Nang sandaling iyon, pinagpawisan ng malamig si Ye Wan Wan. Sa puntong iyon, sinaktan niya ang kanyang kalaban ng walong daang beses ngunit mas nasaktan siya ng libo-libong beses!
Sinunggaban na niya si Si Ye Han at kailangan na lang niyang panindigan ang ginawa niya. Nangyari na ang nangyari wala nang magagawa pa dito.
Sumandal si Ye Wan Wan sa dibdib ni Si Ye Han na para ba siyang napabayaang babae "Ang tagal ko nang nandito pero hindi mo padin ako pinapansin. Ano bang maganda sa pinapanuod mo? Magdamag ka na lang nakatingin diyan; mas maganda ba iyan kesa sa akin? Sino ba ang mas maganda ako o iyan?"
Ito talaga ang mga salita ng isang trouble making beauty.
Natatakpan man sila ng divider ngunit hindi ang kanilang boses. Malamang halos mamatay na sa inis si Liu Ying nang marinig niya iyon.
Na tila ba parang bang naririnig niya ang nangngangalit na ipin sa harapan.
Sa totoo lang, tama si Ye Wan Wan.
Nakabunot na ang espada na laging dala dala ni Liu Ying, "Demonyo talaga ang babaeng iyon!!!"
Kahit na pati ang mga salita na kaniyang sinabi ay eksakto sa mga iniisip ni Ye Wan Wan.
Pinigilan agad ni Xu Yi si Liu Ying, at hininaan ang kaniyang boses, "ibaba mo iyan! Hindi ito ang unang beses mong nalaman ang tungkol dito--bakit hanggang ngayon padalos dalos ka padin?! Paano kung marinig ka ni master?! Gusto mo bang mamatay?"
Tila nagliliyab na ang buhok sa galit ng teenager na katabi ni Xu Yi. paano niya ito mapipigilan? "Ang weird ng babaeng ito kamakailan lang; halata naman na may masama siyang binabalak. Bakit ba napaka bulag ni master, hindi man lang siya nag iingat sa kaniya?"
Dali daling sinabihan ni Xu Yi si Liu Ying, " isa lang siyang pilyong bata, ano bang pinsala ang kaya niyang gawin? Wag ka nga mag alala!"
"Tsk, ano ang kaya niyang gawin? Sinadya niyang gawin iyan ngayon! Sinadya niya iyon para makita ko! Upang pag awayin kaming dalawa ng 9th master!" pangungutya ni Liu Ying.
"Ano ba ang ibig mong sabihin? Wag mo sabihin na parang siya ang karibal mo, sa ano mang kalagayan, kumalma ka lang. Kung demonyo siya, sa tingin mo ba tanga ang ating master? Ano bang klaseng tao ang tingin mo sa kanya? Sabi ni Xu Yi.
Nang marinig ito, ang galit ni Liu Ying ay biglang nawala.
Paano siya naging tanga?! Matapos ang lahat, para sa kaniya isang perpektong diyos paadin si Si Ye Han.
Gayun pa man, sa mga sandaling natapos na mag salita si Xu Yi, narinig nilang dalawa ang malalim na boses ng kanilang master na nasa likuran, "Ikaw ang pinaka maganda."
Liu Ying: "..."
Xu Yi: "..."
Hindi pa natapos si Ye Wan Wan, marahil dahil nakita niya na hindi nagalit si Si Ye Han kaya siya ay nag lakas loob ulit.
Tumingin si Ye Wan Wan sa may harapan ng sasakyan at nagpatuloy na tanungin si Si Ye Han, "paano kung isang araw… nahulog si Liu Ying at ako sa ilog, sino ang una mong sasagipin?"
Liu Ying: "..."
Xu Yi: "..."
Uwaaagh! Ano bang klaseng tanong iyan? Mapapaluhod ako kay Ye Wan Wan dahil sa kaniyang tapang!
Hindi ko maisip na mas nakakatakot pala ang babaeng ito kapag mabait kay master kesa sa hindi pag sunod at nagdudulot ng gulo!
Tahimik ang kapaligiran. Matapos ang katahimikan, ang boses ng lalaki ay narinig sa harapan, "ikaw ang ililigtas ko."
Liu ying: "..." Nasaan ang kutsilyo ko!!!
Xu Yi: "..."
Sa mga sandaling iyon, ang itsura ni Liu Ying ay katulad sa dumadaing na asawa at nakikita ni Xu Yi ang poot ng maitim na ulap na nasa taas ng ulo ni Xu Yi.
Agad na pinansin ni Xu Yi si Liu Ying, dahil sa takot na baka hindi makapag pigil si Liu Ying at mapatay niya pa si Ye Wan Wan. "Liu Ying! Ibaba mo na ang iyong kutsilyo, pakiusap kumalma ka! Mahal ka pa din ng master! Sinabi lang iyon ng master dahil kaya mo namang lumangoy at hindi mo na kailangan ng tulong niya! Wag natin ibaba ang ating sarili sa lebel ng munting demonyong iyan! Meron dapat tayong dignidad! Magkaroon ka ng dignidad!"
Abala si Xu Yi na kausapin si Liu Ying ngunit tila ba napansin niyang may pagka weird ang tono niya… na parang nanunuyo siya ng isang nagseselos.