Pinindot muna ng lalaki ang litrato. Nang makita niya ang litrato, siya ay natigil. "Madam! Tignan mo dali!"
Wala sa mood tinignan ng babae ang litatro, pero ng masulyapan ito, nagbago ang kanyang reaksyon. Kaagad niyang hinablot ang telepono mula sa kanyang asawa. "Ito… ito ang ating Tangtang?"
Sa may litrato ay ang kanilang munting darling na nakasuot ng mabalahibo, na cartoon panjamas. Siya ay nagpapakita ng isang puso sa camera sa maliit na kamay. Ito ay napaka-cute at nakakabagbag-damdamin.
Hindi pa niya nakikita ang kanilan darling na sobrang cute at mukhang bata noon...
Emosyonal na sumagot ang lalaking naka-grey na rob, "si Tangtang iyan, diba!"
Tinrato ng babae ang telepono na para bang isa itong bata habang paulit-ulit na nakatitig sa may telepono. Hindi makapaniwala ang kanyang itsura ng siya ay bumulong, "si Tangtang talga ito…"
"Madam, ngayon madali ka ng makapagpahinga. Sa pagtingin dito, tila maayos na siya. Ang bata natin ay tila mayroong isang desenteng taga pag-alaga ngayon," sinuyo siya ng lalaki.
Ang tingin ng babae ay hindi naalis sa may litrato habang siya ay nagmadaling nagtanong, "mayroon pa bang ibang mga litrato?"
"Mayroon pang isa diyan…"
Hindi na sumagot ang babae at kaagad nabinuksan ang isa pang litrato.
Tanging isa na lang ang litrato. Gayunpaman, ito ay isang group photo. Maliban kay Tangtang, mayroon ding isang batang babae sa may litrato.
Ang babae ay nakaupo sa sofa kasama si Tangtang, masayang nakatingin sa may camera habang bumubuo ng puso kasama si Tangtang.
"Ito…" ng tignan ng babae ang litrato, siya ay nagulat saka nagsimulang mamula ang kanyang mga mata. "Worriless… ito si Worriless!"
Ang itsura ng lalaki ay na balit ng pagkagulat, pero siya ay kaagad na kumalma, "ito ang babae na sinasabi sakin ng anak natin noon, ang babaeng nahanap niya upang gayahin si Worriless."
Matapos ang paghahanap para sa kanilang anak na babae sa buong taon, sila ay nabigo ng madaming beses. Wala na silang pag-asang pinanghahawakang pa.
Direktang tinignan ng ginang ang batang babae sa litrato. "Ngunit bakit ng tignan ko ang batang ito, parang siya ang aking Worriless? Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito noon…"
Hinawakan ng lalaki ang braso ng kanyang asawa at tinapik siya sa kanyang balikat. "Kung siya si Worriless, walang paraan para hindi natin siya mahanap noon. Madam, nararamdaman mo lang ito dahil na mi-miss mo na ng sobra si Worriless!"
Pinikit ng babae ang kanyang mga mata, tinatago ang kawalan ng pag-asa sa kanila.
Bumuntong-hininga ang lalaking nakasuot ng grey na robe, at gumit ang isang malamig sa kanyang tingin. "Sa totoo lang, gandang balita ang kawalan ng balita kay Worriless… kapag bumalik si Worriless, na alam ang sitwasyon sa kabila, siguradong hindi sila mananatiling naka-upo saka lalo siyang mapapahawak…"
…
China, Little House of Rose.
Umaga ng sumunod na araw.
Matapos ang pangyayari kagabi, gusto na lang ni Ye Wan Wan na manatili sa bahay upang samahan si Tangtang. Gayunpaman, mayroon siyang screening ng "A Life ang Death Struggle" ngayon, kaya kailangan niyang magtrabaho.
Ngunit hindi niya din matiis na iwan mag-isa si Tangtang sa bahay.
Matapos mag isip-isip, napagdesisyonan niyang isama si Tangtan upang makita ang production team.
Tungkol sa kanyang pananamit bilang lalaki, naipaliwanag na niya ito kay Tangtang nung gabi. Sa una, akala niya na kailanga niyang ipaliwanag ito sa maraming paraan upang maintindihan niya ito, ngunit ang lebel ng pagkakaintindi ni Tangtang ay napakataas. Kauntoi lang ang kailangan niyang ipaliwanag bago niya ito maintindihan, at alam na rin niya na kapag siya ay nagpanggap na bilang isang lalaki, kailangan niya makipagtulungan sa kanya sa pamamagitan ng hindi pagtawag sa kanya ng Mama.
Mas maasahan siya kaysa sa kanyang tito sa ngayon!
Kaya ito ang dahilan kung bakit hindi nag-aalala si Ye Wan Wan na isama si Tangtang.
Kaya naman, sa huli napagdesisyonan niyang isama si Tangtang sa kanya.
"Baby, hintayin mo si mama sa kotse. May naiwan lang si mama!"
"Okay." masunuring tumango ang munting ito.
Hindi nagtagal si Ye Wan Wan bago ang kanyang telepono, na nasa kotse, ay tumunog.
Tumingin si Nie Tangxiao sa may telepeno at nakita ang caller ID sa screeen na nakalagay: "Most Beloved Darling"...