ดาวน์โหลดแอป
50.94% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1155: Bakit sobrang malambing

บท 1155: Bakit sobrang malambing

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Tinatawagan siya ni Jiang Yan Ran.

Naging malumanay ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niya na tinatawagan pala siya ni Jian Yan Ran. Tiningnan niya kung saan naka-upo si Jiang Yan Ran bago niya sagutin ito. "Hello?"

Agad na tumalas ang pandinig ni Gong Xu nung narinig niyang mag "Hello" si Ye Wan Wan. "May kakaiba talaga! Sobrang nakakapagtaka! Bakit ang malumanay ng 'hello' ni Brother Ye?"

"..." Ayaw siyang kausapin ni Luo Chen.

Normal niyang "Hello" ito — anong nakakapagtaka doon?

Unti-unting nilingon ni Jiang Yan Ran ang kanyang ulo para lumingon sa likuran niya. Nasabik siya nang marinig niya ang boses ni Ye Bai. "Wan Wan! Wan Wan! Nandito ka na ba? Bakit hindi kita makita?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Nandito ako. Medyo may kaunting rows sa likod ang pagitan nating dalawa, pero nakikita kita."

"Talaga? Okay yun!" Kumalma na si Jiang Yan Ran.

"Oo, nandito ako. Huwag kang kabahan."

"En en…"

May mga sinabi pa si Ye Wan Wan bago niya binaba ang tawag. Hindi niya sinadyang lumingon at nagulat siya nang makita niya si Gong Xu na halos nakadikit na sa kanyang phone.

Nainis si Ye Wan Wan.

Naghihintay sa kanya si Gong Xu. "Brother Ye, sino ang kausap mo sa phone?! Bakit malumanay ang pakikipag-usap mo sa kanya?"

"Wala, kaibigan ko lang."

"Kaibigan lang…"

May sira yata ang sixth sense niya? Bakit kaya naisip niya na may kabit si Brother Ye sa labas...

"Ladies and gentlemen, sa lahat ng kilalang mga guests! Welcome sa Golden Orchid Awards…"

Masiglang musika ang maririnig sa background at inanunsyo ng host sa entablado na magsisimula na ang award ceremony para sa Golden Orchid Awards.

Kaya napatingin ang lahat ng tao sa entablado.

Pagkatapos ng simulang pabati, ang pinakahihintay na enggrandeng okasyon ay inangat ang kanilang kurtina.

Sinimulan ang seremonya sa mga minor na kategorya tulad ng Best Visual Effects, Best Production Design, at Best Motion Design para bigyang buhay ang lugar na iyon.

Pagkatapos ng 15 minuto, binanggit na ang isa sa mga sikat na kategorya– Ang Best Novice Award ng Golden Orchid Awards!

Ganado ang award presenter na nasa entablado. Pagkatapos ng kalahating araw ng paghuhula ng mga manonood kung sino ang mananalo, inanunsyo na sa wakas ang nanalo sa award: "Ang nanalo ng Golden Orchid Awards' Best Novice Award ay si… ang bagong sikat na artista ng Dazzling Media… si Cui Ming Qian! Congratulations!"

Malakas na palakpakan ang sumunod sa anunsyo ng presenter noong sinabi niya ang pangalan ng nanalo. Nagbigay pugay ang lahat ng mga manonood.

Umiyak si Cui Ming Qian at niyakap niya ang kanyang manager na si Cai Yong Sheng, gayundin ang mga cast at miyembro ng crew na kasama niya. Sobra siyang naging emosyonal sa oras na iyon.

Ang mga nasa harapan na upuan ay ang mga mataas na opisyal ng industriya. Tumango si Chu Hong Guang dahil natuwa siya sa naging resulta.

Siya ang nagbigay ng mga resources at tinupungan niya si Cai Yong Sheng na sanayin si Cui Ming Qian gamit ang karampatang pera.

Maraming mga tsismis ang lumabas noong umalis si Ye Bai. Sinabi ng mga tao na pinadala ni Chu Hong Guang ang sarili niyang kamag-anak para palayuin si Ye Bai, kaya nalugi ang Dazzling Media. Bakit niya hinayaan na ang pride niya at tapakan ng maraming tao?

Kaya, kailangan niyang paangatin si Cai Yong Sheng kahit alam niyang walang kwenta ito.

Natauhan siya sa realidad—hindi lamang talento at karunungan ang kailangan para mabuhay sa industriyang ito. Walang wala si Ye Bai noong iniwan niya ang Worldwide. Malaking babala na sa kanyang kapalaran noong lumayo kasama niya sila Luo Chen at Gong Xu na mga artista na hawak noon ng Worldwide.

Lumakas ang loob ni Cai Yong Sheng habang pinapanood niya ang artistang hawak niya na pabalik na sa kanyang upuan. Walang bahala niyang tiningnan ang direksyon kung saan nakaupo si Ye Wan Wan at ang grupo niya.


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C1155
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