ดาวน์โหลดแอป
39.04% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 114: Chapter 114

บท 114: Chapter 114

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Iniupo niya si Chu Qiao at hinayaang sumandal sa dibdib niya habang ginagamit ang kanyang kamao para pukpukin ang likod nito. Walang tigil sa pagkidlat ang kalangitan habang niyayanig ng kulog ang kalupaan. Sa gitna ng madilim na gabi, tanging guhit ng puti na iyon lang ang paminsan-minsan na nag-iilaw sa kapaligiran.

"Gising! Gising!"

"Cough cough…" isang alon ng mahinang ubo ang sumagot sa kanya, agad na hinawakan ni Zhuge Yue ang balikat ni Chu Qiao at tumitig sa mata nito. "Gising ka na ba? Gising ka na?" Tanong niya.

Mahina lang ang ubo ni Chu Qiao noong una, ngunit lumala ito nang mas lumakas-lakas pa siya. Nailabas ang maputik na tubig mula sa kanyang baga habang ang kanyang mukha ay hindi natural ang pagkapula. Nakahiga sa yakap ni Zhuge Yue, ni hindi siya makapagsalita dahil patuloy ang pag-ubo niya.

Kahit na pag-ubo lang iyon, nakakapawi ang tunog nito sa tainga ni Zhuge Yue. Maginhawa siyang napabuntong-hininga at nanlata. Sa malamig na gabing ito na may malakas na ulan at hangin, pinapalala ng banta ng kamatayan, hindi na niya nais na itago pa ang kanyang emosyon. Mahigpit na niyakap ng mga braso niya ang babae palapit sa kanyang dibdib.

"Ang...pamilya mo...ay paparusahan ka…" saad ng isang tahimik na boses. Napakahina ng bulong at agad itong dinala ng nagngangalit na hangin. "Ang imperyo ng Xia...Zhao Yang...Zhao Che...hindi ka nila papakawalan."

Hindi man lang humina ang ulan, patuloy na hinuhugasan ang putik at dugo sa dalawa. Isang kislap ng kidlat ang gumuhit sa kalangitan at nililiwanagan ang maputla nilang mukha.

"Mamamatay ka! Alam mo bang mamamatay ka?!" Nasasamid sa luha ang paos na boses ni Chu Qiao nang nagtanong ito. Sa lahat ng oras, bakit hindi niya napagtanto ang intensyon ni Zhuge Yue na protektahan siya? Ngunit ngayon ay harapan siyang lumaban sa pwersa ni Zhao Yang, maaari bang hindi niya alam ang klase ng katapusan na naghihintay sa kanya?

"Sino ka sa tingin mo?" Tiim-bagang na tumitig si Chu Qiao dito. "Pinatay mo ang pamilya ko at sinakripisyo kami ni Yan Xun. Gusto talaga kitang patayin ngayon. Ang pagkamuhi natin ay malalim, ngunit bakit mo ako iniligtas?"

Hindi sumagot si Zhuge Yue na tahimik na nakatingin sa mga mata nito na para bang inoobserbahan ang kaluluwa niya. Pagkatapos ang pagtakas at maraming buhay o kamatayan na pangyayari, sa wakas ay umiyak na si Chu Qiao habang ang kanyang bakal na puso ang nabasag ng kanyang magkasalungat na emosyon.

"Zhuge Yue, marami akong utang na loob sayo, anong gusto mong gawin ko?" Ipinikit niya ang mapula at namamaga niyang mata habang hinahayaan niya malayang tumulo ang luha sa kanyang pisngi.

Ang landas sa harap ay diretso at walang harang. Sa malakas na ulan, ang paminsan-minsang kidlat ang nag-iilaw sa buong tanawin. Sa panahon ng labis na laban sa kalye ng probinsya ng An Bai, walang kahit isang sundalo ang lumapit sa labanan. Sapat na ito para mahinuha ang may pakana sa likod ng pagpatay. Hindi tulad ng iba, biktima si Zhao Yang ng labis na pang-aapi at inaayawan sa loob ng palasyo mula pagkabata. Napalaki nito ang kanyang walang-awang malupit na pamamaraan. Kahit na laban pa ito kay Zhuge Yue, hindi siya nagpakita ng awa.

