~VON~
Kitang kita ang paglaki ng mata ni ate sa pagka gulat. Agad naman niyang iniwas ang mga mata niya nang nagkatinginan kami.
'Di ako kumakain ng tao noh'
"Gggg- good ee- evening po ma'am" nauutal niyang bati.
Di ko na siya sinagot, tumango nalang ako sa bati siya at tsaka sumakay sa elevator.
"Bilisan mo kanina pa nag aantay si lola" sabi ko sa naka tungangang kasama ko.
Mabilis naman siyang pumunta sa tabi ko. Kitang kita ang pagtataka sa muka ni ate pero di ko na yun pinansin.
Ilang saglit lang at nakarating na kami sa 10th floor.
"Ss-ige po ma'am, sir" sabi ni ate saka nag bow".
'Di nga kita kakainin ate, ang kulit mo naman'.
Agad agad naman akong naglakad papunta sa room. iisa lang kasi ang room dito dahil private tong 10th floor.
Pagkabukas ko ay nakita kong umiinom ng tsaa si lola.
"Lola namiss kita" niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"HAHAHA namiss rin kita apo" malambing ang tono niya at puno ng pagmamahal.
"Nasan ang asawa mo, bakit di ko manlang alam na kasal ka na pala" biglang nagbago ang tono niya galit at may halong pag aalala.
Agad namang pumunta sa tabi ko si Lux
"Good evening po ako po si Lux Ethan Gonzaga, asawa ni Vanna" buti nalang di nautal tong sira ulo.
Magsasalita na sana ako pero tinignan ako ng masama ni lola kaya napatigil ako.
"Bago kita ituring na kapamilya ko, ano ang nagustohan mo sa apo ko?" napaka strikto ng boses ni lola pati ako ay kinakabahan.
"Uhmm mayaman mo siya" yun siguro ang unang naisip niya. Hay nako sira ulo talaga kahit kailan.
"Yun lang" strikto parin ang boses ni lola at walang bahid ng emosyon ang kaniyang muka.
"Maganda po siya" sagot naman niya.
"Yun lang ba" ganon parin ang boses at muka ni lola
"Mabait po kung minsan" kinakabahan na siya. May mga namu muong pawis na sa noo niya.
"Yun na ba yun hijo" galit na ang boses ni lola halatang di nasiyahan sa mga sagot niya.
Napabuntong hininga naman si Lux. Kinabahan ako dahil baka aminin niya kay lola na peke lang ang relasyon namin.
"Ang totoo po ay abnormal ang apo niyo. Napakalas mang asar pero pag ako na mang aasar sakaniya ay nababadtrip siya, napaka sungit at sira ulo po ang apo niyo" kalmado niyang sabi.
'T*ng ina mo ah, sira ulo pala lagot ka mamaya sakin'.
Ipinikit ko ang mga mata ko at naghihihtay sa malulupit na salita ni lola.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA tama ka jan hijo sira ulo nga ang apo ko". Napamulat ako dahil ang akala ko ay galit si lola sa halip ay isang kontento at puno ng saya na halakhak ang bumati samin.
Matapos tumawa ni lola ay tinignan niya kami ng malambing at tsaka sinabing "ingatan mo ang apo ko hijo" di ko alam kung bakit pero biglang tumolo ang luha ko. Para kasing naghahabilin na si lola.
"Opo, ako na po'ng bahala sakaniya" kitang kita mong sinsiro siya at di nag bibiro. Tinunaw ng mga salitang yun ang puso ko na dahilan para mas lalong tumolo ang luha ko.
Di ko na napigilan ang sarili ko at napa iyak na sa kinaroroonan ko.
Niyakap naman ako ng dahan- dahan
ni Lux. Ramdam ko ang init ng katawan niya, eto ang unang beses na ganito kami kalapit sa isa't-isa.
Naka yakap parin siya saakin at naka sandal naman ang ulo ko sa dib dib niya.
Makalipas ng ilang minuto ay kumalma na ako. Dahan- dahan akong humiwalay sa pagkaka yakap niya at nagpaalam narin kami kay lola dahil gusto niya lang siyang makilala.
Nang palabas na kami sa elevator ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko, baka nag aalala siya na matumba ako.
'Sige pagbibigyan kita ngayon'.
Pagkasakay hanggang sa pag labas namin ng hotel ay ramdam ko ang mga mata na nakatingin samin dahil ngayon lang ako nagsama ng lalake at magka hawak kamay pa kaming lumabas.