Tiwala siya na ang pagsusulit sa mathematics ay sapat na para matalo si Xinghe. Kaya naman, hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para ihanda ang pagsubok para sa computer science.
Ang totoo, kailangan lamang niyang kumuha ng isang propesor dahil ang isa ay higit pa sa inaasahan!
Tumawag siya ng tatlo dahil gusto lamang niyang ipahiya ng lubusan si Xinghe!
"Tungkol saan ba ang pagsusulit?" Biglang tanong ni Xinghe.
Ngumiti si Ruobing. "Napakasimple, isa sa mga propesor ang magbibigay sa iyo ng tanong. Kapag nasagutan mo ang lahat ng tama, nakapasa ka na."
"Sige, simulan na natin." Mahinang tugon ni Xinghe, tila walang pakialam sa mundo.
Agad na hinamak ni Ruobing ang kayabangan ni Xinghe sa kanyang puso.
Humarap na siya sa tatlong propesor. "Professors, huwag ninyong dadalian para sa kapakanan ni Miss Xia. Dati ay isa siyang estudyante mula sa Mathematics Faculty ng Academy S."
Isang malaking balita ito para sa tatlong propesor. Hindi nila inaasahan na si Xinghe ay mula sa kilalang Academy S at mula pa sa Mathematics Faculty.
Kung gayon, ang kaalaman niya sa matematika ay nasa mataas na antas.
Ang tatlong akademiko ay nagdadalawang-isip na pahirapan ang isang dalaga ngunit ng marinig nila ang pakilala ni Ruobing, nawala ang kanilang hesitasyon.
Ang hindi nila napagtanto ay sinadya ni Ruobing na huwag banggitin ang katotohanang hindi nakapagtapos si Xinghe.
Nag-drop out si Xinghe sa Academy S sa kanyang ikalawang taon kaya naman wala siyang sapat na pagkakataong matuto sa mga taong naroroon siya kung susumahin.
Gayunpaman, planado na ni Ruobing na huwag sabihin ang detalyeng ito at naniniwala siya, base sa mayabang na ugali ni Xinghe, hindi rin ito sasabihin ni Xinghe.
Natural lamang na walang balak magpaliwanag si Xinghe.
Lalong lumawak ang ngiti ni Ruobing. Ipinakita nito kung gaano niya kinamumuhian si Xinghe, lalo na sa kaestupiduhan at kayabangan nito!
"Professor, maaari ka na pong magsimula. Ang isang tanong bawat isa ay sapat na," utos ni Ruobing.
Si Professor Chen ang naunang lumapit.
Pinag-aralan niya si Xinghe at sinabi, "Dahil nagtapos ka naman mula sa Mathematics Faculty ng Academy S, sigurado akong ang tanong na itatanong ko sa iyo ay natutunan mo na sa klase dati. Kaya naman, umaasa akong natatandaan mo pa ang mga pinag-aralan mo pa noon."
"Please," binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para sabihin, tila ba wala siyang pakialam kung anong klaseng tanong ang ibibigay nito sa kanya.
Nainis si Professor Chen sa kayabangan ni Xinghe kaya inisip niyang turuan ito ng leksyon sa pagpapakumbaba.
Young lady, ang kayabangan ang pinakamalalang kasalanan. Ang kaunting pagpapakumbaba ay makabubuti sa iyo.
Tinungo na ni Professor Chen ang pisara na halos kasing laki ng kalahati ng pader at isinulat na ang kanyang katanungan.
Dalawa sa hindi masyadong bihasang inhinyero sa bulto ng mga tao ay agad na naguluhan sa tanong.
Hindi nila maintindihan kung anong klaseng tanong sa matematika ito!
Nakikilala nila ang mga indibidwal na numero at mga simbolo pero sa kumbinasyong ito? Aakalain nilang nakatingin sila sa isang banyagang lengguwahe.
Si Luo Jun, na pamilyar din sa matematika, ay naramdaman din na masyadong mahirap ang tanong na ito.
Hindi niya maiwasan na hindi sumulyap kay Xinghe at nabigla siya na malaman na ang ekspresyon nito ay nananatiling kalmado.
Isa ba itong kalmadong maskara o talagang may tiwala siya sa sarili?
"Sige na, sagutan mo na ito para sa amin!" Tinalikuran na ni Professor Chen ang pisara at humarap na kay Xinghe.
Halos umabot na sa tainga ang ngiti ni Ruobing. Humarap na din siya kay Xinghe at sinabi, "Ang tanong na ito ay may kahirapan pero sigurado akong masasagutan mo ito. Ang kailangan mo lamang ay oras…"
"Hindi dapat lalampas sa dalawang oras," biglang sabad ni Professor Wong. Naiinis siya sa pagpapatawag sa kanya mula sa ginagawa niyang trabaho para lamang manood sa walang kawawaang bagay na ganito. Nawawalan ng pasensiyang sinabi niya na, "Iyon ay kung hindi siya agad na susuko. Babalik na ako sa lab ko, tawagin na lamang ninyo ako pag tapos na siya dito!"