Nico's POV
I am Nico Valentino and I am gay but nobody knows it maliban kay Charles at sa ibang classmates niya pati na rin sa bestfriend ko na si Hannah. Taga-ibang section ako at hindi kami classmate nina Kean at Vincent pero magkaiba rin sila ng section. Matagal na rin akong may gusto kay Shawn pero palihim akong kinikilig sa kanya baka hindi nila ako tanggap na bakla ako.
Habang papunta ako ng booth namin ay napansin ko kanina na parang wala sa mood si Charles at naisipan ko na lapitan siya at bigyan siya ng mga advice sa mga problema niya. Pagkatapos ay umalis ako at pumunta ako sa booth namin. Ikinuha ko iyong diary at ballpen ko sa sling bag ko at may isinulat ako para kay Shawn sa huling page ng diary.
"Shawn,
Matagal na akong may gusto sa'yo pero di ko masabi kasi natatakot ako baka di mo ako matatanggap. Sana hindi ka magbago kahit na magkaibigan lang tayo. Alam ko na hindi mo ako magugustuhan kasi straight ka at bakla ako. Pero hindi ako kagaya ng ibang bakla na mahinhin. Masaya ako kapag nakikita kita parati at malungkot ako kapag umabsent ka sa school. Kumpleto na ang araw ko dahil parati kang nandiyan para pasayahin at pakiligin ako.
from: Nico
P. S. Sana magustuhan mo itong diary ko."
"Hannah, pakibigay kay Shawn itong diary." – pakiusap ko sa kanya
Ibinigay ko sa kanya ang diary ko para basahin ni Shawn ang mga nakasulat doon tungkol sa kanya.
"Don't worry, hindi ko sasabihin sa kanya na nanggaling sa'yo." – sabi ni Hannah
"Thank you, maaasahan ka talaga sa mga secrets ko."
"Walang anuman!"
Ibinigay ni Hannah kay Shawn ang diary ko.
"Shawn, puwede mo bang basahin itong diary ko?" – pakiusap ni Hannah
"Sure!" – sagot ni Shawn
Nang basahin na ni Shawn ang diary ay agad akong umalis ng booth namin.
***
Charles' POV
Habang nanonood ako sa championship round sa basketball court ay nakita ko sina Harvey at Cherry na naghahalikan at nasa tabi ko pa sila. Nang dahil sa galit ko ay di ko na siya matiis sa kanyang ginawa at hinila ko kaagad ang kanyang mahabang buhok.
"Walang hiya ka!" – sabi ko habang nagagalit
"Ikaw ang walang hiya!" – sabi niya
Sinampal ko siya nang malakas.
"Charles, ano ba'ng ginawa mo kay Cherry?" – tanong ni Harvey
Bigla akong nasaktan habang ipinagtanggol niya si Cherry.
"Huwag kang magkamali na awayin ako dahil ipapahiya kita sa lahat ng mga schoolmates natin."
Buti nga lang at konti lang ang nakakita sa aming tatlo habang nagtatalo kaming dalawa ni Cherry nang dahil kay Harvey. Halos lahat ng mga audience ay nakatuon ang kanilang atensyon sa larong basketball at maraming nagsisigawan habang nag-chicheer. Para hindi na magkagulo ay umalis na lang ako.
***
Two weeks later…
Simula noon ay di ko na pinapansin si Harvey at pagkatapos ng ilang buwang panliligaw niya kay Cherry ay naging mag-syota na iyong dalawa. Hindi na ako masyadong nakialam sa kanilang dalawa at binabalewala ko na lang sila.
Maganda pa rin ang pakikitungo ko kay Kevin at lumalapit pa rin ako sa kanya. Napapansin ko na hindi na sila magkasama ni Riza pero binalewala ko na lang iyon baka may misunderstanding lang sila sa kanilang relasyon.
Habang nagre-review ako para sa quizzes namin sa science ay nagulat ako nang may naglagay ng dalawang red rose at isang white rose sa mesa ng armchair ko at may kasama pang letter pero napakaikli lang ang nakasulat sa papel.
"I hope that you'll enjoy the day with me because you are the reason that I am happy when I see you smiling at me…
Love,
Your Secret Admirer"
Bigla akong nagulat nang biglang dumating si Kevin.
"Hello to the person that makes me feel special." – pagbati niya sa akin
"Ikaw pala ang nagbigay sa akin nito?" – tanong ko
Tumango siya.
