Baixar aplicativo
96.55% Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 28: SPECIAL CHAPTER

Capítulo 28: SPECIAL CHAPTER

ISA-ISANG nilalabas ni Maze ang mga dalang pagkain sa basket. Nasa isang park sila ng mga sandaling iyon ni Shilo. Pagkatapos niyang ayusin ang pagkain nilang dala ay tumingin siya sa paligid para hanapin ang asawa. 

    "Saan na naman kaya nagsuot ang mga iyon?" sinuyod ng kanyang paningin ang buong park pero hindi niya talaga napansin ang mga ito.

    Tumingin siya kay Aling Sandra na siyang kasama niya ng mga sandaling iyon. "Aling Sandra, kayo po muna dito. Hanapin ko lang ang mag-ama ko."

    "Sige po, Ma'am Kaze."

    Tumayo na siya at hinanap ang asawa niya na sigurado siyang nag-asal bata ng mga sandaling iyon. Natagpuan naman niya ang mga ito malapit sa isang fond. Nasa bisig ni Shilo ang bunso nilang anak na si Shander Kalexter habang ang dalawang anak niya naman ay nakatingin sa fond na parang may sinusuri.

    "Daddy, are you sure it's a fish?" tanong ni Zander Shino na apat na taong gulang. Ito ang panganay nila ni Shilo.

    "Yes, Shino pero wag mong hahawakan dahil madumi ang tubig." Pangaral ni Shilo sa anak. Nakahawak sa kamay ni Shilo ang pangalawang anak nila na si Shazzy Lyn. Ito ang nag-iisang prinsesa nila.

    Napangiti siya habang pinagmamasdan ang asawa at anak. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng ganitong kasayang pamilya kasama si Shilo. Being with him for five years is a long journey. Marami silang pinagdaanan mag-asawa. May mga panahon na nag-aaway sila at hindi magkasundo pero dumarating din naman sa punto na inaayos nilang dalawa. Sa tuwina ay si Shilo ang nagpapakumbaba. Ayaw daw kasi nitong nag-aaway silang dalawa. Isa iyon sa katangian ng asawa na lalo niyang minahal dito. Wala siyang masasabi sa asawa dahil na pakabuti nito sa kanya at sa mga anak nila.

    Hindi niya pinagsisihan na pinakasalan at piniling makasama ito habang buhay. Kung mamatay siya at muling mabuhay, pipiliin niyang muli si Shilo. Tanging ito lang ang nais niyang makasama mula noon hanggang ngayon.

    Natigilan siya ng makita siya ni Shazzy Lyn.

    "Mommy!!!" sigaw ng anak niya. Kumawala ito sa pagkakahawak sa ama at tumakbo palapit sa kanya.

    Nakangiting sinalubong niya ang anak. Agad siyang lumuhod para magpantay sila ng kanyang prinsesa. Yumakap sa kanya si Shazzy Lyn. Gumanti din siya ng yakap dito. Tumingala siya ng mapansin na may tumayo sa harap niya.

    Nakangiting mukha ng asawa ang bumungad sa kanya. 

    "Hi Mommy." Bati ng bunso niyang anak.

    Kumalas siya sa pagkakayakap sa pangalawang anak at tumayo para makapantay ang bunso nilang anak. Pinisil niya ang matabang pisngi ni Kalexter. "Hello, my baby boy."

    "Mommy, carry me." Kalexter spread his arms.

    Sinunod naman niya ang anak. Kinuha naman niya sa bisig ni Shilo ang anak. Hindi nagkakalayo ang edad ng mga anak nila ni Shilo. Shino is turning five years old next month. Shazzy just turn four years old last month while Kalexter is turning three years old six months from now. Kahit sunod-sunod ang pagbubuntis niya ay hindi niya iyon pinagsisihan dahil masaya naman sila ni Shilo. Nagdesisyon na din silang mag-asawa na wag ng dagdagan ang anak. Para naman sa kanila ni Shilo ay sapat na ang tatlong makukulit na ito para sumaya ang buhay nila. Kuntento na sila sa kung anong meron.

    "Hindi ba mabigat si Kalexter?" tanong ni Shilo.

    Umiling siya. Mataba kasi si Kalexter kaya mukha talaga itong mabigat pero kaya pa naman niya itong buhatin. Iyon din kasi ang way ng bunso niya ng paglalambing sa kanya. Hinalikan niya si Kalexter na ikinatawa ng anak. Sinulyapan niya si Shazzy. Nakahawak na ito sa ama.

    "Daddy… Daddy… ako naman po." Sabi ni Shazzy at nagpapabuhat din. Agad naman itong pinagbigyan ng asawa.

    Pinagmasdan niya ang kanyang mag-ama. Kung si Kalexter ay malapit sa kanya, si Shazzy naman ay malapit sa ama. Hindi ito nakakatulog hanggang hindi ito tinatabihan ni Shilo. Spoiled din ito sa ama. Nag-iisa kasing babae kaya talagang ibinibigay ng asawa ang lahat ng gusto.

    "Inihanda ko na ang mga pagkain. Bumalik na tayo at pakainin itong mga bata." Sabi niya.

    "Sige." Hinarap ni Shilo si Shazzy. "Do you want ham burger, baby?"

    Lumiwanag ang mukha ni Shazzy. "Yes, Daddy. You will put many, many cheese."

    Tumungo si Shilo at hinarap naman si Kalexter. "How about you, big boy?"

    "I want to eat banana, daddy."

    "I brought banana for you." Aniya sa anak.

    "Yehey!!! Banana!!!" sigaw ni Kalexter.

    Natawa sila sa reaksyon nito. Maglalakad na sana sila ng maalala ang panganay na anak.