Walang mapagpilian, dinala nalang ni Zhuge Yue ang sugatang si Chu Qiao habang nagbabagtas sa dilim na hindi sinasabihan si Yue Qi at ang iba. Sumama sila sa pangkat ng mangangalakal na patungo sa Tang Jing pagkatapos magbayad para makasama bilang manlalakbay. Pagkasarado ng pinto, pinaalam niya kay Chu Qiao, "Nalaman ko na ang may-ari ng pangkat na ito ay tinatawag na Lui Xi. Kilala mo ba siya?"

Bahagyang napakunot si Chu Qiao at sumagot, "Nakasalamuha ko na siya dati."

"Kung ganoon, kailangan natin agad na umalis," desididong pahayag ni Zhuge Yue.

"Sandali!" Tawag ni Chu Qiao. "Sa malayo ko lang siya nakita at hindi namin malinaw na nakita ang mukha ng isa't-isa. At ilang taon na ang nakakalipas."

Nangunot ang noo ni Zhuge Yue. Alam kaagad ni Chu Qiao kung anong ipinag-aalala nito at sinubukang awatin iyon. "Iisipin ng mga taong iyon na karaniwang tao lang tayo na nahawa ng kung anong sakit. Hindi tayo magkakaroon ng tsansa na makita sila. Hanggang manatili akong maingat, siguradong magiging ayos lang ang lahat."

"Hindi ba't siya ang pamangkin ni Liu Mingjun?"

"Tama."

Napaisip si Zhuge Yue at marahang nagpahayag, "Ikinokonsiderang malaking pamilya sa syudad ng Xian Yang ang pamilya Liu. Hindi ako sigurado kung nasa pagsalubong siya noong pumasok ako ng syudad."

Nang marinig iyon ay napakunot din si Chu Qiao. Nagpatuloy si Zhuge Yue, "Sa tingin ko ay mas maayos kung magkamali sa panig ng pag-iingat. Bukas ng umaga, lalabas ako para bumili ng mga kabayo at sasakay tayo sa sarili nating karwahe tungo sa Tang Jing."

Tango ang sagot ni Chu Qiao. Ang kasalukuyan ng posisyon niya ngayon ay nakailang. Ngayong si Liu Xi ay pamangkin ni Liu Mingjun at meyembro ng Da Tong, siya ang makakakuha ng tulong at kasama sa pagbalik sa Yan Bei kung ihihiling niya. Pero ngayon, nag iisa lang si Zhuge Yue at walng guwardya, kung si Liu Ci ay may gawing nakakatawa...

"mauna kang mag pahinga." Pag lagay niya kay Chu Qiao sa kama, maginoong sabi ni Zhuge Yue, "Sasabihan ko ang tagasilbi na ipaghanda ka ng pagkain. Ano ba ang gusto mong pagkain?"

Nailing si Chu Qiao at sumagot, "kahit ano na lang."

Lumingon si Zhuge habang nag lalakad at nag komento, "Sabagay wala naman tayong pag pipilian. Sa lugar na ito, anong pagpipilian ang mabibigay rito?"

Blangko ang pagtingin ni Chu Qiao sa swelta na biglang naglaho sa paglagpas ng pintuan bago niya magawa ang mahinang ngiti.

Dahil sa maimpluwensya ang pamilyang Zhuge. Ang isang taga silbi ay makikita sa kahit saang kontinente ng Silangang Meng. Bilang isang malakas na pamilyang maharlika, sisiguraduhin nila na may paraan para sa kapangyarihan ng manipis na papel ng politiko. Sa mundo na ito, ilan ang nag tatagong politika para gamitin ang pagiging maimpluwensya ng malalakas na pamiya? Walang kahit sino man ang makakasagot ng tanong na iyon.

Kilala ni Chu Qiao kung sino o ilan sa mga pamiyang maharlika, ilang daan ang ginagawa nila para lang sa ninuno nila. Kahit na si Zhao Zhengden ay biglang binunot ang buong pamilyang Muhe, sinong makapag sasabi na ang pamilyang Muhe ay natanggal sa kontinente ng silangang Meng?

