ดาวน์โหลดแอป
48.79% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 484: Nagsasalo sa Isang Higaan

บท 484: Nagsasalo sa Isang Higaan

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Nang sumapit ang gabi, nagtatrabaho pa din sina Xinghe at Mubai kahit na ang iba ay natutulog na. Puno pa din sila ng sigla, hindi nagpapakita ng anumang senyales ng kapaguran.

Ang tray ng pagkain ay lumamig na pero ni isa sa kanila ay hindi pa sumubo kahit isa.

Nag-aalala na si Mubai kay Xinghe, pero pinigilan niya ang sarili na payuhan ito na magpahinga na. Alam niyang hindi siya titigil kapag tinanong kaya naman inaasahan niya si Xinghe na magiging ganoon din ang sagot. Kaya naman, ang tanging bagay na magagawa niya ay ang alalayan ito, na makipaglaban sa tabi nito.

Sa wakas, dahil sa pagtutulungan nilang dalawa, ay nagawa nang matagpuan ni Xinghe ang pinakakuta ng IV Syndicate!

Napabulalas ito sa pagkabigla, "Ito na iyon!"

Humilig si Mubai at nagpakita ng isang nagmamalaking ngiti. "Sa wakas ay nahanap mo na ito."

"Oo, nagawa na natin." Nasisiyahang napabuntung-hininga si Xinghe bago muling umayos para sa isa pang round. "Ngayon ay iha-hack ko na ang kanilang server."

"Bakit hindi natin iyan iwan para bukas?" Mabilis na pinigilan siya ni Mubai. "Hindi ka pa kumakain ng buong araw at kailangan na ng katawan mo ng pahinga. Malaking progreso na ang nagawa natin ngayon kaya naman hindi na kailangan pang magmadali ngayon.

Napahinuhod si Xinghe. Hindi maganda na masyado kang pagod sa mahabang panahon.

"Sige, magpapahinga na tayo. Wala ka pa ding kinakain, tama? Alalahanin mong kumain at matapos ay magpahinga na."

Ngumiti si Mubai at hinila na siya patayo. "Pumunta na tayo sa kusina, masyado ng gabi, kaya mabuti na hindi na tayo manggising pa ng iba. Tayo na lamang ang gumawa ng makakain natin."

Hindi tumutol si Xinghe. Ang mga ilaw sa bahay ni Philip ay bukas pa halos lahat pero ang karamihan sa mga tao ay tulog na.

Nang buksan nila ang refrigerator, nalaman nila na maraming lutong pagkain ang nasa loob. Halata naman na ang mga ito ay iniwanan para sa kanilang dalawa.

Ininit ni Mubai ang dalawang plato ng steak at spaghetti. Habang kumakain sila ng hapunan, ipinagpatuloy ni Xinghe ang pakikipagdiskusyon ng misyon kay Mubai. Matiim naman itong nakikinig habang tinutulungan siya nitong hatiin ang steak.

"Sa tingin ko ay babalik ako sa computer room para tapusin ang iba pa. Hindi ako makakapagpahinga na malamang may mga bagay pa na kailangang tapusin."

"Gusto mo ng kaunting wine?" Biglang suhestiyon ni Mubai.

Nagulat si Xinghe pero hindi naglaon ay tumango siya. "Sige."

Ipinagsalin siya ni Mubai ng kalahating kopita ng red wine, isang perpektong kasama ng kanyang steak. Matapos inumin ni Xinghe ang kopita, hindi niya maiwasang hindi antukin. Hindi pa niya natatapos kainin ang kanyang pagkain bago nagsimulang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.

Ibinaba na ni Mubai ang mga kubyertos niya at kinarga si Xinghe sa isang kaaya-ayang galaw. Ito ang mabilis na nagpagising kay Xinghe. Nagulantang na nagtanong ito, "Ano ang ginagawa mo?"

Sumagot ng nakangiti ang lalaki, "Dadalhin na kita para makapagpahinga, bukas na natin aayusin ang iba pa."

"Pero…"

"Kailangan nating pareho ang pahinga," mariing sambit ni Mubai. Alam ito ni Xinghe, pero hindi ito ang kanyang gustong puntohin, ang gusto niya ay ibaba siya nito.

Pero, sa ibang kadahilanan, hindi na niya magawang sabihin ang isyu na ito.

Kinarga ni Mubai si Xinghe pabalik sa silid nito at maingat na ibinaba sa malambot na kutson. Tinulungan pa niya itong alisin ang mga sapatos nito.

Tiningnan siya ni Xinghe na gawin ang lahat ng ito at ang puso niya ay napuno ng kaguluhan at kumplikasyon. Nang natural na humiga sa kanyang tabi si Mubai, hindi pa din niya maapuhap ang kanyang sasabihin.

Hindi na siya binigyan pa ni Mubai ng pagkakataon na magsabi ng kahit ano pa dahil hinila na nito ang kumot at humikab. "Magandang gabi, huwag ka nang mag-isip tungkol doon, maipagpapatuloy na natin ito bukas na bukas din."

Matapos nito, ipinikit na nito ang mga mata.

Tinitigan siya ni Xinghe ng ilang sandali bago nagdesisyong hayaan na lamang ito at matulog na. Kung hindi isasama ang huling beses na gumapang ito sa kanyang kama habang siya ay natutulog, ito ang unang beses na nagsama sila sa iisang kama matapos ang kanilang diborsyo.

Matapos ang kanilang diborsyo, inisip ni Xinghe na ito na ang katapusan ng kanilang relasyon...


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C484
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