Baixar aplicativo
39.25% WANTED PROTECTOR / Chapter 42: Chapter 41 - The Limitation

Capítulo 42: Chapter 41 - The Limitation

LOPEZ MANSION...

Namutla ang dalaga sa sinabi ni don Jaime.

"P-pakiulit nga lolo?"

"Hindi ba maliwanag sa'yo ang sinabi ko? Makikipag date ka mamayang gabi sa may ari ng construction firm. Marami ang naghahabol ng atensiyon niya ngayon pero tayo ang unang pinagbigyan kaya huwag mong sayangin ang oportunidad na ito."

Napaatras siya.

Bigla niyang naisip ang nobyo.

"Seven pm ang usapan sa Grand Restaurant. Reserve na kayo doon, all you have to do is to go there and meet him. Make sure he will be yours after this."

Napalunok ang dalaga.

"Lolo, pinupwersa niyo po ba ako?"

Napabuntong-hininga ang matanda.

Tinignan siya nito "Kung magagawa mo ang inuutos ko mas matutuwa ako sa'yo hija. "

Napapailing siya, akala niya tapos na ang paghahanap nito ng kanyang mapapangasawa pero mas lumala pa yata!

Tiningnan niya ang orasan, limang oras na lang alas syete na.

Nagpunta siya sa likod ng bahay kung saan may malaking terrace at tanaw ang swimming pool.

Dito lang siya malayang makikipag-usap nang walang makakarinig.

Agad niyang tinawagan ang nobyo.

"Gian please help me. "

"Bakit anong nangyari? Nasaktan ka ba? Sino ang may gawa?"

Ramdam sa tinig nito ang matinding pag-alala at galit.

"Akala ko tumigil na si lolo sa pag hahanap ng mapapangasawa ko pero hindi pala! "

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mamayang alas syete sa grand restaurant makikipagkita ako sa may-ari ng construction firm ang GTMC. Kilala mo ba si Raven Tan?"

Humugot ng malalim na paghinga ang binata sa kabilang linya.

"Kilala ko. Tanyag 'yon sa business circulation. "

"Gian please, ayokong makipagkita sa kanya. "

"Wala namang masama 'di ba? Tanggihan mo kapag nagparamdam."

"Hindi gano'n ang gusto ni lolo. Pinakaaasam niyang maging kami ng Raven na 'yon."

"Damn, " mahina ang pagmura ni Gian pero ramdam niya ang diin sa tinig nito.

"Paano ngayon 'yan? " nag-aalala na niyang tanong.

" Malay mo naman baka mapangitan sa'yo? "

"Hindi mangyayari 'yon. "

" Wow ha! Taas ng self confidence mo madam!"

"Totoo naman ah? Hahabulin mo ba ako kung hindi? "

" Napakayabang talaga, pasalamat ka mahal kita. "

"Thank you "

"Wala pa akong sinabi na tutulungan kita. "

" Gano' n na rin 'yon, love mo ako eh."

Huminga ng malalim si Gian sa kabilang linya.

" Ano ang gagawin ko?"

"Hindi ko alam."

"Gian naman gumawa ka ng paraan ayokong makita ang taong 'yon!" nakikiusap niyang daing.

"Oo na, gagawa ako ng paraan. "

" Bilisan mo ha?"

"Demanding? "

" Pag nahuli ka naku, gwapo pa naman 'yon baka masagot ko, " panunudyo niya.

"Subukan mo, subukan mo lang!"

Natawa siya, imbes na magalit ng binulyawan siya nito, natutuwa pa siya.

"Tumatawa ka pa diyan! "

"Pikon ka talaga, pero kung makapang-asar ka wagas. "

" Huwag kong makikita ang hayop na 'yon ipagpapalit ko ang mukha niya sa orangutan! "

Humalakhak na talaga siya.

Nai-imagine niya ang mukha ni Raven na naging unggoy.

Bahagya na ring natawa si Gian sa kabilang linya.

Maya-maya ay sumeryoso siya.

"Basta tulungan mo ako ha? "

"Titingnan ko kung ano ang magagawa ko. But make sure na hindi ka gagawa ng anumang hindi magustuhan ng lolo mo, kundi katapusan na natin naintindihan mo?"

"Ganyan ka ba katakot kay lolo? "

" Hindi sa lolo mo kundi sa'yo. Natatakot akong mawala ka sa akin. Kaya please, huwag matigas ang ulo okay? "

" Oo promise."