Ang tunay na maimpluwensya sa pamilyang Zhuge ay hindi kawalan sa kanila kahit na kay Yan Xun. At saka, ang isang pangunahing utos ng pamilyang Xia Empire, meron silang political gravitas na kahit si Yan Xun ay walang panaman. Protektado ito ng may mga ranggo at ang personal na tauhan, pinanghahawakan nila ang pagiging impluwensya dahil sa mga ankan nila, na tumagos sa iba-ibang posisyon na may kapangyarihan sa Empire. Sa likod ng bawat isa sa mga opisyales ng Zhuge at may daang pera at impluwensya.

Yan Bei ay nag aklas, at sa resulta nito ay lahat ng taga Yan Bei at kasama sa pag kalaban sa Empire. dahil sa palugit, ang isang ay nag isipin na may sakuna na haharapin ng pamilyang Royal Zhao kapag idang arawa ang pamilyang Zhuge ay nag desisyon na itaas ang bandera ng pag aaklas bago ang malawak na pag hahanda! Sa mga pumalo sa pamilyang Zhuge at ang posisyon ni Zhuge Yue sa kanyang pamilya ay walang pakielam kung saan basta nasa kay Zhuge Yue na kung hihiling siya para asikasuhin siya, ang mga tao ng Pamilyang Zhuge ay kailangan magtipon. Sa kabila ng halatang pag tutol ni Zhuge Yue sa pag pipilian at pag pili sa pagtago ng pagkakilanlan sa nag daan,personal na inaalagan siya nito at hindi sinasabi sa pamilyang ito kung nasaan siyang lugar. Marahil ay nag aalala na ito sa mga mandirigma niya na hindi tiwala sa pag tago sa katauhan ni Chu Qiao. Kahit na natulongan niya ito ay hindi hadlang sa iba na kalabin ito at sa pamilya niyang pwedeng atakihin siya.

Mapang uyam ang tawa ni Chu Qiao at paano niya ito malalampasan. Naintindihan na niya na kung anong mangyayari sa kasalukuyan na posisyon pero dahil sa katigasan ng ulo niya na hindi tanggapin ang totoo sa sarili niya. Sa ganon, pinili na lang niya na tumakas sa realidad sa pmaamgitan ng pagpikit ng mata at mag tahimik.

Marahil ay malapit na gusto niya mag lakbay sa akin na walang mag iistorbo, na hindi siya magiging master ng pamilyang Zhuge at hindi ko kailangan na kailang na magpanggap para sa Yan Bei. Kagaya sa pambayan, nakikipag kapwa tao na wlaang galit, walang pinoproblema, wlang pag kakahanay, at lalong walang resposibilidad.

Itong pagkakataon ay ito na lang ang nag iisa.

Dahan dahang ipinikit ni Chu Qiao, umaasang makakatulog at makakalimutan ang lahat ng problema. Naiintindihan niya ang lahat ng aspeto ngunit hindi niya kayang hanapin ang pinaka may kasalan sa kanya. Simula pa noong una ay nasa kabilang na siya ng problema. Pagkatapos ng walong taon, mabilis ang kanilang paglaki. Ang isa ay hindi nawawalan ng postura.

Nag pakalma si Chu Qiao at pagkatapos ng sandaling iyon, nakapasok na siya malalim na pag kakatulog. Bago siya makatulog kinutya niya ang sariliulit. Ano pang silbi ng maraming pag iisip kung hindi naman siya makakaalis ng sarili lang niya ngayon?

Sa oras ng pag babalik ni Zhuge Yue, si Chu Qiao ay nakatulog na ng mahimbing. Hawak niya ang malaking bandeha, ibinalik ni Zhuge Yue ang mga pakain at nag dala na lang ng maiinom na akak. Pagkatapos maayos ang mga pagkain at mga kobyrrtos ay umupo siya sa lamesa at nag lagay ng alak sa kanyang baso. Itong tindahan ay hindi masyadong kaliitan pero ang pagkain ay masasarap. Bukod sa mga platong na babalutan, ang kakakibang aroma ay nanatiling nasisinghot niya. Ang alak ay nakatambak pa at malasa. Sa pag inom niya nito nararamdaman ni Zhuge Yue ang pag iinit ng katawan niya.

