Nang marinig niya ang maalagang tono ni Ye Wan Wan, sumigla ang puso ni Jiang Yan Ran at napangiti ito, "Ngayon ko lang napansin na ang talino mo pala!"
Ni hindi man lang alam ni Shen Meng Qi na naloko na siya at akala niya talaga na walang alam si Ye Wan Wan!
"Salamat~ Uy! Tignan mo! Si Chu Feng!" Nahagip ng mata ni Ye Wan Wan ang gwapong lalaki na naglalakad palabas sa rest area.
Nakita niya ang lalaki na naka-asul at puting basketball jersey na may natural na kulot, maiksi, at dark brown na buhok at may headband sa kanyang noo; kita mo ang kanyang muscles pero hindi ito ganoon kalaki, at ang kanyang itsura ay hindi makaraniwang kahanga-hanga sa grupo ng mga lalaki.
"Ah ah ah! Si Chu Feng! Yun si senior Chu Feng!"
"Sobrang gwapo talaga ni senior Chu Feng!"
Ang mga junior sa mas mababang antas ay hindi na napigilan ang sarili nila at naghiyawan na agad; kahit ang ilang mga babae sa Qing He ay naghihiyawan din.
Sa basketball team ng Jin Xiu, hindi sumikat si Chu Feng dahil sa galing niyang mag-basketball--baguhan lang siya sa basketball pero siya ang pinaka-gwapo sa buong team!
Gayunpaman, kumpara sa normal na pagiging masayahin nito, ibang-iba ang awra niya ngayon.
Matalim ang mga tingin ng lalaki at seryosong naglakad patungo sa kanyang team. Dahil sa kakaiba ang niyang itsura ngayon, naghiyawan ang lahat ng mga babae.
Pupurihin na din sana ni Ye Wan Wan si Chu Feng, mukhang maayos naman ang lalaki pero... bigla nalang siyang nataranta at muntik nang nadapa...
"Uh..."
Sigurado si Ye Wan Wan na nung nadapa si Chu Feng, sumulyap siya kung nasaan si Jiang Yan Ran.
"Masyadong mahina ang concentration mo, boy!" paghinagpis ni Ye Wan Wan, "Muntik ka nang madapa sa isang tingin lang--paano ka maglalaro sa laban niyan mamaya?"
Natawa nalang ang mga manonood at nagalak pang sinabi, "Galingan mo Chu Feng." medyo cute kasi ang pagkatisod ng hunk.
Tinignan ni Jiang Yan Ran ang lalaking nahihiyang kinakamot ang kanyang batok sa court, at may pagkagulat pa ang itsura niya.
Kahit na napag-desisyunan niya bigyan ito ng chance, dahil sa kalagayan niya ngayon, hindi niya kayang pumasok sa isang relasyon na lang agad. Gayunpaman, nang nakita niya ang nahihiyang itsura ng lalaki, hindi siya mukhang kasuklam-suklam tulad ng iniisip niya.
Nang nakatingin si Jiang Yan Ran sa direksyon ni Chu Feng, nakaramdam siya na para bang may nakatingin sa kanya, at nakita niya ang nakatitig na si Song Zi Hang sa kanya.
Si Song Zi Hang… nakatingin sa 'kin?
Baka imahinasyon ko lang. Baka kay Shen Meng Qi siya nakatingin ngayon lang?
Napansin ni Ye Wan Wan ang pagtingin ni Jiang Yan Ran kay Song Zi Hang at mabilis na pinaalala nito, "Saan ka nakatingin, babe? Simula ngayon, dapat nakatingin ka lang kay Chu Feng; hindi ka pwedeng tumingin kay Song Zi Hang, tandaan mo 'yan!"
Nagising ang diwa ni Jiang Yan Ran at tumango ito, "Yup!"
Mula doon sa upuan nila, nakita ni Ye Wan Wan na nakapalibot ang teammates ni Song Zi Hang at inaasar pa ito. Papalit-palit ng tingin ang grupo ng mga lalaki kina Shen Meng Qi at Jiang Yan Ran.
"Boss! Ang swerte mo naman sa pag-ibig! May dalawa kang magandang babae para suportahan ka at pinagtatalunan ka pa!"
"Nakakainggit naman! Mayroon ka pa namang isa kapag binigay mo yung isa sa 'kin!"
"Seryosong usapan, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ni Jiang Yan Ran; ang ganda din ng hugis niya! Tingin ko pareho lang sila ni Shen Meng Qi! Boss, ayaw mo talaga pag-isipan 'to?"
"Heh heh, ingatan mo silang dalawa, boss!"
…
Sinong lalaki ang may ayaw ng atensyon ng mga naggagandahang babae? Dahil sa sinabi ng mga teammate ni Song Zi Hang, lumaki ang kanyang ego at nakita niya pa na mas naging kasiya-siyang tignan si Jiang Yan Ran. Kaya naman, napakaganda ni Jiang Yan Ran ngayon.
Mukhang kuntento ang itsura ni Song Zi Hang at sabing, "Alright, 'wag na tayong magbiruan, mag-uumpisa na yung laban! Kailangan natin manalo ngayon! Got it?"
"Got it!!!"
Habang abala si Song Zi Hang sa pagpapasigla ng kanyang teammates, hindi niya napansin ang masamang tingin na galing sa Jin Xiu team.