"Sa ngayon, makiayon ka lang muna sa gusto niya. Kapag hindi ako nakagawa ng paraan..." bumuntong hininga ito.

"Magpakipot ka muna okay? Huwag na huwag mo siyang sasagutin," nahimigan niya ang banta sa tono nito.

Napangiti siya. "Opo kamahalan."

"Salamat, I love you. "

"I love you too."

Pagkuwan ay at ibinaba niya ang cellphone.

Humugot siya ng malalim na paghinga.

Ipinapanalangin niyang sana ay hindi siya nito magustuhan.

Ang tanging magagawa lang niya ay hindi magpaganda at ng sa gano'n ay ma turn-off ito at hindi na magpapakita pa.

---

PHOENIX AGENCY...

Palakad-lakad ang binata sa loob ng kanyang opisina.

"Pare! Sabihin mo nga nagpapapansin ka ba dahil bago ang sapatos mo? "

"Ha?" Napalingon siya sa nagsalita.

" Panay ang lakad mo ako ang nahihilo, ano ba kasing problema mo?"

Tinitigan niya ang kaibigan.

"Pare kailangan ko ng tulong mo. "

"Tungkol saan?"

"Si Ellah kasi, may ipinapadate ang lolo niya ang lintek pare, tanyag ang hudyo!"

"Sino?" umahon ang kuryusidad sa tinig nito.

"Si Raven Tan. "

"Tsk! Malala 'yan pare. Bilib na talaga ako kay don Jaime, eh hindi ba't bago pa lang na turn over sa kanya ang posisyon?"

"Tama. "

Tinitigan siya ni Vince.

"Titira ba tayo ng chairman?"

Hindi siya sumagot.

Napatayo ito.

"Lintek pare! Delikado 'yan!"

"Hindi ko sinabing tudasin, haharangan lang sa gusto niya ng walang nalalaman si don Jaime."

"Teka nga, paano mo nalaman ang tungkol dito?"

Huminga siya ng malalim.

"Sinabi ni Ellah at pinagagawa niya ako ng paraan para hindi sila magkita. "

Napapailing si Vince.

"Kakaiba kasi ang ganda ng syota mo eh kaya bigatin talaga ang nakikipagkita. "

Hindi siya umimik.

"Pare, ano ba talaga ang plano mo?"

"Hanggat maaari, wala kayong dapat masugatan lalong-lalo na ang mapatay. Higit sa lahat ang Raven Tan na 'yon. Limitahan niyo lang siya."

"Okay!"

"Salamat pare. "

Humiga siya sa sofa nang matapos ang usapan.

Sinulyapan niya ang orasang nakasabit sa dingding.

Dalawang oras na lang ang natitira.

Ilang sandali pa, nagpasya siyang maligo.

Meron siyang mas mahalagang dapat unahin at puntahan.

---

GRAND RESTAURANT...

Napapangiti ang dalaga kahit mag-isa.

Hindi baling maturingan siyang baliw ang mahalaga hndi pa niya ito nakikita.

Kalahating oras na itong late, at habang tumatagal mas lalo siyang natutuwa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natuwa siya ng husto dahil hindi siya sinipot ng ka date.

Kung ang iba magwawala sa galit dahil sa pagkapahiya ibahin siya, dahil siya ay masaya!

Naagaw ng isang reporter na nasa telebisyon ang atensyon niya.

"Pasado alas syete ngayong gabi nang biglang tambangan ng mga 'di nakikilalang grupo ng mga kalalakihan ang isang itim na sasakyan.

Napag-alamang sakay ang chairman ng GTMC Construction Company na si Raven Tan, at pinagbabaril ang kotse nito. Sa ngayon ay tumangging mag bigay ng pahayag ang panig ng biktima ukol sa naturang insidente..."

"Shit!"

Napabalik siya sa VIP room.

Tinawagan niya ang nobyo pero hindi pa rin ito sumasagot.

Biglang may nagbulungan sa kanyang tabi.

"Hindi ba dapat may customer tayo ngayon na Raven Tan? Hindi kaya siya na 'yong tinambangan?"

"Oo nga, kasi ang babae ay hindi ordinary si Ms. Lopez 'yan eh. "

"Halaka? Ibig sabihin chairman ng GTMC ang Raven Tan na dapat ay ka date niya!"

Bigla siyang tumayo at mabilis na lumabas.

