Baixar aplicativo
42.85% There is US not You and I / Chapter 66: Inip Na

Capítulo 66: Inip Na

Dahil sa hindi inaasahang paggising ng prinsipe, hindi tuloy sya napaalis sa Sinag Island at nadala sa South Pole.

Kahit na nagngingitngit sa inis si Kate, wala silang magawa, dahil may malay na ito.

'Bakit kasi gumising agad itong palakang ito?'

Sabi ng isip ni Kate.

Ang isa pang mabigat na dahilan ay AYAW umalis ng prinsipe hangga't hindi nya nakikilala kung sino ang kumurot sa pisngi nya.

Matagal na kasi syang may malay pero hindi nya magawang buksan ang talukap ng mga mata nya, sobrang bigat nito at tila hindi sapat ang lakas nya. Hindi nya tuloy nagawang makita ang taong kumurot sa kanya.

Hindi nya maipaliwanag pero, nung mga oras na kinurot sya ng taong yun, pakiramdam nya may enerhiyang nagmumula sa taong yun at isinasalin sa kanya kaya nya nagawang imulat ang mga mata nya.

Kaya hindi nya maintindihan kung bakit ayaw nilang ipaalam sa kanya kung sino iyon.

Ilang beses na nya itong ipinatawag pero hindi pa rin nagpapakita.

Nagtataka na ang prinsipe kung bakit.

"What is the problem? I don't understand, I just want to see that person!"

"I'm sorry Prince Tobias, but we can't grant your request. Your still weak. It's dangerous to accept visitors right now. I hope you understand."

Pero ang tunay na dahilan at ayaw ipaalam sa kanya, sadya syang tinataguan ni Mel dahil nagaalala itong baka magalit si Kate.

Hindi na kasi maintindihan ni Mel kung bakit inis na inis ang WifeyLabs nya sa prinsipe.

Nung una natatakot sya baka galit ang prinsipe pero ngayon alam na nya na gusto lang ng taong makipagkita.

'Marahil ay nalulungkot sya at naghahanap ng makakausap kaya gusto akong makita.'

Lumipas ang mga araw at linggo, unti unti ng naibalik ni Kate sa normal ang Sinag Island lalo na ang Secret.

Lahat ng mga nagtraydor ay pinatalsik nya sa Sinag Island at pagkatapos ay pinagbabayad ang bawat isa ni Don Miguel ng halagang 100 milyon.

May confidentiality agreement pala silang pinirmahan at nakalagay dun na hindi sila pwedeng maglabas ng ano mang impormasyon tungkol sa Sinag Island.

Samantalang si Sec Damian ay biglang naglaho na parang bula, kagagawan ng Caphal country.

Dahil ang impromasyon nakarating sa kanila ay mali, hindi pala ang Crown Prince ang naroon sa Sinag Island at nagpapagaling, kundi isang retired na heneral.

Pinalitan kasi ni Kate ang lahat ng pictures at nilagay ang mga pictures ni Gene.

Kung sana sumunod agad si Damian ng ipatawag sya ng Presidente disin sana nasa Pilipinas pa sya.

Ngayon, walang nakakaalam kung ano ang lagay nya at tila wala naman nakaka miss sa kanya.

"Pero pag nalaman kong buhay pa ang hayup na Damian na yun, sisiguraduhin kong magbabayad sya!"

Ito ang parehong usal ni Don Miguel at President Guran.

*****

After ng date ni Jaime at Nadine, nadugtungan pa ito ng getaway vacation nila kasi hindi pinayagan ni Kate na makapasok si Nadine sa Sinag Island kahit na nagbanta pa itong tsitsinelasin nya si Kate pag nagkita sila.

Walang alam sa nangyayari ang nag asawa kaya kinukutuban na sila.

Tumigil lang sa pangungulit si Nadine ng si Don Miguel na ang makipagusap sa kanya.

"Ako ang may utos kay Kate na walang makakalabas at makakapasok sa Sinag Island. May kinakailangan syang linisin na kalat duon kaya huwag mo syang istorbohin! Pagnatapos na syang mag linis saka ka lang pwedeng makapasok!

