"Gusto kita Lance," ang una kong sinabi sa kanya habang nakatungo. Nasa may likod kami ng school building at hindi ko siya matingnan sa sobrang hiya ko.
Hindi kaagad siya sumagot. Tanging malayong tinig ng ingay sa mga classroom at ang ihip ng hangin ang aking naririnig. Ramdam ko ang tingin siya sakin. Feeling ko matutunaw na ako.
Medyo malamim ang kanyang boses ng sinabi nyang, "Sorry Alyssa, may iba akong nagugustahan."
Oh di ba? Kaya ayoko na ulit subukan ang pag-ibig, lagi na lang bigo. Sabagay unang try pa lang naman. Matagal-tagal din bago ako nakumbinsi ng mga kaibigan ko na alam kong nagtatago sa likod ng puno na may halong kaba at ngiti sa kanilang mga mukha.
"Aalis na ako ha, sorry talaga Alyssa." Umalis na siya at naiwan akong mag-isa, nakatungo pa din ako.
Nilapitan na ako ng mga kaibigan ko, unang umakbay sakin si Dan. "Risa, ok lang yan, andito naman ako eh."
"Sino naman kaya ang gusto nun?" sabi ni Aya na nasa aking harap.
"Ano ba nagustuhan mo dun? Hindi naman gwapo?" wika naman ni Mia na katabi ni Aya.
"Anu ka ba Mia? Sikat na sikat sa school natin yang si Lance simula ng dumating yan dito," kontra ni Aya.
"Hoy kayong dalawa diyan, kita niyo naman na rejected tong kaibigan natin," biglang higpit ng akbay sakin ni Dan na medyo natatawa.
"Oo nga Risa, wag ka ng umiyak. Sure naman akong madaming iba pa dyan," kumbinsi ni Aya habang kinuha niya ang kamay ko.
Bigla akong tumunghay at nagulat sila ng nakita nila na hindi ako umiiyak.
"Sus, hindi naman pala naiyak tong si Risa. Tara na nga," aya ni Aya at biglang tumawa. Sumabay na din ako sa kanilang pagtawa. Hindi naman masakit eh. Sinubukan ko lang talaga. Okay, sino bang niloloko ko? Oo na, masakit pero hindi pa rin mahihigitan nito ang sakit na naramdaman kong sakit nung iniwan niya ako.
"Oh Risa, anong feeling ng rejected?" tanong ni Dan, nakangisi habang naglalakad kami papasok ng building. Hindi pa din niya tinatanggal ang pagkakaabay sa akin.
"Hindi ba alam mo na yun. Expert ka sa pagiging rejected ah," sagot ko at tumawa ng malakas.
Narinig din nila Aya at Mia kaya sumangayon sila at tumawa rin, "Oo nga!"
"Hindi nu, ako nireject? Kailan nangyari yun ha?" tanong niya na may halong pagyayabang.
Sasagot na sana ako nang bilang may humablot ng kamay ko. Nagulat ako at muntik ng matumba ng may sumalo sakin. Pamilyar ang amoy at built ng katawan niya. Puting polo at ang brown naming blazer na hindi nakabutones at ang kanyang loose na blue necktie ang una kong nakita.
"Stan," wika ko sa aking best friend na kaklase ko simula kindergarten.
"Mari Alyssa Reyes, kaninang kanina pa kita hinahanap. San ka ba nagsusuot?"
Tumunghay ako at nakita ko ang kanyang brown na mga mata na nakatingin sakin. Ang itim niyang buhok na medyo mahaba na ay nakagel. Maputi at matangkad siya at hindi maitatangging gwapo siya pero friends lang kami at wala akong tinatagong nararamdaman para sa kanya.
"Oh andito na pala ang gwapo at basketbolistang best friend mo Risa," singit ni Aya na may halong tawa, "Una na kami Risa. Kita na lang tayo sa room."
Kumaway silang tatlo at naglakad na papuntang room namin. Napangiti naman si Stan at lumabas ang kanyang cute na dimples.
"Hoy Stanley Ramirez! Tigilan mo na nga yang kakangisi mo." Pinalo ko siya ng pabiro sa braso at tumawa na lang siya.
"San ka ba galing?" tanong ulit niya, ang kamay niya nasa kamay ko pa din.
"Diyan lang," sagot ko sabay iwas ng tingin.
"Eh bat ganyan istura mo?"
Bigla ko kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang mukha ko, wala naman iba. Napakunot ang noo ko, "Wala naman mali sa itsura ko ah."
"Mukha ka kayang ewan na may problema. San ka ba talaga galing?"
"Diyan nga lang. Teka, bakit mo ba ako hinahanap?"
"Nagkayayaan kasi barkada, manunuod ng sine."
"So? Tatanungin mo kung sasama ako?"
"Yep," sabay tango at ngiti niya.
Last day na ng pasok ngayon at bakasyon na bukas, sembreak na! Gusto ko sanang sumama kaso may piano lessons ako mamaya at tsaka baka kasama si ano..si Lance. Nakakahiya.
"Wag mong sabihin na pipiliin mo yang lessons mo. Babatukan kita Risa."