Nang bumaba ang liwanag ng araw ay naging kulay pulang crimson ito, at nag lanas ng anino sa lupain. Ipinag patuloy ni Zhuge Yue ang pag uupo ng tahimik, ninanamnam ang alak nang lumubog ang araw sa abot tanaw. Nang magliwanag ang pasilyo, nag simula ang pasilyo na mag madali sa mga gagawain nila pero bago ang matagal na iyon, ang mga tao ay nag kalat at nahulog ang lungsod sa katahimikan. Ang lungsod ay natutulog, maliban sa kanya na nanatiling tahimik sa kadiliman na parang rebulto, na ang kamay niya lang ang gumagalaw ng pabalik balik at sa gitna non ay ang boteyang alak at basi niya.

Nagising si Chu Qiao sa malalim na pag kakatulog niya sa gabing iyon na may masakit na ulo. Inaantok pa siya ng maramdaman niyang na uuhaw siya at gustong mag hanapng tubig pero may naanigan siyang anino sa kadiliman. Ang unang reaksyon niya ay abutin ang patalim niya sa hita at kahit sa mahinang katawan pa siya ay tumalon siya paalis sa kama na parang mabangis na halimaw.

Mabilis na napag tanto ang nangyari, hinagis niya lang itong patalim sa kanya at tumingin sa lalaki na nasa dilim. Nag tatakang nag tanong siya, "Zhuge Yue?"

"oh." Nakatanggap siya agad ng sagot. Sa tingin niya ay maraming nainom ang lalaki sa silid niyang napuno ng alak. "Uhaw ka?"

Napatango si Chu Qiao at napag tanto na sa kadiliman, kahit na tumango siya, ay hindi niya ito marinig, kaya ininuka niya ang bibig niya pero biglang may isang baso ang nag bigay sa kanya. Tinanggap niya ang baso. Ang tubig ay mainit init at ang iba ay mainit talaga. Ang baso ay maliit pero hinawakan ito ni Chu Qiao ng dalawang kamay niya. Pagkatapos sumimsim dinilaan niya ang tuyonh labi niya. Na natiling paos pari nang boses galing sa pag kakagising bumulong siya, "Bakit hindi mo binikasan ang ilaw?"

Tahimik ang silid na kahit isa ay walang maririnig kundi ang pag lunok ng lalaki. Pagkatapos ng mahabang oras, ang tahimik na tonog na sagot, "maganda ang kadiliman."

Seryosong sagot ni Chu Qiao, "Zhuge Yue, kailan mo ako tatawaging Chu Qiao?"

Maalmig na singhal nito, "Mangarap ka."

"Napaka tigas ng ulo mo." Pero sa sinabi niya natawa siya sa pag kukutya rito, at pumunta roon, "tunay na gusto ko rin ito. Kapag nag desisyon ako ng bagay wala na ritong makakapag bago sa isip ko ng ganon ganon lang."

Hindi na sumagot si Zhuge Yue. Nasa mabuting pakiramdam si Chu Qiao ngayon, nang matapos ang pag sasalita niya sa sarili niya ay, "Sa totoo lang hindi ka naman masamang tao. Bukod sa minsan ilag ka,at kaunitng madahas, at kulang ka ss awa, at erm, kapag humahaba yang mukha mo nakakainis minsa. Sa lahat ng iyong maganda ang kalooban mo. Tapos ganto ulit,sa mundong ito, sino anghidi madahas? Sino dito ang hindi pa nababahidan ng dugo ang kamay? Kung ganto ang mundo patagala kung sino ang mabubuhay. Hindi ko na mabilang kung ilan na ang napatay ko. Ikaw naman Zhuge Yue?" Natigilan ng sandali ito, nag dagdag pa si Chu Qiao, "Maganfdang makipag ayos ka roon sa mga napatay mo, nakailangan mong patayin ng personal mong tagasilbi ang kinagalitan mo. Pero hindi ko matandaan kung ilan na ang napatay ko. ilan Ang taong napatay ko ay katumbas ng mga nakausap ko sa oras na iwasiwas ko ang sandata ko may gumugulong na ulo. Kapag may tumatalsik na dugo sa mukha ko, parang sobrang init na parang kumukulong apoy na kahoy."


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C114
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