Kaya pwede ba Jaime, aliwin mo yang asawa mo ng ilang araw!"

Utos ni Don Miguel na magbyahe sila kaya binigyan sila nito ng trip to Palawan sya lahat ang sumagot.

Hindi naintindihan ng dalawa ang paglilinis na sinasabi ni Don Miguel pero hindi naman nilang makapagtanong.

Sa huli, tinanggap nila ang trip to Palawan. Sino ba naman tatanggi eh, libre! Saka makakapag bonding pa silang mag asawa.

Samantalang si Gen. Pasahuay ay nanggagalaiti sa galit dahil hindi pinansin ni Jaime ang utos nya.

"Lintek na yun, kinakalaban na talaga ako! Baka gusto nyang ipa court martial ko sya!"

Pero hangggang salita lang ang nagawa nya dahil alam ni Gen. Malvar ang nangyayari kay Jaime. Sya mismo ang nagutos dito na tanggapin ang trip to Palawan kaya walang nagawa si Gen. Pasahuay.

After 2 weeks natapos na ang bakasyon ng magasawa. Mukha naman maganda ang naging resulta dahil kita sa ngiti ng dalawa.

Agad naman nagtungo si Nadine ng bigyan na sya ng clearance makapasok pero sa ilalim ng tubig sya dumaan bagay na ikinagulat nya.

Ayaw kasing ibaba ni Kate ang shield.

"Delikado, habang andito yang palaka na yan!"

Sabi ni Kate.

"Sinong palaka, WifeyLabs?"

"Sino pa eh di yung kakurutan mo! Hmp!"

Sabay alis nito, iniwan si Mel.

"Halah, anyare kay Kate MyWifeyLabs?"

"Baka naiinggit sa pagkurot mo sa prinsipe gusto nya kurutin mo rin sya!"

Sagot ni James.

Mel: "????"

Masayang masaya si Nadine ng makita ang mga anak nya pero na shock sya sa ipinagtapat ni James.

"Ano? May apo na ko sa'yo?!"

"Mom, sya po si Karlos isa sa kambal ko."

Nakangiting sabi ni James.

"Karlos..."

Makikita ang tuwa sa mata ni Nadine ng lapitan nito ang bata.

"Mama..."

"Huh?"

"Karlos it's Lola not Mama."

Pagtatama ni James.

"Lola!"

Sabay turo ni Karlos kay Belen

"Hehe! Matalinong bata ito!"

Sabi ni Belen.

"Kita mo na ang ginawa mo!"

Sabay hambalos ni Nadine ng sapatos kay James.

"... dahil sa'yo hindi ako kilala ng apo ko!"

Patuloy ito sa paghambalos sa anak

"Waaaah!"

"Bakit apo, anong masakit?"

Nagaalalang tanong ni Nadine ng biglang umiyak si Karlos.

Nilapitan nya ito at inakap.

"Galit kasi kaw, palo mo si Papa! Huhuhu!"

"No! No! No! Baby Karlos hindi galit si Lola. Bad boy kasi yang si Papa mo!

James, face the wall!"

"Po?!"

"Sabi ko face the wall o gusto mong padapain kita dito!"

"Mom!"

"Ano may reklamo?"

"Wala po..."

"Hahahaha! Si Kuya na face the wall!"

Tawa ni Khim

Natawa na rin si Karlos ng makitang tumatawa si Khim.

Samantala.

"WifeyLabs, huwag mo muna kayang ikwento yung nangyari sa Sinag lalo na sa Secret kay Mommy Pretty baka maface the wall ka rin!"

Bulong ni Mel kay Kate

"Oo, HubbyLabs, hayaan mo muna natin kay Kuya ang atensyon ni Mommy. Minsan ko lang makitang mabigyan ng punishment yan si Kuya kaya hayaan mo muna akong mag enjoy! Hehe!"

'Grabe talaga trip nitong WifeyLabs ko!'

Pero mapipigilan ba nilang malaman ni Nadine ang mga nagdaang nangyari kung inip na ang prinsipe at naisipan ng umalis ng Secret para hanapin ang kumurot sa kanya.

"It's time for me to look for that person!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C66
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login