Hindi siya pwedeng magtagal dito. Baka bigla siyang usisain mahirap na.

Papalabas siya sa hall way nang biglang may humawak sa kanyang pulso sabay hila.

" AAAHH" napasigaw siya sa sobrang gulat.

"Shhhh"

"G-Gian? Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat niyang wika.

"To be your knight in shining armor, your highness" nakangisi pa nitong saad.

"Pwede ba seryoso ako, ikaw ba ang may gawa?"

"Kailangan na nating umalis dito, natitiyak kong alam na ni don Jaime ang nangyari at delikadong makita tayo dito ng tauhan niya."

Hinila siya nito sa pulso at nakasunod lang siya sa nobyo.

"Sandali lang, paano ako makakatakas nandiyan ang mga bodyguards ko?"

Walang imik na dinala siya nito sa exit door.

Pababa sa basement binuksan nito ang kotse at pumasok siya.

"Gian, magtataka si lolo kung bakit ko tinakasan ang bodyguards ko?" nag-aalala niyang tanong.

Nagmaneho ito palabas ng restaurant na 'yon.

"Ang importante, nakatakas ka doon. "

"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko. "

Bumuntong-hininga ang binata at sinulyapan siya.

"Wala namang nasaktan hindi ba? Tinakot ko lang. "

"Oh my God! Pero tingnan mo naman nasa T.V agad ang nangyari. "

"Ikaw ang nag-utos na ayaw mo siyang makita hindi ba?"

"Naroon na ako, pero baka madamay na naman ako ng medya, paano kung malaman nilang makikipagkita sana sa akin ang Raven Tan na 'yon pero hindi nakarating?"

"Relax okay, saka na natin 'yan pag-isipan. "

"I don't know what to do now. "

Tanga na kung tanga siya pero natatakot na siya ngayon dahil sa katangahan niya.

Hinawakan ni Gian ang isang kamay niya at marahang pinisil.

"I'm here, everything will be alright trust me. "

Napapitlag siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Si lolo tumatawag."

"Sabihin mong na inip ka kaya ka umalis, huwag mong sabihing naghihintay ka pa rin doon dahil tiyak alam na ng lolo mo na wala ka na sa restaurant. "

"Okay sige. "

Sinagot niya ang tawag ng don.

"Yes lolo. "

"Ellah hija, nasaan ka? Hindi makakarating ang chairman, umuwi ka na. "

"Po? Pero bakit daw?" kunwari ay gulat niyang tanong na nakatingin sa binata.

"Tinambangan siya kaya umuwi ka na, huwag ka ng magtagal sa restaurant na 'yan!"

"O-opo lolo sige po salamat. "

Napabuntong-hininga siya.

Tinawagan niya ang head security.

"Bryan, wala na ako sa restaurant, may pinuntahan lang ako sandali."

"Ms. Ellah, saan po kayo nagpunta? Delikado po ang mag-isa kayo!"

"I know what I'm doing, huwag niyo na lang ipaalam kay lolo ang tungkol dito para hindi na siya mag-aalala pa."

"Pero Ms. mag-isa lang kayo..."

"Bryan I said, I know what I'm doing!"

Pinatay niya ang cellphone.

Maya-maya napansin niya ang dagat sa kanilang pinuntahan.

"Wow!" mangha niyang turan.

"Alam kong gusto mo ng sea foods. Pasensiya ka na ito lang muna ang nakayanan ko."

"Okay nga eh, nakikita ko ng walang salamin na nakaharang tapos tabing dagat lang ang kainan great!"

Lumabas siya at nilanghap ang simoy ng hangin.

"I can't say this is our first date."

"Oo kasi exchange ka lang naman."

Lumapit ang binata, isinandal niya ang ulo sa balikat nito.

"Kahit papaano natutuwa ako dahil walang namatay sa ginawa mo."

"Siyempre, mahirap 'yon."

Iniyapos ng binata ang isang kamay sa balikat niya.

Bumuntong-hininga si Gian.

"Nahihirapan ka na ba? "

"Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo. Nahihirapan ka na ba?"

"Hindi, kasi alam kong nasa akin ka. Alam kong magiging madali ang lahat kapag nandiyan ka."

Napatitig siya sa mga mata ng kasintahan.

"Hindi ako mahihirapan hanggat akin ka. Lahat kaya ko at magagawa ko."

"Kaya natin hanggat magkasama tayo. Ipinatag mo ang loob mo kasi ako ang kasama mo."

