Sa isang kisapmata, lumipas na agad ang tatlong araw.
Sa tatlong araw na iyon, nilaan ni Ye Wan Wan ang kanyang oras sa pagtulog at pagmumuni-muni ng kanyang mga ala-ala noong kanyang previous life.
Walanga pinagkaiba si Si Ye Han sa kanyang buhay dati. Sa buong tatlong araw, hindi man lang siya nagpakita. Lahat ng mga katulong sa bahay ay abala sa kanilang mga trabaho at minsan lang siyang kinakausap ng mga ito. Hindi man lang nila magawang makipag-eye contact sa dalaga.
Napakalaking bahay nga nito ngunit para naman itong sementeryo.
Nagpalit ng pangtulog si Ye Wan Wan at tumingin sa orasan. Agad siyang nagtungo sa bakuran.
Ang ganda ng liwanag ng buwan na may kasamang payapang simoy ng hangin na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa nakakatakot na ala-ala kung saan siya nakakulong.
May magandang tanawin sa bakuran na ito. Sa bagay, ito ay dinesenyo mismo ni Si Ye Han.
Ang nakakalungkot lang ay noong una niyang buhay, hindi niya ito na-appreciate. Kinamuhian niya pa itong kulungan at ninais na lamang sirain.
Nakikita niya ang isang malaki at nasunog na patch ng damo, isang sinadyang ginupit na flowerbed at isang maduming tubigan… ito ang kanyang mga "obra maestra".
"Wan Wan——"
Isang pamilyar na boses ang biglang nangibabaw sa hangin ng gabing iyon.
Tumingala si Ye Wan Wan mula sa lantang rosas papunta sa direksyon ng boses.
Sa ilalim ng mapusyaw na liwanag, nakikita niya ang isang lalaking may suot na mamahalin at marangyang suit. Ang lalaki ay kaakit-akit at… classy.
Inaamin niya, nabihag siya ni Gu Yue Ze.
Si Ye Han, ang demonyong 'yon, ay walang wala kumpara sa lalaking ito.
Ilang hakbang ang layo ni Gu Yue Ze sa dalaga at sumimangot.
Pansin ni Ye Wan Wan ang kanyang subtle na reaksyon, kaya tinignan niya ang kanyang suot.
Sa pagkakataong iyon, suot pa rin niya ang kanyang heavy metal na pananamit, na may makapal at magulong makeup sa mukha.
Dahil ang kanyang damitan ay walang regular na damit, inisip niya na panatilihin na lang ang kanyang old image.
Tinitigan siya nang walang sigla at may halong disappointment ni Gu Yue Ze, "Wan Wan! Paano mo nagawang i-degradde ang sarili mo ng ganito?"
Dinegrade ko ang sarili ko?
Nilasap niya ang mga salitang ito at pinagtawanan ang sarili.
Sa kanyang previous life, binigay niya ang kanyang buong puso sa lalaki. Para mapatunayan ang kanyang katapatan kay Si Ye Han, nagdamit siya ng kakaiba at nakakainis.
Ngunit sa dulo, ang nakuha niya lang dito ay sinabihan siya na dinegrade niya ang kanyang sarili.
Alam niyang sinisiraan siya ni Shen Meng Qi sa harap ni Gu Yue Ze, pero kung may pinakakaunting apeksyon siya sa kanya, hindi siya maniniwala sa kahit anong sasabihin ni Shen Meng Qi.
Dahil best friend niya si Shen Meng Qi, pumupunta siya lagi para may makasama siya. Kaya pwede siyang maglabas pasok kung ano man ang gusto niya. Pinayagan pa niyang pumasok nang palihim si Gu Yue Ze.
At noong magsasalita na si Ye Wan Wan, bigla siyang kinabahan.
Si Ye Han...
Nandito na siya!
Instinctively, alam na niya agad ang presensya ni Si Ye Han.
Sa kanyang previous life, hindi niya na-realize na pinagtaksilan siya ni Shen Meng Qi. Pinanood siya ni Si Ye Han sa kadiliman noong pinagtaksilan niya ito na nagsimula ng kanyang bangungot.
Napabuntong hininga si Ye Wan Wan, pilit na hindi pinapansin ang presensya ni Si Ye Han. Tinignan niya si Gu Yue Ze ng walang interes, tumawa at nagtanong, "Naisip ko lang, saang perspective nanggagaling ang pagkukwestyon mo? That of my ex-fiance? O… sa aking brother-in-law?"
Naging mabigat ang ekspresyon ni Gu Yue Ze sa sarcasm ni Ye Wan Wan, " Wan Wan, alam kong sinisisi mo ako, pero helpless na rin ako. Ano mang ang nangyari, responsable pa rin ako sa kung ano ka na ngayon. Umalis na tayo at isasama kita sa Imperial City!"