ดาวน์โหลดแอป
93.95% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 932: Makaharap ang Kriminal

บท 932: Makaharap ang Kriminal

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Kahit na wala siyang ideya kung bakit gusto nilang makaharap ang kriminal, nagtitiwala ang Bise Presidente kay Xinghe. Tumulong itong lutasin ang krisis ng mundo at ang apo ni Elder Shen, sa mga kwalipikasyong ito pa lamang, sapat na para lubusan niya itong pagkatiwalaan.

Ipinahiwatig din niya ang kanyang kalungkutan sa nangyari sa Presidente. Nagmamadali din itong makita ang Presidente ng marinig nito ang balita, pero kailangan nitong umalis dahil kailangan nitong harapin ang maraming bagay na biglaang lumabas bago pa naianunsiyo na ligtas na ang Presidente.

Sa utos ni Madam Presidente, bumalik siya para personal na samahan si Xinghe at Mubai para harapin ang kriminal.

Ang pag-atake sa Presidente ay isang malaking krimen. Ang doktor ay dinakip at nababantayan ng maraming sundalo. Habang daan, tinanong ni Xinghe ang Bise Presidente kung bakit si Tianrong ang responsable para sa seguridad.

Naramdaman ng Bise Presidente ang pag-uusisa tungkol sa Tong family, kaya naman pabulong niyang ipinaliwanag, "Malapit ng maabot ni Tong Tianrong ang edad ng kanyang pagreretiro at ang mga normal na opisyal ay hindi mangangahas na isali ang kanilang mga sarili sa ganitong sitwasyon. Dahil nga naman, ang pagpapakilos sa maraming pwersa ng militar para sa isang kakaibang sitwasyon tulad nito ay magtataas ng kilay ng ilan. Gayunpaman, si Tianrong ay isang maimpluwensiyang tao at nauna itong dumating sa eksena, kaya naman natural na ito ang mamuno dito. Ang kriminal ay dinakip nito, at ang lahat ng seguridad dito ay sumasailalim sa kanya."

"Hindi mo ba naisip na masyadong mabilis ang pagdating niya?" Nag-uusisang tanong ni Xinghe.

Ngumiti ang Bise Presidente. "Nandoon si Tong Liang ng inatake ang Presidente, kaya naman agad niyang kinontak si Tianrong."

Isa iyong katanggap-tanggap na dahilan.

"Nandoon si Tong Liang?" Nakita na naman ni Xinghe ang panibagong clue.

"Oo, at naiintindihan ko ang iyong suspetsa dahil pareho tayo ng iniisip na ideya. Gayunpaman, wala tayong ibang ebidensiya. Isa pa, sa kritikal na panahong tulad nito, kailangan natin ang ibayong pag-iingat. Mamaya, habang isinasagawa ang interogasyon, siguraduhin mong hindi mo ipapakita ang iyong sarili."

"Huwag kang mag-alala, alam na namin ang gagawin." Tumango si Xinghe at ngumiti matapos na makumpirma ang katapatan ng Bise Presidente.

Sa bandang huli, tanging siya lamang ang pinayagang sumunod dito sa interogasyon. Si Mubai ay isang negosyante at hindi isang opisyal ng gobyerno, kaya naman kinakailangan nitong manatili sa labas. Naghintay ito sa kanila habang sumusunod naman si Xinghe ng mag-isa sa Bise Presidente sa napakahigpit na nababantayan na istasyon ng pulisya.

Tulad ng inaasahan nila, hinarang sila ng mga tauhan ni Tianrong. Gayunpaman, ito ay ang Bise Presidente, at may direktang utos siya mula sa Madam Presidente. Kahit ang police constable ay hindi nangahas na harangin sila ng matagal at wala nang magawa kundi ang payagan silang makadaan.

Gayunpaman, alam ni Xinghe at ng Bise Presidente na ang unang gagawin nito ay ang kontakin si Tong Tianrong, at agad itong darating. Kaya naman, kailangan na nilang matapos ang paghaharap sa doktor sa lalong madaling panahon.

Sa madilim na silid ng interogasyon, ang doktor ay iniinteroga ng ilang matiim na mga pulis, kasama na ang vice constable. Ang doktor ay nakagawa ng malaking kasalanan, kaya kailangang interogahin siya ng malupit; walang bato ang maaaring iwang nakataob

Gayunpaman, kahit na anumang anggulo ang kanilang gawin, hindi sila makakuha ng impormasyon mula sa doktor. Nawawalan na ito ng pag-asa, sinisisi ang sarili sa nangyari. Iginigiit nito na hindi niya alam ang nangyari sa kanya. Sa madaling salita, ang depensa ng doktor ay tila mga walang kwentang sabi-sabi.

Sa wakas, nawalan na ng pagkakalma ang vice constable; pabagsak na hinampas nito ang mesa at idinemanda na, "Hindi mo na maaaring iwasan pa ang kriminal na kasalanang ito! Sabihin mo na ang totoo sa amin, sino ang nag-utos sa iyo na gawin ito?! Sino ang utak sa likod ng ito?!"

"Walang utak sa likod nito, at wala akong ideya kung bakit ginawa ko ang bagay na iyon… hindi ko talaga alam, dapat ay ako ang namatay. Wala talaga akong alam sa nangyari…"

Tuluyan nang nawasak ang mentalidad ng doktor.


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C932
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