Ngumiti siya.

"Tanong ko lang, paano mo nagawang harangan sila ng walang namatay o nasugatan? "

"Binutasan lang ang gulong ng dalawang kotse tapos tinakot, hindi naman nakaporma ang mga bodyguards niya dahil naunahan namin. "

"Paanong binutasan?"

Tumingin sa kabilang dereksyon ang binata at inalala ang ginawa sa karibal.

---

SANTA MARIA ZC...

May kadiliman ang kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan. Sa hindi kalayuan ay mayroong tatlong lalaki na nakasuot ng purong itim at may maskarang itim sa mukha.

Nakatayo ang mga ito habang hawak ang mahahabang baril habang tumitingin sa kalsada.

Maya- maya ay may dalawang sasakyan ang paparating.

"Men alert!" utos niya.

Nang malapit na ang dalawang sasakyan ay bigla nila itong hinarangan sabay putok pa itaas.

"Raven Tan baba!" singhal niya at ilang saglit pa bumaba na itong nakataas - kamay.

"Anong kailangan niyo?"

Walang salitang pinagbabaril nila ang gulong ng dalawang sasakyan.

Ang dalawang gwardya ng chairman ay walang nagawa sa dala nilang kalibre kwarenta 'y singko.

"Talikod!" utos ni Vince sa dalawang gwardya at saka pinusasan.

Nilapitan niya ang chairman at pinusasan.

Wala itong imik na tila nakikiramdam lang.

Nang maisagawa ang plano ay dinala nilang tatlo ang chairman sa underground at doon papalipasin ng magdamag.

Sapat ang panahon na 'yon para walang date na mangyayari.

"Wala ba silang alam kung bakit ginawa sa kanila ang gano'n? " tanong ni Ellah.

" Wala malinis kaming magtrabaho kaya wala din silang malalaman kahit pa mag-imbestiga sila. "

Napabuntong-hininga siya, napakahirap ng kanilang sitwasyon.

Ngayon lang niya napagtanto kung gaano ka mapanganib ang lalaking minahal niya!

Ganon pa man, ang pakiramdam na ligtas at masaya kapag ito ang kasama ay hindi niya ipagpalit kahit kanino at kahit na sino.

Nag-umpisa silang maglakad-lakad.

May namataan siyang isang pares na kabataan na naghahalikan.

Ibinaling niya ang tingin sa dagat.

"Nakakainggit sila, " bulong nito sa kanyang tainga.

"Hmp! Magtigil ka. "

"Bakit?"

"In public place? Hello?"

Tumawa ang binata.

"In private tayo?" Nilingon nito ang nasa likuran kung saan naroon ang napakatayog na gusali na tiyak niyang hotel.

"Nakakainis ka!" hinampas niya ito sa balikat.

"Aray ko. "

"Talagang masasaktan ka kung hindi ka pa magtigil, " banta niya.

"Bakit ba? Eh ayaw mo sa public eh 'di sa private. "

"Iyang pagkamanyak mo tigilan mo. "

"Grabe ka ha, manyak agad?"

"Ano pa ba?"

"Sandali ano 'yon?" May itinuro ito sa  gilid niya.

"Saan?" Mabilis siyang lumingon.

Nang walang makitang kakaiba muli niyang nilingon ang binata.

"Wala naman eh! Nakaka..."

naudlot ang kanyang pagsasalita nang halikan siya nito sa mga labi pero saglit lang.

"Nakakainis ka talaga!" hahampasin sana niya ito pero mabilis itong kumalas ito at nagsimulang tumakbo, kaya hinabol niya.

Ang unggoy lagi siyang iniisahan!

Tawa naman ito ng tawa.

Napakalutong ng halakhak ng binata na para bang wala silang pinoproblema.

Maging siya ay humalakhak na rin. Nakakahawa ang tawa nito, totoong-totoo at nararamdaman niya ang sayang nararamdaman nito.

Natigil lang ito nang mapansing nakatitig na lang siya dito.

"Hey, are you okay?" lumapit ang binata.

Niyakap niya ito sa beywang.

"I love you Gian. "

"I love you too, " sabay bulong sa tainga niya "Sa private tayo?"

Ipinikit niya ang mga mata.

"Gutom lang 'yan. "

"Palagay ko nga. "

Nagkatawanan sila.

Kahit gaano pa katindi ang ginawa nito, nawawala ang pangamba niya basta ito ang kasama.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C42
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login