Baixar aplicativo
100% Where Did You Hide Her Dead Body? / Chapter 1: Chapter 1 Twin Sister's Death
Where Did You Hide Her Dead Body? Where Did You Hide Her Dead Body? original

Where Did You Hide Her Dead Body?

Autor: Sanamanawari

© WebNovel

Capítulo 1: Chapter 1 Twin Sister's Death

August 3, 2019

5:56 pm

"Oo nanggaling nga raw siya sa lugar na yon, hindi ako naniniwalang ordinaryong University yun"

Naputol ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang pag anunsyo ng konduktor na malapit na raw makarating ang sinasakyan kong bus sa destinasyon.

Ang "Flitzvieu Villa" na kinaroroonan rin ng hinahanap ko ..

Sinimulan ko ng siguraduhin na kumpleto ang mga dala kong bagahe at ng masigurado kong handa na ang lahat ay muli akong napalingon sa bintana na kung saan tanaw ang langit na animoy nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan dahil na rin sa mga malalakas na pagkidlat.

"Malas, aabutan pa yata ako ng ulan. tsk!" usal ko sa sarili

Maya maya ay huminto na nga ang sinasakyan kong Bus, inantay ko nalang munang makababa ang lahat ng limang bababa rin at saka ako sumunod. Napansin yata ng konduktor na nahihirapan akong hilahin ang huling bag na dala ko sa compartment sa taas ng upuan kaya't tinulungan niya ako pati na rin sa pagbaba ng mga dala kong bagahe.

"Nako, salamat ho Manong" anas ko habang inaayos ang nagulo sa pagkakatali kong buhok. Ngumiti naman ito ngunit saglit na natigilan at ilang saglit na mataman akong tinignan na parang may inaaninag.

"Bakit ho?" naiilang na tanong ko

" W-wala naman iha, may naalala lang kasi ako" dahilan nito at saka umakyat ng muli sa bus

' Flitzvieu Villa - Iolanthe University ' basa ko sa mga kulay gintong letra na nasa arko sa taas ng napakalaking kulay itim na tarangkahan sa harap ko.

"Ano pong sadya niyo Ma'am?" tanong ng guard na mula sa guardhouse na napansin yata ang pagtayo ko sa tapat ng gate. Agad kong kinuha ang white form o enrollment form na ipinadala ni Miss Aico bilang proof ko para makapasok at ang ID saka inabot sa guard na sya naman niyang inaprubahan. Maya maya ay dahan dahan ng bumukas ang gate sensyales na pwede na akong tumuloy.

Bumungad saakin ang napakalawak na lupain na mayroong kalsada sa gitna at tila hardin ng mga pulang rosas sa magkabilang gilid nito. Sa malayo ay matatanaw ang mga magkakahiwalay na tila mansion at sa dulo ay ang napakalaking tarangkahan sa napakataas at modernong building na paniguradong yun na nga ang pinunta ko

"Sa una'y bubungad mala paraiso, pero sa kalooban nito makakaramdam ka ng pagpaso" pag alala ko sa linyang iyon mula sa nakuha kong diary na sya namang nagdala saakin dito. Tumutugma ito.. muka nga talagang paraiso ang lugar na ito, puno ng hardin at magagandang gusali lalong lalo na ang University.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, may iilang sasakyan ang nagdadaan at mahahalata mo talagang napakayayaman ng mga estudyanteng nakatira at nag aaral dito.

Akma ko sanang kukunin ang cellphone ko para tawagan si Miss Aico para dun sa sinabi niyang may susundo raw sa akin ng biglang may magsalita sa harapan at may hawak ito na plaka kung saan nakasulat ang pangalan ko.

"Ikaw si Miss Aviela Villadarez?" bibong tanong ng babaeng chinita na nakabrace at eyeglass habang papalapit sa akin.

Nakangiti naman akong tumango.

"Ako nga pala si Coraline, you can call me Cora, ako nga pala magiging roommate mo this year!"

"Tara akyat na tayo!" masayang pagyaya nito kaya't sumunod na rin ako

'Iolanthe Alpha Dormitory'

basa ko sa building na pinasukan namin

"Ano nga palang course mo Avie?" tanong nito habang nakasakay kami sa elevator.

"Psychology ako, ikaw?" tanong ko pabalik.

" Hala as in! Psychology rin ako hala sana makaklase tayo like certified blockmate para lagi tayong sabay"

"Kaya nga e, para may kakilala na rin ako kaagad" segunda ko naman

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Dorm unit 414 kung saan kaming dalawa magsasama sa buong school year.

Napansin yata niya ang paglikot ng mata ko sa paligid habang binubuksan niya ang unit door

"Wag kang mag-alala super ganda and safe ang mga facilities nila dito" anas niya sabay ng pagbukas ng pinto na nagluwa naman ng maayos at malinis na kulay green na mini sala, dalawang cr at kitchen na halatang pangdalawahan lang talaga sa left side at pintuan naman na papunta sa kwarto.

