ดาวน์โหลดแอป
6.83% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 155: Umaapoy sa sobrang galit

บท 155: Umaapoy sa sobrang galit

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Nagagalak si Song Zi Hang pag tinitingnan siya ni Shen Meng Qi, dahil dito sobra-sobra niyang pinupuri si Shen Meng Qi, "Wag na nating pag-usapan ang babaeng iyon, ano naman siya kumpara sayo? Ako ang kaisa-isang anak ng tatay ko at totoo na ako ang magmamana ng kayamanan ng pamilya namin. Kapag nangyari na iyon, ibibigay ko ang pinakamagandang buhay sayo!"

"Zi Hang…" nabigla si Shen Meng Qi, "Wala akong pakialam sa kung ano man, ikaw lang ang kailangan ko basta kasama kita!"

Habang nag-lo-loving ang dalawa, nag-ring ang phone ni Song Zi Hang.

Lumiwanag ang mukha ni Song Zi Hang nang makita niya kung sino ang tumatawag, "Tumatawag si dad, sasabihin niya na siguro ang magandang balita!"

Nasabik si Shen Meng Qi sa narinig niya.

"Hello, dad?" mabilis niyang sinagot ang tawag.

"Zi Hang, pumunta ka dito ngayon din!" ang kalamadong boses ni daddy song ang sumagot.

Sa sobrang tuwa ni Song Zi Hang dahil sa makukuha niya ang palasyo nila at napasa-kanya na ang magandang babae, hindi niya napansin ang pag-iba ng boses ng tatay niya, "Osige, babalik na ko ngayon din!"

Pagkababa niya ng tawag, sinabi ni Song Zi Hang kay Shen Meng Qi, "Meng Qi, gusto akong pabalikin ni daddy sa kanila. May celebration party siguro!"

"Bilisan at pumunta ka na doon!" Masaya ang mukha ni Shen Meng Qi, ngunit hindi niya alam na pumusta siya sa maling kabayo.

Hinawakan ni Song Zi Hang ang manipis na kamay ng babae, "Meng Qi, sasabihin ko sa magulang ko na tayo na at dadalhin kita sa bahay balang araw!"

...

Nagmadaling umuwi si Song Zi Hang.

"Dad! Congrats! Magkakaroon ba tayo ng celebration mamayang gabi?" Mataas ang emosyon na binuksan ni Song Zi Hang ang kanilang pintuan.

But then he was hit on the head by a teacup the moment he stepped in. "Bastard!"

Ngunit hinampas ng teacup ang ulo niya pagka-pasok na pagka-pasok niya. "G*go!"

Sumakit ang ulo ni Song Zi Hang nang maramdaman niya na parang sumabog ang utal niya, "Aray! Baliw ka dad!"

Nawasak ang puso ni Mrs Song nang makita na hinampas ang kaniyang anak. Kumuha siyang bimpo at ipinunas sa sugat, "Old Song! Pwede mo ba siyang kausapin ng maayos?! Kailangan bang manakit pa?!"

"Kausapin ng maayos? Bakit mo ko inuutusan na kausapin siya ng maayos?!" Namumula sa galit ang mukha ni Mr Song.

"Mom? Anong nangyari? Hindi ba araw ng bidding ngayon? Dad, bakit ka galit na galit ka at sinapak mo ko nang kakauwi ko lang?! Anak mo ba talaga ako?" Galit na sumagot si Song Zi Hang.

Tinakpan ni Mrs Song ang bunganga ng kanyang anak na parang may nagawa siyang ilegal, "Wag mo nang tanungin pa ang tungkol sa bid! Noong una, nangako ang Jiangs na ibibigay nila ang hundred million bago magsimula ang bid. Hindi ko inakala na hindi nila nilipat ang pera at sumama pa ng bid para kalabanin tayo. Sa huli… napunta ang proyekto sa kamay ng Jiang family.."

Mabilis na ang-iba ang ekspresyon ni Song Zi Hang at galit na galit siyang nagsisi-sigaw, "Anong sinabi mo mom?! Kumilos ang Jiang ayon sa masamang balak nila--paano mangyayari iyon?! Sa atin dapat ang proyekto!"

Nagpatuloy si Mrs Song ng seryoso ang boses, "Hindi ito ang pinaka-malala. Dahil magiging magkamag-anak ang pamilya natin sa magiging kasal niyo, okay lang sana na hindi sila nagtiwala sa pamilya naten at kinuha ang deal sa proyekto. Malapit naman na sana tayong maging pamilya dahil magiging asawa mo ang iisang anak ng Jiang family.

Ngunit, pagtapos ng bidding, inanunsyo ni Jiang Hai Chao na kinansela na ang engagement ng dalawa nating pamilya sa harap ng madaming tao at tinanggal na din ang ugnayan ng pamilya naten sa kanila. Nasira ang lahat ng kolaborasyon ng pamilya natin sa kanila ng isang gabi lang!"

Hindi makapaniwala si Song Zi Hang, "Anong sinabi mo Mom?! Tinigil nila ang kasal? Bakit naman nila ititigil ng ganun lang? Anong tingin nila satin? Tinapos tayo na parang walang halaga sa kanila? Sumosobra na sila! Hindi natin pwedeng hayaan lang ito!"


Load failed, please RETRY

ของขวัญ

ของขวัญ -- ได้รับของขวัญแล้ว

    สถานะพลังงานรายสัปดาห์

    Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
    Stone -- หินพลัง

    ป้ายปลดล็อกตอน

    สารบัญ

    ตัวเลือกแสดง

    พื้นหลัง

    แบบอักษร

    ขนาด

    ความคิดเห็นต่อตอน

    เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C155
    ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
    • คุณภาพของการแปล
    • ความเสถียรของการอัปเดต
    • การดำเนินเรื่อง
    • กาสร้างตัวละคร
    • พื้นหลังโลก

    คะแนนรวม 0.0

    รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
    โหวตด้วย Power Stone
    Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
    Stone -- หินพลัง
    รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
    เคล็ดลับข้อผิดพลาด

    รายงานการล่วงละเมิด

    ความคิดเห็นย่อหน้า

    เข้า สู่ ระบบ