    "Where's Shino?" tanong niya sa asawa.

    Iginala nila mag-asawa ang mga mata sa lugar para hanapin ang panganay na anak. Nakita nila itong nakatingin sa mag-asawang nakaupo sa bench. Nakakatigtig doon ang anak. Nagkatingin silang dalawa ni Shilo. Ngumiti ang asawa sa kanya.

    "Shazzy, I will put you down. I will carry Kalexter." Bulong ni Shilo sa babaeng anak.

    Hindi naman nagreklamo si Shazzy. Iyon ang gusto niya sa anak na babae, kahit spoiled ito sa ama ay marunong umintindi. Pagkababa ni Shilo kay Shazzy ay agad nitong binuhat paalis sa bisig niya ang bunso. Hindi naman umiyak si Kalexter. Nang nasa bisig na ni Shilo ang bunsong anak nila ay agad niyang nilapitan ang panganay nilang anak.

    "Shino…" aniya ng makalapit dito.

    Tumingin sa kanya si Shino. "Mommy…"

    "May problema ba anak?" tanong niya dito. Ipinantay niya ang saliri sa anak.

    Umiling si Shino. "I just remember something." Sabi ng anak at muling tumingin sa mag-asawang naka-upo sa bench.

    "Ano naman ang naalala mo? At bakit mo sila tinitigan?"

    "I remember that I meet a lady here. She also like that." Itinuro nito ang babaeng buntis.

    Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya kasi alam kung sino ang tinutuloy nito. Madalas kasi sila sa park na iyon. Kapag weekends ay pumupunta sila doon para ipasyal ang mga anak. Sinisigurado nila ni Shilo na may nakalaang oras silang dalawa para sa anak. Pareho man silang busy sa pamamahala ng negosyo ng pamilya, dahil pareho silang CEO ng kanya-kanyang family business, hindi pwedeng walang isang araw na kasama nila ang mga anak. Masyado pang bata ang tatlo para ipagkatiwala sa mga katulong. Minsan ay kasama nila ang mga ito sa office at kung minsan ay sa bahay ng kanilang mga magulang.

    "You talk to stranger?" gulat niyang tanong sa anak.

    Tumungo si Shino.

    "Shino, I told you so many times. Don't talk to stranger." Pangaral niya sa anak.

    "But she is beautiful and sad." Depensa ng anak.

    "Even so." Hinawakan niya ang kamay ng anak at tumayo. "Let's go. Food is waiting."

    Sumabay na din ang anak niya ng magsimula siyang maglakad pero napansin niyang sinusulyapan pa rin nito ang mag-asawa. 

    "Shino, stop staring at them." Suway niya sa anak.

    "I'm sorry, mommy. I just remember the old lady. I didn't see her after that but I can't forget her. I still remember how sad she is."

    "Maybe, she is happy now that's why she didn't come back here." Sabi na lang niya sa anak.

    Hindi na nagsalita si Shino. Nang makalapit siya sa asawa ay binigyan siya nito ng nagtanong na tingin. Umiling siya bilang tugon. Mamaya na niya sasabihin dito ang nalaman. Sigurado siyang pagsasabihan din nito si Shino sa ginawang pakikipag-usap sa hindi nito kakilala.

    Hawak niya ang kamay ni Shino habang karga ni Shilo si Kalexter at sa isa nitong kamay ay si Shazzy. Narating nila ang picnic blanket. Nakaayos na ang lahat at nakatayo doon si Nay Sandra. Bumitaw si Shino sa pagkakahawak niya at tumakbo kay Nay Sandra ng ilang hakbang na lang ang layo nila. Sumunod sa kuya nito si Shazzy habang si Kalexter ay nagpababa sa ama nito at tumakbo na rin.

    Nakangiting pinagmasdan niya ang mga anak. Hindi siya makapaniwala na bibigyan siya ng makukulit at bibong mga bata. Matitigas man minsan ang mga ulo ay matatalino naman. Lumalaki din ang mga ito na may paggalang sa kanila ni Shilo. Kapag sinabi nilang hindi pwede ay agad na sumusunod at hindi na sila bibigyan ng sakit ng ulo. 

    Natigilan siya ng may taong yumakap sa kanya mula sa likuran dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Napasulyap siya at nakita ang masayang mukha ng asawa.

    "Ang bilis lumaki ng mga anak natin. Parang kailan lang hindi natin alam ang gagawin dahil sabay-sabay silang umiiyak."

    Tumawa siya sa sinabi ni Shilo.

    "Kaya nga eh. Kung wala si Mommy, hindi ko alam kung paano makakasurvive sa kanila pero masaya pa rin ako. Masaya ako na sila ang mga anak natin, Shilo."

    Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Shilo. Hinalikan pa nito ang kanyang leeg. "Thank you."

    "Thank you for what, my wife."

    "Thank you for being there for me, for being a good husband and father to our kids. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita, aking asawa."

    Naramdaman niya ang ngiti sa labi ni Shilo. Nakalapat pa rin kasi ang labi nito sa leeg niya. "I love you too, my wife. Thank you being good wife and mother to our kids. Salamat at hindi ka bumitaw sa mga pangako natin. Salamat at ako ang pinili mong makasama habang buhay."

    Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas inihilig niya ang sarili sa dibdib ng asawa. Wala na yata siyang mahihiling pa sa buhay. All her wishes come true. Isang poker chip lang pala ang kailangan niya para matupad ang lahat ng hinihiling niya sa buhay.

💜💜💜


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
HanjMie HanjMie

Thank you

Shilo and Maze are signing off

Shan and Carila will be post next week

Love lots everyone.

next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C28
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login