" Isa lang ang kwarto but super fine naman kasi medyo maluwag and may place pa para sa study area" kwento nito habang binubuksan naman pintuan ng kwarto

Maayos rin ang set up ng kwarto, maaliwalas at malinis rin. Nasa magkabilang sulok ng kwarto ang kama at isang table lang sa pagitan nito na may lampshade na nakapatong, fully carpeted at airconditioned din kaya sa unang pagpasok palang e kumportable na sa pakiramdam.

Tinulungan ako ni Cora sa pagpasok ng mga iba ko pang bagahe. Matapos nito ay nagpaalam siyang lalabas lang sumandali para bumili sa cafeteria.

" Be sure i-lock always ang pinto Avie ha?" nakangiting bilin nito ng hinatid ko sya sa pintuan

"Yup, no problem" nakangiti ko ring sagot.

Bago ko pa isara ang pinto ay luminga muna ako sa hallway para makita na nakaalis na si Cora.

Tahimik at tanging ilaw lang ng hallway ang meron, wala ring masyadong nagdadaan na tao kahit pa sa kabilang side na hallway. Marahil ay bukas pa ang dating ng mga ibang occupants ng dorms dahil sa lunes ay simula na rin naman ng klase. Ayon sa pagkakaalam ko hindi raw pwede na hindi ka titira sa dorms ng University of Iolanthe kapag dito ka nagaaral, kumbaga mandatory siya na every students need to live in any dorms dito sa Villa.

Nang masigurado ko na naisarado ko na ang pinto ay tumungo na ako sa kwarto para asikasuhin na ang mga bagahe ko. Bale tatlong bag ang dala ko isang malaking sling bag, pack bag at isang pang athlete na bag. Sinumulan ko sa sling bag kung saan nakalagay ang mga personal kong gamit at ang unang bumungad ay ang diary

ito ang dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ako napadpad sa lugar na to para maliwanangan. Napatingin ako sa wallclock, 7:00 PM na.. tumayo ako at sumilip sa bintana na kung saan makikita mo ang paligid ng harap ng Villa dahil sa taas ng gusali ng dorm, may iilang mga naglalakad, nagpipicture at may iba na katulad ko rin na halatang bago pa dahil lilinga linga pa sa paligid. Kung mamasdan ay parang maayos lang ang lahat, sa totoo ay mabibilib ka dahil pangmayaman ang mga facility at paligid dito. Kung mamasdan mo parang ayos lang .. sana nga ayos lang, pero.. hindi

Ibinaling ko ang mata ko sa hawak kong diary na kulay pink at may customized name na Mariela sa ibabang kanang gilid nito.

'Riri andito na ako sa sinasabi mong simula, natatakot ako.. pero gusto ko ring maging matapang.. ayoko na hayaan nalang kung sino man ang gumawa sayo ng mga karumaldumal na yon'

Bumalik sa alaala ko ang lahat bago ako napadpad dito.

Flashback

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, bumungad sakin ang puting kisame at amoy ng di mo malaman kung alcohol ba o gamot sa hangin.

Sinubukan kong bumangon para sumandal sa unan

"Nako, gising na po pala kayo" gulat na anas ng nurse na tila may sinusulat bago niya pa ako napansin na may wisyo na.

"Saglit ho tatawagin ko lang si Doktora" saka ito nagmamadaling lumabas

'Ano Mariela?! Masarap ba? Nabusog ka ano?! HAHAHA Sabi ko naman sayo eh masasarapan ka rin eh!' tila baliw na sabi ng isang lalaki na nakamaskarang puti na nakangiti sa isang babaeng puno ng pasa at may tila ubos na pinagkainan sa harapan. Bakas sa muka ng babae ang pagkabigla at tila nais isuka ang kung anong nasa tyan nito

"Aaahhh Marielaaaa!!" sigaw ko ng biglang parang tinusok ng kutsilyo sa sakit ang ulo ko

sakto namang pagdating ng nurse kanina at ng doktora na sabi niyang tatawagin niya

"What happened? Saan ang nararamdaman mong masakit sayo?" alalang tanong nito

"Nasaan si Riri?! ang kakambal ko!, ligtas ba ang kakambal ko?!" ngunit isamg tahimik na pagyuko lang ang ginawa ng doktora

"Bakit hindi ho kayo makasagot?! nasaan ko ang kapatid ko?! kasama ko sya diba nung makita niyo kami?!! sugatan siya, malala ang mga tama ng kapatid ko nagamot niyo na ba sya?!" sabay sa pagyugyog ko sa balikat ng doktor

pero isang iling lang ang ginanti nito

"Wala na ang kakambal mo Aviela, patay na sya"

para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Tila nangbalik lahat ang alala ko nung gabing iyon, ang huling gabi na nagkatagpo at nagkasama kami ulit ng kakambal ko matapos ang napakaraming taon na pinaghiwalay kami

