ดาวน์โหลดแอป
26.81% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 608: Mayroon ng boyfriend?

บท 608: Mayroon ng boyfriend?

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Gusto din ni Ye Mu Fan na pilian siya ng mga damit, bilhan ng mga damit, at pati ang pagdisenyo ng magandang customized na bistida at gown para sa kanya.

Matapos na mapagdaanan ni Ye Wan Wan ang nakakatakot na pag-atake, tumaba siya sa nakaraang dalawang taon at halos lahat ng damit niya ay pinili ni Ye Mu Fan base sa kanyang pigura at laki. Kahit na tumaba siya, naging maayos pa din siyang tignan at hindi niya naramdamang mahina siya dahil sa bigat niya...

"Ge... [1]"

Nang marinig ang boses ni Ye Wan Wan, nanigas ang likod ni Ye Mu Fan at dahan-dahang tumalikod para tignan siya.

Nakita niya ang isang babae na nakatali at nakasuot ng asul na bistida. Elegante siyang nakatayo do'n na para bang isang lotus na bulaklak, na nakakasilaw sa kanyang mata.

Ito ang unang beses na nagkita sila simula noong birthday banquet ng lolo nila.

Alam lagi ni Ye Mu Fan na maganda ang kapatid niya. Kahit na tumaba siya, hindi maitatago ang maganda niyang itsura, pero hindi niya alam na ganito siya kaganda.

Nagulat siya nang makita si Ye Wan Wan sa banquet no'ng araw na 'yon, pero ang babae na nasa harap niya ngayon ay mas masaya at masigla kumpara noon.

Para bang isang bulaklak na puno ng hamog at araw.

Kumpara sa nakakasindak at kakaibang istilo niyang pananamit noon, pati na din ang paghabol niya kay Gu Yu Ze, para bang magkaibang tao ang mga 'yon ngayon.

Sa una, hindi naniniwala si Ye Mu Fan na nagbago na si Ye Wan Wan, pero matapos ang mahabang panahon, kailangan niyang maniwala na kakaiba na talaga si Ye Wan Wan ngayon.

Biglang hindi alam ni Ye Wan Wan ang sasabihin at 'di rin nagtagal, nagsalita na siya. "Hinahanap mo 'ko?"

Matagal ding napatahimik si Ye Mu Fan bago sumagot: "Narinig ko kay mama at papa na mag kinikita ka ngayon?"

"Tama. Sinabi ko na 'yon no'ng araw ng banquet, nang sinabi kong hindi na tuloy ang engagement kay Gu Yue Ze. May iba na 'kong mahal."

May narinig siguro si Ye Mu Fan mula kay Liang Wan Jun at Ye Shao Ting at bahagyang nangasim ang mukha niya. "Kailan ka ba titigil sa pumunta sa mga lalaking may itsura lang? Nagtatrabaho siya sa Si Corporation at Si din ang apilyedo niya - hindi naman siguro simple ang background niya. Tsaka, ang panget mo noon, kaya bakit naman siya magkakaroon ng relasyon sa 'yo? Bakit naman siya magiging tapat at hindi ka iiwan? Naniniwala ka sa mga pinagsasabi niya, huh? Sabi niya na nagtatrabaho siya sa Si Corporation, pero totoo ba?"

Kalmado si Ye Wan Wan. "Alam ko ang ginagawa ko."

Nangutya si Ye Mu Fan. "Ano bang alam mo? Hindi ka ba napapagod na laging kang napag-sisinungalingan?"

Napilitan si Ye Wan Wan na pigilan ang galit niya at malamig na tinignan si Ye Mu Fan. "Tsk, mas magaling naman ako - nakabalik ako sa tamang landas, pero ikaw? Minamanipula at kinokontrol ka pa din ni Shen Meng Qi! Bakit naman magkakaroon ng relasyon si Shen Meng Qi sa 'yo at hindi ka iiwan? Naniniwala ka sa sinasabi niya, huh?"

"Ikaw…" walang masabi si Ye Mu Fan at pabalik na sumigaw, "'Wag mong ikumpara si Shen Meng Qi sa kung sinong tao! Hindi ako nandito para mikapag-away sa 'yo; may importante akong sasabihin. Tanungin kita - nagtatrabaho ka ba sa Dazzling Media?"

"Ano, may problema ba?"

"Mag-resign ka na agad," sabi ni Ye Mu Fan.

"Anong rason?"

Nabalisa si Ye Mu Fan. "Rason - kailangan ba ng rason? Hindi mo ba alam na ang Dazzling Media ang kalaban ng Assembly of Stars Entertainment? Sinusubukan nilang pabagsakin ang Assembly of Stars Entertainment kahit saan at hinahadlangan sila! Pero nagtatrabaho ka pa din sa Dazzling - anong ibig sabihin nito?"

Tsk, paanong hindi ko malalaman?

Simula nang maging direktor ng talent recruitment si Ye Wan Wan, siya ang palihim na nagpapabagsak sa Assembly of Stars Entertainment at inaagaw ang mga mapagkukunan nila.


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C608
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