altar, at dinamba ang dalawang Evil Spirit Envoy.

"Wag kang kikilos nang masama!"

Tila hindi inasahan ni Tidomas na ang Legend Vampire na ito ay magagawang pasukin ang barikada nang ganoon lang!

Pero hindi ito ang oras para magsisi.

Walang awa si Sky. Ang apat na Pale Hand ay inatake ang isa sa mga Evil Spirit Envoy at pinatay ito!

Sa isang iglap, malinaw niyang nakita ang nasa bola ng liwanag at nagbago muli ang kanyang reaksyon!

Samantala, sa backstage ng McKenzie Theater, karamihan sa mga salamin ay nabasag! Isa na alng ang natitira.

Nang lumabas sina Marvin at Gwyn, natiligan sila panandalian bago nakita ang masaya nilang reaksyon.

Hindi sila sigurado kung ano ang nangyari, pero nahanap na nila ang core ng Theater Spirit!

Tila kidlat ang dalawa at agad na nagtungo sa salamin, nilampasan nila ang isang Brain Eating Monster bago tuluyang makapasok sa salamin.

….

Ang mundo sa salamin na ito ay parehong-pareho rin sa McKenzie Theater.

Pero sa pagkakataon na ito, ang teatro ay puno at siksikan!

Maririnig ang hiyawan mula sa magkabilang panig ng dalawa na bahagyang naguluhan.

Walang sensyales ng mga tao ang teatrong ito noong una. Saan nanggaling ang mga ito?

Isa siguro itong panlilinlang ng Theater Spirit.

Siniyasat ni Marvin ang entablado at nakitang may palabas ang nagaganap.

Isang guillotine!

Isang payaso ang lumapit mula sa backstage at tumayo sa tabi ng guillotine.

Nang makalapit ito, binato siya ng mga tao ng balat ng saging at malalambot na mansanas

Pero nakangiti pa rin ito.

"Bobong Max."

"Bobong Max, wag ka muna lumabas, hindi pa nagsisimula ang palabas, guso mo nang mabugbog?"

Malakas siyang tinuya-tuya ng mga manonood, walang pakialam ang mga ito sa nararamdaman ng payaso.

Hiyang-hiya ang payaso habang nakatayo sa entablado, matagal itong nagirap bago niyang makuha ang pagsang-ayon ng mga tao na bigyan siyang pagkakataon na ipakita ang kanyang palabas.

Masaya siyang lumapit sa guillotine.

"Manuod kayong mabuti. "Itinaas niya ang kanyang ulo at mayroong magandang ngiti sa kanyang mukha. "Ito ang pinakadelikadong trick."

Isang matangkad at matipunong lalaki ang lumitaw sa kanyang tabi.

Walang awang pinabagsak ng matipunong lalaki ang guillotine!

Sa sumunod na sandali, nagkalat ang dugo!

Bumagsak ang ulo ng payaso sa lupa.

Nagsigawan ang mga manonood.

Seryoso ang itsura nina Marvin at Gwyn. Gumulong ang ulo ng payaso sa lapag at napunta ito sa harapan ng dalawa, nakangiti pa rin ito at nagatanong, "Maganda ba ang palabas ko?"

Bago pa makasagot ang dalawa, nawalan rin ng ulo ng mga manonood at humarap sa dalawa. "Maganda ba ang palabas naming?"

"Anong klaseng Magic Trick ba 'to? Isang ilusyon?" isip-isip ni Gwyn.

Ngayon lang siya nakakita ng ganito!

Nanatili naman mahinahon si Marvin at walang kabuhay-buhay na sinabing, "nabagot ako."

Pagkatapos nito, nawala ang ngiti sa kanilang mga mukha at napalitan ng galit!

"Ang mga hindi nagustuhan ang palabas ko ay mamamatay!" Sigaw ni Max the Clown.

Gumulong papalapit ang mga ulo at sinusubukang kagatin sina Marvin at Gwyn.

Pero biglang pumasok sa dilim si Marvin.

Night Boundary!

Pumasok ang katawan niya sa dilim at biglang lumitaw sa entablado.

Ang walang ulong katawan ni Clown Max ay nasa ilalim pa rin ng guillotine.

"No!!!" Sigaw ng lahat ng mga ulo!

Tila ba takot na takot ang mga ito.

Itinaas ni Marvin ang kanyang mga dagger at tinadtad ang bangkay ng payaso!

Ang #4 Holy Water ay may kagilas-gilas ang liwanag.

Bago pa man magkaroon ng reaksyon si Gwyn, isang pagbasag na ang kanyang narinig.

 "Plang!"

Nabasag na ang huling salamin.

"Kahit na napatay na natin ang Theater Spirit, biglang humina ang lakas ng kalaban. May dahilan siguro 'to."

"Mayroon sigurong nangyari sa mga Evil Spirit Envoy."

May hawak na itim na armband si Marvin at agad na binalikan ang Vampire.

Nagkatinginan ang dalawa at napagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Marvin.

Tanging isang Legend lang ang may kakayahang kalabanin ang mga Evil Spirit Envoy!

"Kailangan nating umalis agad dito."

Agad na sinuot ni Marvin ang Spirit Armband na nakita niya sa bangkay ng payaso.

Maganda ang item na nakuha niya,


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C342
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