ดาวน์โหลดแอป

บท 1003: Hindi makalubay

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

"Sss--"

Sa sobrang bilib ni Gong Xu sa kanyang pag-arte, bigla siyang nakaramdam ng kilabot sa kanyang likod.

Gayunpaman, hindi nagbigay atensyon si Gong Xu doon at masayang lumapit kay Ye Wan Wan para mapuri.

"Brother Ye, Brother Ye, nakita mo? Hindi ba nararapat ng Best Actor ang pag-arte ko?"

"Hindi na masama, magaling!" puno ng kabaitang panlola ang mukha ni Ye Wan Wan nang hindi nilalahad ang tunay na nararamdaman.

Mabilis na nagyabang si Gong Xu. "Hahaha, Luo Chen, huwag kang mag-alalang sundan ako! Sa kakayahan ko, paniguradong mapapanalo ko ang pusta!"

Luo Chen: "..." hindi akomakalubay, pwede ba...

Emperor Sky Entertainment, sa opisina ng general manager:

Sa pag-aasikaso sa insidente ni Tan Zhenxin, pagod na pagod si Ye Yiyi sa mga paghingi ng pasensya at pag-asikaso sa media.

Dahil nailabas na ang katotohanan, walang magawa ang Emperor Sky Entertainment kung hindi ang humingi ng pasensya sa publiko, i-anunsyo na matitigil na ang pag-shoot ng pelikula, at bigyan ng nararapat na bayad si Xu Lin.

Nagdulot ng malaking pinsala sa kanila ang pagtapos ng shooting ng pelikula, dahil sa lahat ng promosyon at mga paghanda sa shooting na ginawa nila ay nauwe lang lahat sa wala.

Sa simula, natantya nila na kapaki-pakinabang ang pelikula. Ngayon, hindi lang sa hindi sila nakakuha ng isang sentimo, pero nawalan din sila ng malaking kabuuan ng pera.

"Masyado ako naging pabaya at hindi inaasahan na mahuhulog ako sa bitag ni Ye Mu Fan…" pagsisi ni Ye Yiyi sa kanyang sarili.

Niyakap ni Gu Yue Ze ang pihikan niyang katawan at marahang inaliw. "Yiyi, 'wag mong sisihin sarili mo. Pera lang 'yan. Wala iyan sa Emperor Sky. Para naman sa reputasyon, si Tan Zhenxin ang nagnakaw sa script; hindi nila tayo masisisi sa ating pagkalingat. Hindi ito magkakaroon ng malaking epekto sa atin."

Nagdilim ang mga mata ni Ye Yiyi, "Pero, nasa kamay na ni Ye Mu Fan 'yung script…"

Napunta sa kamay ng kalaban ang maganda script na pinagsikapan niya pinili, at tinulungan ang kalaban na i-promote ito ng libre. Paano siya magiging masaya doon?

Hindi nababahala si Gu Yue Ze, "Nang binigay ni Xu Lin sa kanila ang script, isa sa mga pangangailan doon ay maging tapat sa script. At nakita mo ang orihinal na script."

"Kung hindi iyon nabago, tingin mo ba matatanggap ng lahat ang nakakalungkot at nakakasakal na plot malapit sa dulo at isang trahedyang wakas? Hindi alam ng bulagsak na young master na tulad ni Ye Mu Fan ang kasalukuyang market ng pelikula. Sa lalong madaling panahon, malalaman niya na hindi ito ang karerang matatagumpay niya dahil lang sa gusto niya. 'Wag kang mag-alala! Inimbita ko na ang top producer, na si Rong Junwei, para bumalik at gumawa ng remake sa pelikulang nagpasikat sa kanya, ang 'That Summer'!"

Nang marinig ni Ye Yiyi ang pangalan ni Rong Junwei, napuno ng gulat at saya ang mukha niya. Siya ang hari ng box office at ang ninong ng mga idol drama; nakamit niya din ang milagro sa box office.

Puno ng paghanga ang pagtingin ni Ye Yiyi ang lalaking nasa harap niya at makiring sumandal sa mga braso nito. "Yue Ze, buti na lang kasama kita. Baka hindi ko na alam ang gagawin ko…"

Nagpatuloy si Ye Yiyi, "Yue Ze, kahit na pansamantalang general manager ka ngayon, matanda na si lolo, at si papa… kilala mo naman siya. Wala siyang masyadong karanasan sa management at talagang umasa sa mga mamahaling tao na kinuha ni lolo mula sa ibang bansa para ayusin ang mga bagay para sa kanya. Anak lang ang nag-iisang anak ni papa, kaya sa huli, kailangan umasa sa 'yo ang pamilya namin…"

Sa ibang salita, mapapasa-kanya ang mga Ye sa hinaharap, ibig sabihin lang nito ay mapupunta ito sa manugang, na si Gu Yue Ze.

Kumislap ang mga mata ni Gu Yue Ze, at marahan niyang sinabi, "Yiyi, 'wag kang mag-alala. Ang trabaho mo ay trabaho ko. Kahit na pansamantalang manager lang ako, gagawin ko ang makakaya ko. Iwan mo lang ang lahat sa akin. Mag-antay ka na lang na maging asawa kita!


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C1003
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