"Di ba, girlfriend mo si Riza?" – tanong ko
"Break na kami since last week." – sagot niya
I was shocked!
"Puwede ba akong manligaw sa'yo?" – tanong niya
Di ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Ano ang sinasabi mo?"
"Ang sabi ko, puwede ba akong manligaw sa'yo?"
"Nagbibiro ka ba?"
Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
"Sa tingin mo, binibiro ba kita?"
Naramdaman ko na biglang tumibok ang puso ko nang malakas at totoo pala ang sinasabi niya na liligawan niya raw ako. Parang nasa langit na ako dahil masaya ako dahil nariyan siya para sa akin.
"Oo, puwede mo na akong ligawan!"
Niyakap ko siya nang mahigpit.
***
Riza's POV
Habang gumagamit ako ng cellphone ay nakita ko sa news feed ng FB ko ang picture ni Harvey habang inakbayan siya ni Charles. Ang nakasulat doon sa caption ay "He is the person that makes me feel special, I love him and he loves me so much." Nakita ko na 30 and counting pa ang mga likes sa kanilang picture.
"Kaya pala niya ako hiniwalayan dahil ipinagpalit niya ako sa isang bakla!"
May positive comments sa picture nila…
"Wow! Ang cute nilang dalawa!"
"Stay strong sa kanilang dalawa at sana maging mag-syota na sila."
"Love wins dahil nagmamahalan silang dalawa."
May negative comments naman sa picture nila…
"Eww! Mga salot sa lipunan!"
"Nakakasuka talaga kayo!"
"I hate this couple!"
Tanggap ko naman ang mga taga-LGBT community pero ayoko sa mga mang-aagaw katulad ni Charles dahil malandi siya.
Biglang uminit ang dugo ko habang nakikita ko ang picture nila.
"Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo at matitikman mo ang pait ng aking paghihiganti sa isang baklang katulad mo!"
Tumatawa ako na parang kontrabida sa TV.
***
Kevin's POV
I'm so happy because pumayag si Charles na ligawan ko siya. Kahit na nandito kami sa judgemental world ay mayroong iba na masaya sa aming dalawa. Wala na kaming pakialam sa mga bashers ng ating mundo. Wala rin akong pakialam sa mga tsismoso at tsismosa na gumagawa ng mga masasamang tsismis tungkol sa aming dalawa para siraan kami.
Alam ko na may girlfriend ako pero mas pinili ko na hiwalayan siya dahil hindi ko na siya mahal at may nararamdaman na rin akong kakaiba kay Charles simula noong nakikitulog ako sa kanilang bahay. Ipinilit ni Riza na hindi niya ako hiwalayan pero buo na talaga ang desisyon ko dahil si Charles ang gusto ko at siya ang nagpapasaya sa akin.
One week pagkatapos ko siyang ligawan ay nalaman ng parents ko na nililigawan ko si Charles pero sa halip na husgahan nila ako ay sinusuportahan pa nila ako. Pinapakilala ko pa nga siya sa tatay ko pati na rin kay Ate Evelyn at Kuya Jayson maliban kay mama at Kuya Kean dahil nakikilala na naman niya sila sa school namin.
"Charles, ikaw pala iyong nililigawan ng anak ko?" – tanong ni nanay
Tumango siya.
"Tanggap ko naman kayo dahil hindi ako against sa mga LGBT community pero don't forget your studies para makamtan niyo ang bright future." – payo ni tatay
"Huwag muna kayo mag-SPG sa kama!" – sabi ni ate
"Hoy ate, wala sa plano namin ang mag-SPG!" – sabi ko
Nagtatawanan kaming lahat.
"Si Kean, may nililigawan na ba siya?" – tanong ni tatay
"Sa ngayon wala pero may nagka-crush sa kanya." – sagot ko
"Hoy Charles, hindi iyan totoo!" – pagdedeny ni Kean
"Tama na ang kuwentuhan dahil kumain muna tayo!" – sabi ni ate
Itinigil muna namin ang kuwentuhan at kumain muna kami ng lunch.
***
Mark's POV
Kahit na hindi na ako gusto ni Valerie ay nandito pa rin si Andrew para sa akin. Hindi pa rin niya ako iniwan kahit na nalulungkot ako. Magaan na ang loob ko kapag kasama ko siya at di niya ako kinalimutan kahit na nasasaktan ako sa break-up namin ni Valerie.