May 22, 2019

Nagpunta ako sa dating na palaruan na ngayon ay abandona na na lagi namin noon pinupuntahan nila Mama, Papa at Riri. Masayang masaya kami noon, kumpleto at kahit hindi ganon ka asensado eh napakamapagmahal ng mga taong nakapaligid saakin, sobrang close kami ng kakambal ko kahit fraternal kami ay sobrang parehas kami ng ugali, parehas malambing, at mapagmahal. Ngunit ang mga kasayahan na iyon ay tumagal lamang ng ilang taon at naputol na rin dahil sa nangyaring trahedya na nasagasaan si Mama at ilang buwan matapos ay naguwi na ng kapalit si Papa. Si Auntie Lauren, dalaga at napakaganda , hindi nakapagtataka na nagustuhan siyang agad ni Papa. Ngunit ang gandang iyon ay tila kasalungat sa tunay niyang anyo kapag wala si Papa. Palagi siyang masungit at nananakit kasalungat sya sa ugali ni Mama na mapagmahal. Hanggang sa isang araw ay isa nanamang trahedya ang nangyari nang mabalitaan naming pumanaw na rin ang aming Papa dahil sa kawalan ng preno ng minamaneho nitong truck. Naging pangunanahing tagabantay namin si Auntie dahil na rin sa wala kaming kakilala ni isa sa mga kamaganak ng aming ama at ina dahil parehas raw silang itinakwil ng mga ito ng pinili nilang magpakasal. Nagpatuloy ang napakasamang ugali ni Auntie hanggang sa isang araw ay bigla itong naging mabait at maalaga saamin ni Riri

"Riri at Avie ito oh may gift si Auntie sa inyo" tukoy nito sa mga bistida na dala niya

"Mamaya gusto niyo mamasyal tayo?Kaen tayo mamaya ng ice cream" bibo na yaya nito saamin. Nagtataka man ay nagbihis kami at naghanda

Sa paglabas namin sa compound ng tinutuluyan namin ay may nakaabang na malaki at puting sasakyan na pangmayaman

"Sakay na" nakangiti nitong utos

Pagsakay ay bumungad samin ang isang lalaking nakakurbata at parang mas matanda pa kay Papa

"Oh ayan, siguro naman titigilan mo na ako, ayoko na ng magulo gusto ko na rin ng sariling buhay" sabi ni Auntie sa nakakurbatang matanda

"Dont worry, I think quality goods naman sila at higit na mas mataas ang presyo kesa sayo" sabay tawa nito

Maya maya ay huminto ang sinasakyan namin ng makarating ito sa highway malapit sa dagat at parang wala masyadong dumadaam at bumaba si Auntie

"Oh magbehave lang kayo ha!" bilin nito at saka lumabas pero hindi pa sya nakalalayo ng sabihin ng matanda sa driver nito na

" You know what to do sa mga basura" nakita kong kinuha na nito ang baril sa gilid ng belt niya at kinasa kaya madali akong lumabas at hinabol si Auntie

"Auntie!" lumingon naman si Auntie Lauren pero sa saktong paglingon nito

* bang*

dugo!!

puro dugo!

nilingon ko ang kakambal ko, pilit syang kumakawala sa higpit ng hawak matanda

" Riri! " umiiyak kong sigaw

"Takbo na Avie! takas na!!" sigaw niya pabalik

parehas kaming umiiyak noong panahon na yon dahil sa matinding takot, takot na mahuli saakin at takot na hindi na makawala para naman sa kakambal ko

di na ako nagisip at tumakbo na kahit alam kong hahabulin ako nung driver na may dalang baril

takbo!

takbo!

hanggang may isang sasakyan ang nakita kong parating, kumaway agad ako

"Tulong!!!" pakiusap ko rito na di naman ako binigo dahil bumaba ang babaeng nagmamaneho nito

" Tulong po!! yung kakambal ko po kinuha nila! pinatay rin po nila si Auntie Lauren! tulong po!" niyakap ako ng babaeng kaedad ni mama

" Wag kang mag alala, ligtas ka na.. ililigtas rin natin ang kapatid mo "

Flashback ends

Sa kasamaang palad hindi kita nailigtas, sorry Mariela, Riri kapatid ko..

Pero wag kang mag alala, di ako titigil.. ilalabas ko lahat, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo.. ngayon pang naririto na ako sa lugar kung saan nagsimula ang kamatayan mo.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Sanamanawari Sanamanawari

Hi everyone! I wanted to have this story in english perooooo it takes time lol so I'll have it first nalang sa tagalog ang then I'll publish the english ver. sa mga bet ng english stories jan ;) Lets support each other po lalo mga katulad ko na starting writers palang. Lets reach our dreams! Hope you like it and comment or msg lang po for any questions and suggestions. Enjoy reading guys! dont forget to vote and share this story po para dumami tayo ??

-Sanamanawari ??

next chapter
Load failed, please RETRY

Novo capítulo em breve Escreva uma avaliação

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C1
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login