"Hep. Stan naman, alam mo naman na importante sakin ang sabado at ayokong imove yun bukas."
"Pero minsan lang naman Risa. Ngayon lang."
"Pag hindi kasama si Lance, sasama ako."
Napakunot ang noo niya at napabitaw ang kamay niya. "Bakit ba ayaw mo kay Lance? Dahil kamukha niya si-"
Tinakpan ko agad ang bibig niya bago pa niya masabi ang pangalan niya. "Ops, Sinabing bawal sabihin ang pangalan ng tarantadong lalaking yun."
Tinanggal ko na ang kamay ko at hindi pa din siya nagsalita. Kaya itinuloy ko na lang, "Hindi naman ayaw ko sa kanya. Basta, ayoko lang siya makasama."
Saka ko na sasabihin sa kanya na nagtapat ako sa bago niyang best friend na si Lance baka lumaki pa ang issue na basted ako.
"Bakit ba ayaw mo?"
"Hay naku Stan, kulit mo sinabing basta, saka ko na lang iexplain. Tara na lang pumunta sa room para maayos ko na yung gamit ko."
Hinook ko yung kamay ko sa braso niya at hinila siya papuntang third floor.
"Hindi pwedeng hindi kasama si Lance, by partner kasi yung sine mamaya kaya ikaw yung inaya ko," sinabi ni Stan ng nasa may tapat na kami ng room ko.
Magkatabi lang ang room namin, section a siya at section b naman ako. Nakasandal na ako sa may pader ng sinagot ko siya.
"Iba na lang yayain mo Stan. Importante talaga ang lessons ko mamaya."
Papasok na ko ng room ng nilingon ko ang best friend ko, naktungo siya at halatang malungkot siya. Sumigaw ako ng bahagya, "Tatawagan na lang kita mamaya ha! Ingat kayo!"
Nang naayos ko na ang gamit ko, nilapitan na ako ng tatlo kong kaibigan, si Aya Gomez, kaklase ko simula ng first year kami, si Mia Kaithlyn Lopez, childhood friend ni Lance at si Daniel Hernandez, na kaklase ko din simula first year na kasama din sa basketball club.
"Naku Risa, wag mong sabihin na hindi ka sasama samin at tinanggihan mo yung knight and shining armor mo dahil ayaw ko marginig yun," pang-aasar ni Aya.
Hindi ko na lang pinansin si Aya. Kahit maliit yan, talagang madaldal pero cute. She has brown hair and eyes. "Ayaw mo pala marinig eh, hindi ko na lang sasabihin sayo."
"Risa!" reklamo niya, "Minsan na nga lang ulit tayo makakalabas."
"Oo nga, third year hayskul pa lang tayo Risa kaya dapat ienjoy mo na habang bata pa tayo." sang-ayon naman ni Dan.
Parehas ko silang pinansin, pareho silang may tama at tanging si Mia lang naman ang matinong kausap. "Sasama ka Mia?"
"Oo, pinilit ako nitong si Dan. Kami daw ang partner."
"Ako lang pala ang hindi kasama, sumama na kaya ako? Pero-"
"Pero nahihiya ka kay Lance dahil sa nangyari kanina." Itinuloy ni Aya.
Napatango na lang ako kasi totoo naman. Si Dan naman ang nagsalita, "Ok lang yan, tara na para naman may kasama si Stan mo."
"Tama! Para makita ko na din ang hubby ko. Miss ko na yun," sabi ni Aya sabay higit sakin.
Pagdating namin sa gate, andoon na sila Stan kasama si Andy na boyfriend ni Mia, si Lance at dalawang babae na naka-uniform din. Ang uniform namin ay short skirt na kulay brown at may pleats na medyo above the knee samantalang plain white long sleeves. Mayroon din kaming blazer na kulay brown na may school emblem ng Gregorian High School.
Nang malapit na kami lumingon na samin sila Stan at ang kasama nilang babae, ang isa naka-necktie na kulay pula ibig sabihin first year pa lang yung babae at ang isa naman ay ang ate ko na naka-necktie na kulay itim na pang fourth year naman Blue para sa third year at light pink sa second year.
Akala ko nung una si ate ang date ni Stan doon pala ako nagkamali.
"Oh akala ko hindi kasama si Risa?" tanong ng ate ko kay Stan.
"Akala ko din, inaya ko na tuloy si Denise," sagot ni Stan sabay akbay niya sa isang cute na babae na naka dalawang pony tail ang kanyang medyo kulot na buhok.
Sabay kaming nagkatinginan ni Aya at alam ko na kung ano ang nasa isip niya at ito yun, 'Sino naman yun?'
"Edi ang date ni Ate Liza ay si Lance?" tanong naman ni Aya na may halong pagkainosente sa kanyang boses.
"Yep," sagot ni Stan na may kasama pang tango.
Hi! Author here. I just want to promote my other story that I update every Friday. It's a romance story too. But for 18+ readers. It's set in Japan called Ugly Little Feelings. So if you're 18 and above, interested in some fluff, please check it out. Thanks!