ดาวน์โหลดแอป

บท 214: Mukhang tanga

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Xu Yi ang kanyang master, ang master niyang nagmalaki na mataas ang standards sabay napatingin siya sa natutulirong katabi niya na si Ye Wan Wan na walang masabi.

At sa puntong iyon, naintindihan na ni Xu Yi ang sinabi ni Liu Ying, na ang standard ni Si Ye Han sa kanyang girlfriend ay walang kapantay.

"May tanong ka pa?" Taning ni Si Ye Han.

Iniling ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo, "Wala… salamat sa paghatid ng coat sa akin… at saka yung gloves… na may cute na maliit na tigre sa taas… ikaw pumili nito?"

Si Ye Han: "Si Xu Yi ang naghanda niyan."

Xu Yi: "..."

Master! Makonsensya ka sana sa susunod na sasabihin mo yun!

Oo, hinanda ko iyon pero marami na rin akong hinandang pares nito para sayo, pero dito ka natuwa sa gloves na may puting tigre? Oo na!

"Ah…" Tumango si Ye Wan Wan at napatanong, "Nasa bahay pa ba si Great White?"

"Oo," sagot ni Si Ye Han.

Nanigas si Xu Yi nang marinig niya ang sagot ni Si Ye Han.

Paano siya makakauwi?! Hindi ko pa nga siya mahanap!

Nalugod si Ye Wan Wan, "Magsisimula na ang klase kaya babalik na ako. Ingat kayo sa pagmaneho!"

Pagkaalis ni Ye Wan Wan, kinakabahang humarap si Xu Yi kay Si Ye Han, "Master, si Si Lu Te…"

"May isang araw ka pa," sumabat si Si Ye Han.

Nagulat si Xu Yi. Umuulan ng iyak sa kanyang puso at sinabi niya na lamang, "Mahahanap ko si Si Lu Te bukas, bago makauwi sa atin si Miss Ye."

Kaya pala inutusan niya kong hanapin si Si Lu Te--- pinapasaya niya ang kanyang mahal sa buhay!

Kaso mahirap man aminin, pero nagmumukha nang tanga si master , huhuhu...

...

Kinabukasan pagkatapos ng klase:

Pagkatapos mag impake ni Ye Wan Wan at mamaalam kay Jiang Yan Ran.

"Okay lang ba sayo na mag-isa kang titira dito? Bakit hindi ka mag apply na lumipat sa ibang dormitoryo?" Nag suggest si Ye Wan Wan.

Tumango si Jiang Yan Ran, "Okay lang, malapit naman na yung college entrance exma. Makakapag-focus ako sa pag-aaral ko ng tahimik!"

Kahit pa mataas ang quality ng pagtuturo sa Qing He kumpara sa ibang mga private schools, halos magkaiba ang sistema ng mga estudyante sa normal na highschool kumpara sa sistema ng mga estudyante nila. Dahil marami sa kanilang mga estudyante ay mag-aaral abroad pagtapos ng college entrance exams, kaya wala silang pakialam sa magiging resulta nito-- sa mga oras na iyon, ang pinag-uusapan lang ng mga babae ay mga damit at makeup.

Gayunpaman, dahil iisa lang na anak si Jiang Yan Ran. Hindi kakayanin ng mga magulang niya ang lungkot kapag lumayo siya sa kanila, kaya naghahanda siyang mag-apply sa local college.

Noon, wala pa siyang napipiling pag aplayan na eskwelahan, pero dahil matagal silang nagsama ni Ye Wan Wan, naisip niya na mag-apply sa performance program ng Imperial City Media College.

Nakakapanibago dahil nagpupursigi siya dahil gusto niyang makatrabaho si Wan Wan sa hinaharap.

At dahil malaki ang impluwensiya ng magulang niya simula pa noong bata siya, hindi siya nag-aalala sa kanyang professional course sa performance pero kailangan niyang paghirapan sa kanyang cultural course.

Narinig niya na iniisip ni Ye Wan Wan na mag-major ng media relations sa Imperial Media.

Ang Imperial Films at Imperial Media ang pinakamagandang film at media na unibersidad sa China-- sila ang pinapangarap ng bawat media students at sila rin ang ivory tower at pinanggagalingan ng prestige sa ibat-ibang fields at industries.

Alam ng lahat ang nakakatakot na cut-off ng Imperial sa mga hindi arts major, kaparehas din ito ng cut-off ng Imperial Films. Para ito kay Ye Wan Wan na gustong mag-apply sa media relations major.

Kahit pa hindi mababa ang mga grado ni Ye Wan Wan sa ngayon, sobrang hinihila pababa ng math ang kanyang overall grade. Mahihirapan siya kung gusto niya talagang makapasok sa Imperial Media...

"Kung uuwi ka Wan Wan, bakit hindi mo subukang mag-apply ng math tutoring classes tuwing gabi? Malalang problema ang grado mo sa math!" Nag-alalang tanong ni Jiang Yan Ran.

Winagayway ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at sumagot, "Wag kang mag-alala. Nag-apply na ako para doon! Magaling ang magiging math teacher ko!"


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C214
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