*FLASHBACK*
Pagkatapos makipag-break sa akin ni Valerie ay umalis ako ng campus namin at hindi na lang ako naglaro sa championship round ng mga ball games noong Intramurals. Malayo na ako sa campus namin ngunit hindi tumigil sa paghahanap sa akin si Andrew dahil hindi ko alam na sinundan niya pala ako habang paalis ng campus.
"Mark, ok ka lang ba?" – tanong niya
"Oo!" – sagot ko
"Iyong totoo?" – tanong niya
"Ang sabi ko, ok ako!" – sabi ko habang nagagalit
Tumakbo ako nang mabilis dahil gusto ko nang umalis ngunit muntik na akong masagasaan ng motorsiklo pero buti nga lang at niligtas ako ni Andrew.
"Sa susunod kapag may problema ka sasabihin mo sa akin." – sabi niya
Pumunta muna kami sa isang abandonadong kubo na nasa malayong damuhan. Napakaayos pa naman ng pinuntahan namin kubo at hindi pa masyadong nagigiba kahit na matagal nang walang nakatira sa kubong iyon.
"Mark, may problema ba kayo ni Valerie?" – tanong niya
"Bago ko muna sagutin ang tanong mo, puwede ba ako magpalambing sa'yo?"
"Sure, if gusto mo."
Sumandal ako sa kanyang katawan at niyakap niya ako dahil gusto ko na nilalambing ako kahit na may nalulungkot, nasasaktan, at may problema ako.
"Break na kasi kami ni Valerie!" – sagot ko
Nagsimula na akong umiyak at sinubsub ko iyong mukha ko sa kanyang balikat. Kahit na nababasa na ang kanyang sleeveless ay di pa rin tumigil si Andrew sa pag-comfort niya sa akin.
"It's normal to cry because I'm here to be your crying shoulder." – sabi niya
*END OF FLASHBACK*
After few weeks ay masaya na ako dahil kumpleto na ang araw ko dahil kay Andrew. Nagmove-on na rin ako kay Valerie dahil unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kanya.
Habang papunta ako ng classroom ay nakita ko si Andrew at naglalakad rin siya. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko at nagulat siya sa akin.
"Hi Drew, na-miss mo ba ako?"
Inakbayan niya ako at inakbayan ko rin siya.
"Bakit kita mami-miss? Magkapitbahay lang naman tayo!"
"Saan ka pupunta?"
"Sa classroom natin."
Nang pumasok kami ng classroom ay tinitignan kami ng mga classmates namin.
"Mark, naging kayo na ba ni Andrew?"
"OMG, ngayon lang ako nakakita ng dalawang pogi na parang magsyota!"
"Parang may something sa kanilang dalawa."
Marami pa silang sinasabi tungkol sa aming dalawa pero binalewala ko na lang sila pero umaasa pa rin ako na maging kami ni Andrew.
***
Harvey's POV
Naging mag-syota na kami ni Cherry at di niya alam na ginawa ko siyang panakip-butas para maitago ang tunay kong nararamdaman para kay Charles dahil siya ang nilalaman ng puso ko. Pero nang nakita ko sa FB na naging mag-syota na sina Kevin at Charles at parang nagseselos ako sa kanya dahil kinalimutan na niya ako bilang bestfriend at hindi na siya mapasakin nang dahil kay Kevin.
Mag-isa lang akong umupo sa bench na nasa harap ng puno ng acacia at napakalalim ang aking iniisip. Iniisip ko kasi si Charles kung galit nga ba talaga siya sa akin. Bigla akong nagulat nang lumapit sa akin si Germund.
"Bro, may problema ba?" – tanong ni Germund
Tumango ako.
"Tungkol ba ito kay Charles?" – tanong niya ulit
Tumango ako ulit.
"Si Charles kasi masaya na siya sa piling ni Kevin."
"Bakit ka nalulungkot? Eh, dapat masaya ka sa bestfriend mo."
"Oo, bestfriend ko siya pero gusto ko siya."
Tinapik niya ang balikat ko.
"Bro, kung gusto mo siya gagawa ka ng paraan para mapasayo siya."
Nag-manly hug kaming dalawa.
— Novo capítulo em breve — Escreva uma avaliação